Jai's POV
"AHHHHHHH TSK ANO BAAAAAAAAAAAA?!"
Bigla akong napadilat dahil sa isang sigaw, di ko na namalayang nakatulog na pala ako.
"ANO BA DENISE?! NANANADYA KA ATA EH?!" Teka boses ni Jam yun ah? At denise "daw"? Away nanaman ba to -.- Naramdaman ko na ang inis sa pakiramdam ko at dumiretso ako sa pwesto kung nasaan sila.
"Sorry Red, este Jam sorry talaga...." Pagmamakaawa ni denise kay Jam, tsk akala ko paggising ko titino na tong Jam na to.
"OH ANO NANAMANG NANGYAYARI DITO? AT... IKAW NANAMAN JAM?!" Sigaw ko sa kanila, pano ba naman araw-araw nalang.
"ANONG AKO NANAMAN JAI? BAT DI MO TANUNGIN YANG SI DENISE HA?!" Sigaw niya sakin, nagaalburoto nanaman siya.
"Sorry na Jam, di ko talaga alam eh." Pagmamakaawa ni Denise.
"Sorry?! EH MUNTIKAN NG MABASA TONG PHONE KO?!" Sigaw ni Jam kay denise.
"tsk ha ha ha." Napatingin naman sakin si Jam. "Eh hindi naman nabasa diba?' Sabi ko sa kanya.
"Oh? anong nangyayari dito?" Biglang dumating si Rayne
"PANO BA NAMAN TINAPUNAN AKO NG TUBIG!!!" -Jam
"Sorry na jam..." -denise
"HINDI NGA SINASADYA DIBA?!" -Ako
"OOOOOOOOOOOY, ANG INGAY MGA ATE." Sigaw naman ni Ana, kahit kelan talaga to.
"tsk! tama na..." sigaw naman ni Rayne
"Alam mo Jam? Kung magpalit ka nalang kaya ng Damit noh?!" Sigaw ko sa kanya.
*BAAAAAAGSSHHH*
Bigla niyang hinagis yung upuan, pati ba naman upuan na inosente sinasaktan hayyyy.
"Lagi nalang si Denise pinagtatatanggol nyo...." Sabay walkout.
"Wait Jam..." Habol naman sa kanya ng pinsan nyang si Rayne.
Rayne's POV
Sinundan ko na si Jam dito sa living room ng apartment namin hayyyy eto talagang pinsan ko di na nagbago.
"Jam, kasi totoo naman yung sinasabi nila eh..." Mahinhin na sabi ko sa pinsan ko.
"Tsk, pati ba naman ikaw na pinsan ko?! Dun sa denise na yun kakampi?!"
"Ano ba Jam? Magkakaibigan tayo dito, kaya nga nasa iisang bahay tayo diba? Kaya dapat nagiintindihan tayo." Nakasimangot pa rin sya at hindi niya ako tinitignan.
"Ayusin nyo to ni Denise okay?" Sabi ko sa kanya at tumayo ako para tawagin sila Denise pero pag bukas ko ng pintuan papasok narin pala sila Denise.
"Pa-computer ah mabilis daw net dito eh..." Sabi ni Ana sabay diretso sa pagupo sa harap ng computer -.-"
"Oh asan na yung magaling mong pinsan?" sabi ni jai hinawakan ko naman sya sa braso baka kasi mas lumala yung away eh.
Umupo naman si Denise sa tabi ni Jam at si Jai naman ay nasa kabilang sofa samantalang yun si Janina nagcocomputer lang haha baliw talaga.
"Jam, inaamin ko pagkakamali ko talaga to, Kaya sorry na please.." Sabi ni Denise habang hinahawakan ang kamay ni Jam pero wala eh, matigas talaga tong pinsan ko.
"Oh Guys may problema nanaman ba?" Sabi ni Yahm pagkapasok nya sa pintuan at umupo sa tabi ni Jai.
"Tsk ganyan naman lagi Denise eh?! Sorry, puro nalang sorry..." Sabi ni Jers kay Denise.
"Jam, sorry na please. Eh kasi nama----"
"Eh kasi ano?!"
"Eh kasi hindi ko naman alam na nasa----"
"Gosh Denise! Ayan ka naman sa walang katapusan mong dahilan!"
"Jam, hindi to dahila---''
"Oh see? Diba? Lagi kang ganyan lagi kang may dahilan, puro ka pangako tas pag hindi natutupad magdadahilan ka, magdadahilan ka ng walang kwentang dahilan!"
"pero jam.."
"Ganyan ka rin naman eh, ganyan din ang sinabi mo sakin kay Elijah noon."
"JAM! JAM NAMAN!" Nagulat ako sa pagtayo ni Jai.
"ANO BA JAM?! AKALA KO BA AYOS NA ANG TUNGKOL SA ISSUE NA YAN?! ELIJAH NANAMAN?! PURO NALANG ELIJAH?! MAGMOVE ON KA NAMAN. PATI PAGKAKAIBIGAN NATIN NADADAMAY. JAM, 1 YEAR NA ANG NAKAKALIPAS, HANGGANG NGAYON BA NAMAN." Sigaw ni Jai at alam kong naiinis at seryoso na sya.
"Jai.. Kalma lang.." sinabi ni ikah habang hinahawakan si Jai agad namang inalis ni Jai ang pagkakahawak sa kanya ni Jai.
"KASI HINDI NYO AKO NAIINTINDIHAN?! PURO NALANG DENISE, DENISE, DENISE? PERO AKO INISIP NYO BA AKO?! AYOKO NA, AYOKO NA SA INYO, AYAW KO NG MAGING KAIBIGAN NYO... ITIGIL NA NATIN TONG WALANG KWENTANG TO. THROWERS?! WALA NA YUN? MAGKALIMUTAN NA TAYO." Sabi ni Jam at ibinalibag ang pinto.
halos ilang minuto rin ang nakalipas at wala paring nagsasalita sa amin. I broke the sound of silence dahil sa isang desisyon, dahil sa isang desisyon na hindi inaasahang magbabago ng lahat.
"Tara, distansya nalang muna." Sabi ko sa kanila at agad naman silang napatingin sa akin.
"Siguro kelangan natin ng space para malaman natin ang halaga ng isatisa. Alam kong walang kasiguraduhan tong distansya na to pero kelangan eh, sige aalis narin ako."
Author: Nasa media yung picture ng casts.
![](https://img.wattpad.com/cover/14276302-288-k804920.jpg)
BINABASA MO ANG
Days of March.
Teen FictionMasaya magkaroon ng kaibigan, alam ko yan at alam kong alam niyo rin yan. What if dahil sa isang pagkakamali masira ang lahat at yung akala mong happy ending ay hindi pala happy ending. Dahil baliktarin man ang mundo meron at merong mawawala. THIS...