Denise's POV
"Third floor, Diretso ka lang, tapos kaliwa, kaliwa ulit, tapos kanan, tapos kaliwa, akyat kayo ulit sa hagdan. yung dulong pintuan dun yung kwarto ni Maam Jai." Yan lang yung sinabi niya halos madaling-madali nga ako sa pagsusulat sa palad ko eh pano ba naman, ang bilis magsalita.
Tsk, galing nung maid nila diba? Kelangan ata dito ng mapa eh, halos kanina pa kami lakad ng lakad naligaw pa nga kami eh hanggang sa kumaliwa na kami ulit at eto na nakikita ko na yung dulong malaking pintuan at may lumabas na maid galing sa kwarto na to at may dalang tray ng pagkain yung maid, alam niya kaya na dadating kami? sana hindi...
*tok tok tok*
Kumatok si Ana pero Bukas naman ang pintuan kaya pumasok na kami.
Woah! Ang laki ng kwarto pero yung harap ng pintuan nila isang malaking bintana na may garden at kita mo yung view ng buong parang subdivision ata nila sa labas, lupet, hindi ko alam na ganito pala talaga kayaman si Jai kasi hindi naman siya nagshashare about sa ganitong mga bagay eh basta ang alam ko may resthouse sila, pero grabe baka lahat ng resthouse nila ganito kalaki :O (tignan nyo sa media) So nandito na pala kami sa tuktok ni main house nila, kasi grabe makikita mo sa bintana kung gaano kalaki yung mansion nila :O
Pero wala dito si Jai eh, napatingin naman ako sa rightside at may nakita akong malaking pintuan at pumasok dito yung maid na nakasalubong namin kanina, wow ah idol ko na siya, ang bilis niya ah, nakabalik na agad siya? Pero.. sa tingin ko, nandito na si Jai.
Ana's POV
Kakalimutan ko nalang muna yung pangiiwan niya sakin nung 2nd year kami, kasi kahit anong mangyari bestfriend ko parin siya at gustong-gusto ko na siya makita, halos one year narin kaming hindi nagkikita eh, kamusta na kaya siya? Pumasok na kami dun sa kwarto na sa tingin ko eto na talaga yung mismong kwarto ni Jai. Ako na ang nauunang maglakad ngayon, halo-halo na kasing emosyon ang nararamdaman ko eh, napatingin ako sa likod ko, at bakit.... parang kulang ata kami? Bat wala si Jam? Hay nevermind. Eto na hawak ko na yung doorknob, pagbukas ko ng doorknob, nakita ko nanaman ang malaking kwarto at may dalawang maid na isinara ang kurtina at lumabas ng pintuan, sa pintuan kung saan kami nakatayo. Napatingin naman ako sa left side nung kwarto at may nakita akong isang hallway at naglakad kami papunta dun, after naming maglakad eh nakita ko na yung kama, yung kama kung nasaan si Jai. Nakaharap siya sa left side kaya nakatalikod tuloy siya samin para nga siyang natutulog eh, pero sa tingin ko hindi, syempre alam mo naman kung tulog o hindi yung tao diba? parang nakatingin lang kasi siya sa malaking bintana na katapat nya.
"Jai...."
![](https://img.wattpad.com/cover/14276302-288-k804920.jpg)
BINABASA MO ANG
Days of March.
Roman pour AdolescentsMasaya magkaroon ng kaibigan, alam ko yan at alam kong alam niyo rin yan. What if dahil sa isang pagkakamali masira ang lahat at yung akala mong happy ending ay hindi pala happy ending. Dahil baliktarin man ang mundo meron at merong mawawala. THIS...