Chapter TWELVE | Jai...

4 0 0
                                    

Rayne's POV

"Jai..." Biglang nagsalita si Janina.

Dahan-dahang humarap samin ang matagal na naming hinahanap, pero iba yung itsura niya para bang punong-puno ng lungkot ang mata nya at wala ng sigla ang ngiti niya. 

"Ana?" Napatingin siya kay Ana. "Rayne?" napatingin siya naman siya sakin. "Denise, Ikah?" At nakita ko ang dahan-dahang pagbuo ng mga ngiti sa labi niya.

At bigla siyang tumayo sa higaan niya at dahan-dahan tumakbo samin, at niyakap niya kami. Mararamdaman mo sa higpit ng yakap niya na miss na miss nya na kami, yung para bang ayaw niya kaming pakawalan. Nararamdaman ko ng tumataas ang likod niya na parang bang umiiyak na siya.

"Jai?" Tanong ko sa kanya...

"Haha sobrang drama ba? s-sorry ah, namiss ko talaga k-kayo eh." Tumawa man siya, pero halata namang umiiyak sya. Hinagod ko nalang ang kamay ko sa likod niya at ganun din ang ginawa ni ana, ikah at denise.

"Maam Jai..." Pagaawat ng maid ni Jai.. Pero hindi nakinig si Jai dahil hanggang ngayon ay magkakayakap parin kami. "Maam umupo na po kayo..." Sabi ni Maid number 2. "Maam magagalit po samin si---"

"No, hayaan nyo siya..." Napatingin ako sa pintuan kung saan nanggaling yung nagsalita, pamilyar kasi ang boses eh, oo nga, si Mommy Rose! Nakita ko naman yung dalawang maid na lumabas na ng kwarto. Pero bakit magkasama si mommy rose at Jam? At si Jam naman para bang may malalim na iniisip..

"Jam, okay ka lang?" Tanong ni Denise, akala ko ako lang ang nakahalata siya rin pala.

"Hoy.." at winagayway ni denise yung kamay niya sa mukha ni Jam, lutang kasi eh.

"Ay! sorry... ang sama kasi ng pakiramdam ko eh nagtanong ako kay mommy rose kung may gamot ba siya.." At napatingin naman si Jam kay Jai. tinignan nya to mula ulo hanggang paa. "Jai?" at niyakap niya ito, nagulat nga ako eh hahahah umiiyak na kasi si Jam parang baliw.

"Sorry ah..." Sabay nilang sinabi sa isat isa.

"Hay.. Kalimutan na natin yun" Sabi ko sa kanila.

Denise's POV

Ang tagal ng kwentuhan naming magkakaibigan, puro tawanan, kalokohan at mga throwbacks, namiss ko yung ganito, yung ang sigla-sigla namin.

"Jai, pwede ka ba bukas? gala tayo.." tanong ni Ikah kay Jai. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan sila hindi kasi ako makapaniwala eh, ang hirap paniwalaan na magkakasama parin kami ngayon, yung tipong walang nagbago, kung ano kami three years ago yun parin kami hanggang ngayon, yung para bang walang away na nangyari saming anim. Ang saya sa pakiramdam na kasama ko yung mga taong nagiging dahilan ng saya ko ngayon.

"Ay.. Bukas? Hindi pwede eh may importante kaming pupuntahan ni Mommy..." Sabi ni Jai at bigla siyang tumingin sa baba niya, at bigla ulit siyang humarap samin "Pero promise, kinabukasan mag-gagala tayo." Masigla niyang sinabi samin.

Ilang oras na kaming nagtatawanan at nagkwekwentuhan gabi na rin eh at nagkayayaan na kaming umuwi.

"Guys, gusto nyo Sleepover tayo?" Tanong samin ni Jai habang papalabas ng bahay nila

"Maam, hindi po kayo pwede lumabas.." Pagaawat nanaman sa kanya ng isang maid ay hindi pala, actually parang nurse eh iba kasi yung uniform.

"No, it's okay, kaya ko to, Ihahatid ko lang sila..." At nginitian ito ni Jai. Ano bang nangyayare? Siguro kakagaling lang ni Jai sa sakit kaya naman sobrang alaga ang ginagawa sa kanya.

"Jai.. Pwede ba ako magtanong?" Tanong ko sa kanya.

"Ate, nagtatanong ka na po.." Pambabara ni Jai with her cold face at nagtawanan naman yung iba, watdaheck.

"Jai, bakit sobrang alaga nila sayo?" Bigla naman siyang napatingin dahil sa tanong ko..

"Ahh. ano.." Napahinto siya saglit at kami naman, tinitignan siya at hinihintay ang isasagot niya. Napahinga si Jai ng malalim, "Kasi, last two months na-Hospital ako, at muntikan narin yung buhay ko, tignan nyo nga oh..." tinaas niya yung sleeve ng damit niya, at grabe, ang daming scars ng dahil sa injections. "Ang dami diba? Kaya na-trauma na siguro sila dahil sa sakit ko, at syempre, only child lang ako diba?" Nakatingin lang ako kay Jai at sa mga scars niya, ang dami palang nangyari sa loob ng 3 and a half years.

"Tara na..." Malungkot na sabi ni Jam. Kanina pa ganito si Jam, lagi lang siya nakatulala na para bang may malalim na iniisip pag tinatanong ko naman siya sasabihin niya ang sama ng pakiramdam niya, hay baka may problema lang..

Nakalabas na kami sa P & H Residence. Bago ka kasi makalabas ng gate nila, may isang malaking sign dun na may nakasulat na "P & H 거주" Which means Pascual and Han Residence. Ngayon nga lang namin napansin eh pano ba naman kanina kasi nung papunta palang kami, wala kami sa mga sarili namin.

Jam's POV

*Tiktilaok*

Agad na akong bumangon sa kama ng marinig ko yung alarm ko at nagmadaling pumunta sa banyo, pero bigla akong natauhan at napatingin sa calendar na nasa study table ko.

"AHHHH! BWISET NA ALARM CLOCK YAN!" At hinagis ko yung alarm clock--- sa kama ko syempre. Aba! Mahirap na kung sa lapag ko ihahagis yun may sentimental value parin yun noh.

"DIBA SABI KO SAYO WAG KA NG MAGAALARM DIBA?!" Sinigawan ko yung alarm ko na para bang sasagot to. Eh kasi naman naiistorbo ang tulog ko.

*tok tok*

"Uy Jam? Ayos ka lang ba? Sinong kaaway mo dyan?" Sigaw ni Mama sa labas.

"Wala po.." Nabubugnot na sabi ko sa mama ko.

"Nak, nandito nga pala yung mommy ni Jai hinahanap ka.." 

Ano daw? Mommy ni Jai? At nakaramdam na ako ng kaba.

Days of March.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon