Chapter 14

2 0 0
                                    


#DHSOK

I opened my eyes, roaming around the place where I got healed. Not totally healed actually.

Gumalaw ako ng kaonti mula sa pag kakahiga. I'm wearing a white loose hospital dress. Agad akong napainda sa sakit ng maramdaman ko ito sa aking tagiliran, where I got stabbed.

Wait.. Hospital dress? Wait, what? Where am I? Nilabas ba nila ako sa Campus? Oh my gosh.

"If you think that you're outside of the campus, well, think again." isang malamig na boses ang bumalot sa silid.

Napairap nalang ako ng mapagtantong galing iyon sa demonyo kong dorm mate.

What is he doing here? Para akong na so-suffocate when I'm with him.

Iginala ko ang aking paningin sa kwarto, it's huge. Walang binta, may aircon at isang mini table sa tabi ng higaan ko, wherein the foods are perfectly replaced.

Huminga ako ng malalim at dinama ang kirot galing sa aking sugat.

Narinig kong tumayo siya sa sofa sa loob ng aking silid, naramdaman ko ring nag lalakad na siya ngayon patungo sakin.

"Kilala mo ba yung sumaksak sakin?" tanong ko habang nakapikit. Pilit kong kinakalma ang aking sarili, sobrang galit na galit ako. Gusto ko ng gilitan sa leeg yong hayop na sumaksak sakin kagabi!

Hahanapin ko siya hanggang sa kanyang kamatayan. I want him to suffer! I want him to feel every inch of his death. I want his death to be bloody, and lastly I need to plan this perfectly fine.

"Rouvin, the leader of Blood Hunters." he said.

Mula kong iminulat ang aking mata at tinignan siya ng mariin. So he's the leader of Blood Hunters huh? He's nothing but a trash. Naisahan man niya ako kagabi, sigurado naman akong makakabawi ako sakanya. Babawian ko siya ng buhay. Para akong isang apoy na biglang nag lagablab sa sobrang galit! Ngayon, nag balik na ang kagustuhan kong pumatay ng tao. Ewan ko ba at kung bakit ko naisip nung nakaraan na ayoko biglang pumatay, where in the first place, that thing is my favourite.

"Where is he?" I asked. I shook my head in response. "No, nevermind." dapat ay alamin ko ito by myself.

He nods. "Balik lang ako sa dorm." aniya at agad akong tinalikuran upang maka-alis na.

My parents? Did they know that I got stabbed? Or not? My heart aches because of that. Siguro ay alam nila, pero wala silang pakialam. I shouldn't care now. Do what they want to do! I don't freaking care! I will live in my own life! I can live without them! Itatatak ko sa aking kokote ang kanilang pag aabandona sa akin.

Mother and Father, you already lost your only daughter. I will never come back, ever..

***

Surprisingly after 1 week of staying inside my dorm, I recovered that fast! Sabi ng doctor na nakatalaga sa aming eskwelahan ay tumatagal ito ng isang buwan o higit pa bago tuluyang gumaling. Buti nalang at hindi natamaan ng kutsilyo ang aking intestines kaya hindi ito gaanong malala. May kaonting kirot pa rin akong nararamdaman but I can handle it.

Ezio is always here, taking care of me, as if it's his job though. He was the one who cooks and helping me out cleaning the bruise that I got. Thanks to him. I really appreciate his efforts. I owe him a lot.

I couldn't say it to him personally, it's just too awkward.. But dude, we're good.

Gumaling na ang aking saksak. Buong linggo ay hindi ako pumasok. Hindi ko kaya. Baka bigla akong mag passed out pag pinilit ko pa. It was super duper boring! Tulog, kain, and reading lang ang ginawa ko buong linggo! Hindi naman ako makalabas dahil sa punyeta kong kundisyon!

Buti nalang at laging nandito si Ezio para dalawin ako. Minsan nakakairita na siya dahil sa sobrang caring niya. Kulang nalang talaga ay matulog siya sa tabi ko para makita niya lang na safe ako. Wala namang comment ang demonyo kong dormmate doon.

Like duh? Why the hell would he rant about that? Wala naman siyang naitutulong sakin huh? Pabigat nga lang siya eh! Imbis na pagkain ko lang ang lulutuin ni Ezio ay pati ang sakanya'y kasama na rin!

Sa buong linggong iyon ay nag plano na rin ako ng aking gagawin sa Rouvin na yun, kung paano ko siya papatayin sa sakit. At kung paano ko siya lalagutan ng hininga. Kating kati na ang aking mga kamay na gawin iyon sakanya.

"Papasok kana?" Bungad na tanong sakin ni Ezio nang lumabas ako galing sa aking silid. Napatango naman ako atsaka pumunta sa kusina upang uminom ng tubig.

Nakaupo silang dalawa ngayon ng Demonyo sa sofa. Bago ako lumabas ay naririnig ko silang nag uusap, pero nung lumabas na ako sa kwarto ay bigla itong natigil.

"Sabay sabay na tayo.." dagdag pa niya. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at nag abang sa pinto. Hindi na ako nag bigay ng pahayag.

"Oh Ms. Cyrano? Okay ka na ba?" pag tanong ng Adviser namin nang makita ako sa pinto ng aming classroom na papasok.

Ngumisi ako sakanya at huminto sa pag lalakad papunta sa aking upuan.

"Sa tingin mo ba papasok ako ng hindi okay?" sinagot ko siya ng patanong. Nang mapansing wala na siyang balak na mag komento ay nag patuloy nalang ako sa pag lalakad. Tahimik ang buong klase ng pumasok ako.

Weird. Hindi ko kailanman naiisip na mag kakaroon pala ng katahimikan sa classroom namin.

Ang pagsaksak sa akin ni Rouvin ay mali, napag alaman ko na kaya pala siya tumakbo ng mga oras na yon ay dahil hindi siya sumunod sa utos na: 3PM ang oras nang pag patay, sinibak siya sa pagiging leader dahil don.

Napatawa ako ng palihim dahil sa kabobohang taglay niya. Ganon na ba siya kasabik na mapatay ako? Na kaya niyang isakripisyo ang kaniyang pwesto para lang mapatay ako? Isa siyang malaking hangal!

Nangingitngit na ako sa sobrang galit at inis! Iba rin talaga ang nagagawa ng galit ano? Lahat makakaya mong gawin basta't makaganti ka lang. Lahat ng hindi mo kaya ay magagawa mo.. Makakaya mong pumatay ng walang pag aalinlangan. We should thank the serial killers around the world, without them, mas lalo pang dadami ang mga tao sa mundo. Madness urged them to kill. Madness took their innocence.

Dievel High (ON-GOING)Where stories live. Discover now