Dievel HighMag tu-twelve na ng gabi at gising parin ako. Well, tinatapos ko lang naman ang huling episode ng TWD. Gusto ng bumigay ng mga talukap ko pero ako itong nag papakatatag upang hindi pa matulog at buong pusong tatapusin ang last episode na 'to.
Gosh! Hindi ko na kaya ito matatapos tomorrow. Why? Simple lang, papasok na ako sa bago kong lilipatan. Why? Simple lang ulit, na kick out ako sa dati kong pinapasukan. Why? Kase hindi na nila kinakaya ang pagiging hard headed ko.
But hey, bilib rin ako sa school ko na yon ah! Kung kailan muntik na akong makapatay doon palang sila kumilos upang ipa kick out ako. Ang galing!
Well, sino bang hindi ma kikick out sa katarantaduhang ginawa ko? Hinampas ko lang naman sa ulo yung kaklase kong babae gamit ang upuan na bakal sa classroom namin.
I shouldn't be proud of it right? But I can't help. Isa iyon sa pinaka nakakamang hang stunts na nagawa ko!
Noong nalaman kong na coma yung kaklase kong babae na hinampas ko, doon palang sila kumilos upang ipa kick out ako. Nag tataka nga ako eh. Noong nilunod ko yung kaklase kong lalaki nung grade 6 ako di pa nila ako pina kick out? Muntik na rin kaya siya mamatay nun? Pero hindi ko alam kung bakit enjoy na enjoy ako nang mga panahon na iyon.
Wala akong nagiging friends dahil doon. And duh hindi ko naman din kailangan ng friends. If they can't deal with my shits then its okay, I'd like to be alone.
"Levi, anak. I know that you're still awake. Please stop watching and go to sleep na. Maaga ka pa naming ihahatid bukas." Boses ni Mommy ang narinig ko sa labas.
"I know mum.. Yes matutulog na ako." Umirap ako. Hindi naman niya iyon makikita dahil nasa labas siya and besides nakasara ang pinto ng kwarto ko.
Gaaahh! Hindi ko pa tapos yung last episode eh! Pero dibali nalang nga! May next time pa naman and surely mabibitin lang ako.
Pinatay ko na ang flatscreen sa harap ko at onti onti ng pumikit...
TUNOG ng alarm clock ang gumising sa'kin. 5:00 am na ng umaga. Today is Monday and I know that every students hate this fucking day. And I'm one of those.
"Levi ijah, gising ka na ba?" Boses naman ngayon ni manang rose ang narinig ko.
Umupo ako sa edge ng higaan ko at nag kusot ng mata. Fuck! I'm still sleepy.
"Yes.. Manang." Inaantok na wika ko.
"Mabuti kung ganoon. Mag handa kana at bumaba. May mga pagkain na nakahanda na roon. Pati ang Daddy at Mommy naroroon na rin." Huling habilin niya at umalis na.
My parents are excited than me, aren't they?
Sabagay sino bang hindi ma eexcite dahil aalis na ang kanilang unica ijah upang mag aral sa isang pribadong school at manatili roon hanggang sa matapos ang school year?
Siguro ngayon makakahinga na sila ng maluwag dahil wala ako. Wala na silang aatedan sa guidance office dahil sa isang insedente na kinasangkutan ng kanilang anak? Nanapak ng kaklase dahil tinanong siya nito kung pwede bang mangopya sa quiz. Nang bara ng teacher dahil mali ang ipinapaliwag nito. Nag vandalism sa pader ng classroom nila. Nang tusok ng ballpen sa palad. Tinulak yung dalawang nag lalandiang couple sa hagdan dahil nakaharang ito sa dinadaanan niya. And lastly ang pinaka recent ang panghahampas niya ng bakal na upuan sa kaklase niya dahil pinag bintangan siya netong mang aagaw ng crush.
Hindi na kinaya ng parents ko ang huli kong ginawa kaya pumayag na rin sila na ipa kick out ako. Sabagay lagi nila akong pinag tatakpan. Sila lagi ang umaayos ng problema ko, sa madaling salita sila lagi ang tagalinis ko ng mga kalat.
YOU ARE READING
Dievel High (ON-GOING)
Mistério / Suspense"You can't escape. Every seconds, hours and days are important. Fight for your position." DIEVEL HIGH SCHOOL OF KILLERS.