Chapter 9

13 1 0
                                    


#DHSOK

Why my mom is here? anong ginagawa niya rito?

"You okay?" Tanong ni Zee. "Mukha kang maraming iniisip.."

"I'm fine,"

Tumango nalamang siya. Pinapanood ko si mommy habang nag sasalita sa malaking stage ng buong gymnasium.
May biglang lumapit sakanya na isang babae at may ibinulong naman ito kay mommy na agad namang tumango, matapos nun ay muling bumalik yong babae sa dati niyang pwesto.

"Sorry to interrupt but our President is here, please give him a warm welcome everyone!" Agad namang nag sitayuan ang lahat sa anunsyo ni mommy. "My husband and the currently President of this school, Mr. Laxious Cyrano!" Masiglang ani mommy, sabay sabay namang pumalakpak ang mga estudyante.

Laglag panga kong tinignan si daddy habang papalakad papunta sa may stage. Hindi ko siya magawang ngitian.

Nag dadalawang isip pa ako kung tatayo ba ako at papalakpak o mananatili sa kinauupuan ko habang naka tulala?

W-what the heck?

Si daddy yong President ng school na 'to? P-paanong nangyari iyon? And how about my mom? Is she the Vice President? Oh my..

Bakit hindi manlang nila sinabi sa'kin? Nung unang pasok ko rito may narinig akong tumawag ng 'President.' Sa dad ko pero hindi ko iyon pinag tuonan ng pansin.. A-akala ko namali lang ako ng rinig. Pero totoo pala...

"Thank you students, pwede na kayong maupo." Ani daddy ng iabot sakanya ni mommy yung mic.

"So today, our one and only rule is back..." Ani daddy na nakapag paingay sa buong gymnasium

"Hell no..."

"Cool.."

"Exciting"

"I can't wait,"

"Sino kayang mananalo?"

"It can't be."

"Kompleto na ba ang mga royalties?!"

Hindi ko alam kung ano ang mga sinasabi nila.. Hindi ko maintindihan

Hindi ko marinig ang mga pinag uusapan nila Graciela sa gilid, And Zee looks pale...

"Tomorrow is the start, that's all thank you." Huling sabi ni daddy bago linisan ang stage kasama si mommy.

Di manlang ba nila ako kakamustahin? Wala na ba akong halaga sakanila? Lahat ba iyon sa mga nagawa ko dati?

"What's happening?" Tanong ko habang tulala at nakaupo pa rin.

"We're going to explain to you later." Nag balik ako sa aking diwa ng biglaang sumagot si demon sa gilid ko.

Tumango nalang ako atsaka tumayo galing sa pag kakaupo, I feel so empty, hindi manlang ako nagawang bisitahin ng mga magulang ko gayong nasa iisang lugar na kami, mahirap ba yon?

Nag lakad lakad ako sa buong campus hanggang sa makarating ako sa play ground area, wala gaanong tao dito dahil maaga palang, sariwang hangin ang umihip sa nakalugay kong buhok, pumunta ako sa may swing, hindi ito nasisinagan ng araw hindi gaya sa iba, kaya doon ko napiling mag muni-muni.

Naramdaman ko naman na may umupo sa kabilang swing, hindi ako nag aksaya ng oras na lingunin kung sino man siya, I don't care.

"Demon's hour," it's him, the demon. Hindi ko siya pinansin, nakatingin lang ako sa mga nag lalakihang puno dito sa play ground. "Ito ang nag iisang batas ng eskwelahan na ito. Actually dati pa ito, ilang taon rin itong nawala..."

"Then when he announced that it's back... I froze, –" I look at him. Really? Is he serious about that? Did he really meant that he froze for awhile? Wow! That's new! "Devil's hour means killing, every gang here has a name, the Blood hunters, Triple six, Sons of satan and our group, the Red Devils."

Parang huminto ako sa pag hinga ng marinig ko yon, sobra akong kinilabutan sa narinig ko, gangs? Killing? Red Devils? What the...

"They needed to kill us, pero bago nila tayo mapatay, kailangan natin silang maunahan, we need to kill them first to protect our position. Kailangan natin maka survive dito kung gusto mo pang mabuhay, that's the rule of this game. To protect your position from your mortal enemies."

He stood up then walked away.

Natulala ako sa mga sinabi niya, hindi ma proseso ng utak ko ang lahat.

"They needed to kill us."

Pero bago nila kami patayin kailangan muna namin na patayin sila, to stay safe. But that's not sure, hindi pa doon matatapos ang lahat pag napatay na namin ang papatay sa amin.

Napag desisyunan ko na hindi pumasok sa klase, feeling ko naubos ang lakas ko ngayong araw dahil sa mga nalaman ko. Humiga ako sa malambot kong kama habang nakatingala sa kisame.

I'm not sure if I'm ready for tomorrow,

6:00pm na ako nagising, sobrang sakit ng likod ko dahil sa mahabang pag tulog. Tumayo ako sa kama at nag unat unat, I'll take a bath first.

Pag labas ko ng kwarto walang tao, nakabukas ang ilaw sa sala at tahimik. Dumiretso ako sa ref at kumuha ng bottled water para uminom. Tinignan ko ang lamesa kung may pag kain ba, kaso wala.

Pag katapos maligo nag handa ako ng mga rekados para sa lulutuin kong carbonara. Tinuruan ako dati ni manang rose kung paano mag luto nito kaya sa tingin ko magagawa ko naman ng maayos.

Nag pakulo ako ng tubig sa kaldero at inilagay roon ang pasta, now, hihintayin ko nalang itong lumambot and I'll proceed to another one, making the sauce for the pasta.

Nag gisa ako ng white onion and garlic, nag lagay rin ako ng chopped ham, chicken and bacon, I put the all purpose cream, mashroom cream and evap, and some pepper too. Tinikman ko ito. And it taste good! Congrats Levi, you did well. I'm so proud of you!

Pinatay ko ang gas stove, kumuha ako ng plato mara malagyan ng pasta at sauce. Nilapag ko ito sa lamesa at nag simula ng kumain.

"I missed carbonara so much," ganadong ganado ako kumain ngayon dahil paborito ko ito.

Bigla namang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang matalik na mag kaibigan na nakatingin kaagad sakin.

"A-ano yun?" Tanong ng demonyo

"Ang bango ah," Si Zee mukhang naamoy ang niluto ko. "Nag luto ka?"

"Yep.. Carbonara." Tumayo ako atsaka nag simula ng mag ligpit ng kinainan at pinag lutuan. I'm all done for today.

"Oh!" Zee immediately go to my direction. "Can I eat?" He asked.

Napangiwi ako atsaka tumango. "Sure." Marami naman akong niluto eh atsaka hindi naman ako madamot 'no.

"Xy, alam kong favorite mo 'to and it looks delicious." Ani Zee sa demonyong nakatayo pa rin, tinignan niya si Zee habang sumasandok ng pasta sa malaking plato at sauce sa isang malaking mangkok.

Favorite huh?

"Thank you Levi." Zee sincerely said. I nodded and give him a small smile. Pumunta ako sa sala atsaka tinurn on ang flatscreen. Hmm... Ano kayang papanoorin ko?

I smirk evilly,

Train to busan...

Dievel High (ON-GOING)Where stories live. Discover now