Chapter 13

13 0 0
                                    


#DHSOK

So siya pala si Loston? Ang leader ng kabilang grupo? Habang pinag mamasdan ko ang mga litrato sa white board ay panay ang talak ni Graciela tungkol kay Loston. Crush na crush nya daw ito.

"Alam mo ba girl, last school year nakita ko yung abs niya!" Pag mamalaki niya sabay paypay pa sa sarili na tila naiinitan kahit malamig naman ang inilalabas ng aircon sa silid. "At hindi lang 'yon, ang galing niya pa mag swimming! Actually varsity nga ang babe ko sa swimming team eh!"

What? May ganon pala dito! Kala ko patayan lang nag e-exist dito eh.

"Nag tataka ka siguro kung bakit may swimming team 'ano?" Tumango naman ako sa tanong niya.

Nag lakad lakad pa ako papunta sa dulo ng white board habang pinag mamasdan ang mga litrato na nakadikit dito.

"Nilalaban naman tayo sa ibang school dati, sa sports and academics lagi tayong panalo. Pero bago mag simula yung school year ngayon  ay bigla nalang inanounce na  hindi na tayo sakop ng gobyerno... Kasi yah know.. About sa nag iisang rule ng school na 'to na muling nag balik after ng ilang decades."

"Grabe, sobra talaga akong nalungkot nung sinabi na ganon nga. Hindi ko na makikita yung abs ni babe Loston ko eh." Aniya sa isang malungkot na tono. Napa irap naman ako.

"Pano ka nga pala napunta dito? At pano mo nalaman yung about sa rule ng school na 'to?" Takang tanong ko sakanya.

"Dati na din kasing nag aral dito yung parents ko, kasabayan nila si Madame and President." Aniya na ikinagulat ko.

"E pano ka naman naging royalty?" Tanong ko ulit sakanya.

"Kasali lang naman ako sa Top 5 ng buong campus kaya ganon." Taas noong sabi niya.

Oh, matalino pala siya? Bat parang hindi halata? Mas mukha siyang bobita eh.

"Pang top 5 ka?" Mukha naman siyang na offend sa sinabi ko.

Anong nakaka offend sa pagiging pang limang matalino sa buong campus?

"Top 3 ako beshie." Tumango nalang ako.

"Sino yong Top 1?"

"Si Clenth."

Clenth? May Clenth ba dito?

Nahalata siguro ni Graciela na di ko na gets yung sinabi niya kaya agad siyang nag salita.

"Hays, si Ezio ang tinutukoy ko." Aniya mas lalo ko namang di na gets.

Mukhang naubos na ang pasensya ni Graciela kaya sumigaw siya ng "Ezio!"

"Yes?" Tanong ni Zee.

Napalingon naman ako ngayon kay Zee na tinawag ni Graciela ng 'Ezio.'

So Ezio pala ang real name nya huh? Bakit naman nya ginamit yung Zee eh mas bagay sakanya yung Ezio? Wala talagang pake 'tong nerd na 'to kung ano ang mas maganda at pangit.

"Siya si Ezio Clenth." Sarcastic na sabi ni Graciela habang pinapakilala sa'kin si Zee na 'Ezio' daw.

Umirap ako sakanya. "Alright."

"Ayos ka lang?" Tanong naman ni Zee, tumango ako sakanya. "Why?"

"Panay ka kasi irap eh." Aniya habang nakatingin sakin. Inirapan ko siya. "Kita mo.."

"Tsk."

"Halika ka rito, kumain ka ng niluto ko." Hinawakan niya ako sa wrist atsaka hinila papunta sa kusina. Aangal pa sana ako kaso tuluyan na niya akong nahila.

Nakatayo kami ngayon sa lamesa, tumalikod sya saglit atsaka may kinuha sa gilid na plato.

"Here. Tikman mo yung ginawa ko." Aniya sabay abot sakin ng pagkain na pabilog may rice siya ham, carrots, egg, spinach at isang itim na bagay na nakabalot sa gilid nito.

Dievel High (ON-GOING)Where stories live. Discover now