"Fuck dude! Kung nakita niyo lang talaga, kililabutan rin kayo!"Naigta ako sa gising dahil sa ingay na nag mumula sa labas ng aking silid. Bumangon ako at nag kusot ng mata. Sabado pala ngayon at walang pasok..
Tinignan ko ang oras sa aking wall clock. Alas nueve na pala ng umaga, hindi pa ako nag aalmusal.
Napag desisyunan kong maligo muna bago mag libot libot sa campus. Ang boring na kasi dito sa dorm, walang magawa. Mas mabuti pang mag lakad lakad ako at makalanghap ng sariwang hangin kahit papano.
Kumuha ako ng isang short shorts at isang plain white vneck shirt. Mag liligo muna ako. I feel stinky, actually kagabi pa.
Lumabas ako ng tahimik sa aking silid at naabutan ang mga tao sa sala. Nag uusap sina Terrence, Aaronson, Ezio at Xylon ng masinsinan, si Graciela ay nasa kusina, mukhang nag luluto.
Lahat sila ay napatingin pag labas ko, kunot noo ang tinignan ng tatlo habang si Demon naman ay di ako tinignan. Namatili lang siyang nakatingin sa kawalan.
"Good morning! How was your sleep?" Basag ni Ezio sa katahimikan.
Tumango ako, "fine." It's great actually.
Ngumiti lang siya sakin at pinag mamasdan ako ng mabuti, tila ba may isa akong puzzle sakanya na kailangan niyang lutasin. Nag kibit balikat nalang ako at nag lakad patungo sa kusina upang makainom ng tubig.
Pag dating ko doon ay seryosong nag luluto si Graciela ng mga basic breakfast dishes. Nang mapansin niya ang aking presensya ay napangiti siya.
"Morning.." bati niya
Tumango lang ulit ako at uminom na ng tubig, binalik ko ang pitsel sa ref at nag tungo na sa banyo. Agad akong nag hubad ng damit, may bathtub roon kaya doon ko napagpasyahan na maligo. Nangangalay pa rin ang aking katawan dahil sa nangyari kagabi.
Habang nag bababad ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, kalahating oras rin akong nakatulog, agad agad akong nag ayos ng sarili at nag bihis. Pag labas ko ay nakita ko silang tahimik na nakaupo sa may dining table.
Hindi ko alam kung nag dadasal ba ang mga demonyong ito o ano.
Kunot noo ko silang tinignan. Nang mapansin nila ako ay agad silang nagsi ayos ng upo.
"Sabay sabay na tayong kumain, Levi." Anyaya ni Ezio, kumalam ang sikmura ko dahil don kaya wala na akong nagawa kundi ang sumalo sakanila.
I saw the demon's dagger looks at me.
Lumunok ako at umupo na sa tabi ni Ezio, katapat ko ang demonyo na tinitignan pa rin ako hanggang ngayon.
"Shall we eat?" Si Ezio
Tumango ng tahimik ang iba at nag simula ng kumain.
Sasandok na sana ako ng aking kanin ng makuha iyon ng demonyo. Napabuntong hininga nalang ako at sinabi sa sarili na ako ang susunod na sasandok sakanya.
Ngunit nagitla ako ng bigla niyang lagyan ng kanin ang plato ko, pati ng mga ulam. Seryoso siya habang ginagawa iyon. My lips parted amazingly.
Napataas ang kilay niya ng makita ang ekspresyon ko.
"Eat." He command.
Fuck.
Napatingin ako sa mga kasama ko na nakatingin na rin pala samin. Si Graciela ay namamanghang nakatingin samin, at si Terrence at Aaronson naman ay parehong nakangisi. While Ezio kept his eyes on his plate. Tila nawalan ng pake.
Bumuntong hininga ako at kumain nalang.
"Anyways, did you know what happened last night?"
Basag ni Graciela sa katahimikan.
Hell, I don't care if they knew already.
"Yeah, isang member ng son of satans ang nakakita ng ulo sa elevator. Tangina, kahit daw siya kinilabutan kasi diretsong nakatingin sakanya!" Nanlaki ang mata ni Aaron habang nag kukuwento. Patuloy lang ako sa pag kain. Pansin ko ang titig sakin ng demonyo sa harapan ko.
"Tell me, ikaw ba ang may gawa non Leviry?" Biglaang tanong ni Xylon.
Napaangat ako sakanya ng tingin, maski si Ezio ay gulat na napatingin rin sakanya. Si Aaronson at Terrence ay parehong nakakunot ang noo. Si Graciela naman ay natulala sa sulok.
"I saw you out last night, at naabutan rin kitang dumating."
Oh? So nakita niya talaga ang pag alis ko ha? Siguro dahil sa walang ilaw sa sala ng umalis ako ay nandon lang pala siya sa sofa at nag babasa ng libro niya kahit madilim.
"Where were you when she was out?" Tanong ni Ezio. "Bakit di mo sinundan? Alam mo namang delikado pag hating gabi na!" He spat angerly. Nagulat ako roon.
"Hey! Chill man! Let's hear the story first." Si Terrence.
"I was here, waiting for her, kase ang akala ko ay mag papahangin lang siya." The demon said calmly.
"Fuck you dude! Even so!"
Binalingan ko si Ezio na galit na galit na ngayon, hinawakan ko ang braso niya para kumalma. He look at me then, with soft eyes.
"Calm down, Zee."
"I'm sorry, I'm just extremely pissed and worried."
Tumango ako at ngumiti sakanya.
Narinig kong tumikhin ang demonyo sa harapan. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.
"The answer to your question is yes, I was out last night, and I did it." Mahinahong anas ko. Tinignan ko ang mga kasama ko na nanlalaki ang mga mata.
"What do you mean did it? You mean ikaw ang pumatay kay Lucas?" Graciela asked nervously. Halos umirap ako, kakasabi ko nga lang diba?
"Yes." I sighed, "any follow up question?"
"Why? Anong dahilan?"
"Oh Terrence, you weren't informed that he's the one who stabbed me?" I sarcastically asked him. Kumurap kurap siya at hindi nakapag salita. "I just gave it back to him, he did hurt me, then he pay for it. Too bad, kapalit non ay buhay niya."
"B-bakit kailangan pang ganon? You brutally killed him." Si Aaron.
"Don't tell me naaawa ka? Meron ka pala non?" Tinaasan ko siya ng kilay. "And besides, mind your own damn business, kung gusto ko siyang patayin ng ganon, gagawin ko. We have different styles of killing, at ganon ako pumatay. Pakealam ko sayo."
"Alam niyo, kung naaawa kayong lahat sakanya, then talk to my hand and leave me alone. I don't wanna hear your stupid questions kung bakit ko siya pinatay ng ganon. Kung gusto niyo pumunta pa kayo sa burial niya to pay respect. I won't mind." Ngiti ko. "And please stop being plastic. You guys keep acting like a tough royals yet you have a softed hearts. Ano yon, pag pumapatay kayo kinakain rin kayo ng konsensya niyo sa huli? Well if yes, that's fucked up."
Tinignan ko si Xylon. Nakatingin rin siya sakin ng mariin. I smirk.
"I gotta go to bed, I'm still tired from last night. " tumayo ako at kumaway sakanila. Akma na sana akong mag lalakad ng may nakalimutan akong sabihin. "And oh, I forgot." I chuckled. "Pag pumunta kayo sa wake or burial ni Lucas boy, paki sabi naman sakin kung kinabit ba ulit yung head niya or hindi." Ngumiti ako ng malaki sakanila. "Paki tanong na rin sakanya kung nagustuhan ba niya ang paraan ko sa pag hatid sakanya sa impyerno. Don't worry, I won't wait for an answer. Alam ko namang di na siya sasagot!" Tumawa ako.
Their jaws drop.
That's what I want to see.
"Adios amigos!" Then I walked out.
YOU ARE READING
Dievel High (ON-GOING)
Mystery / Thriller"You can't escape. Every seconds, hours and days are important. Fight for your position." DIEVEL HIGH SCHOOL OF KILLERS.