Chapter TWO | Si RED

4 0 0
                                    

Ana's POV

Halos one and a half month nalang graduation day nanamin, haaaay napakabilis ng oras parang kelan lang nung nagkakila-kilala kaming magkakaibigan. Natatakot ako, natatakot akong magcollege, di ko ata kakayanin pag wala ang mga kaibigan ko. Btw, nandito nga pala kaming magkakaibigan sa garden ng apartment namin, yung tambayan namin. Ang tahimik nga ng ambience eh para kasing rest place namin to, syempre tapos na kasi mga requirements at exam at puro paghahanda nalang for graduation day. Si Jai tulog ata sa bangko, si Rayne naman nagpapahangin, si Jam the "red" (Red, kasi parang laging meron.) naman ayun nakasimangot habang nagcecellphone, si Denise naman naghahanap ng tubig at ako heto pinapanood sila.

Jai's POV

Nakakainis na yang si Jam. Lagi nalang nakasimangot, lahat ng bagay pinapansin, simpleng bagay na pupuno, mababaw na dahilan sisigaw parang lagi nalang meron. Kinausap nanamin siya about dyan pero wala namang nangyayari nakakabwiset na hay! makatulog nga muna at baka paggising ko tumino na yan. Lagi siya actually dati pa sobrang sensitive at alam kong pati yung iba samin nahahalata na yun. kung sila mahaba ang pasensya pwes ako hindi.

Denise's POV

Hay buti nalang may tubig na sa Ref. Nandito na ako ngayon sa balcony ng apartment namin. Habang sinasalin ko yung tubig sa baso ko andaming natatapon na tubig tsk pano ba naman may butas yung pitsel kaya pag nagtitilt yung pitsel natatapon yung tubig dahil sa pisteng butas na yun. Pero wala namang matatapunan diba? wala naman sigurong tao sa baba ng balcony----

"AHHHHHHH TSK ANO BAAAAAAAAAAAA?!" 

May narinig akong sigaw. Tumingin-tingin ako sa paligid, sa kaliwa, sa kanan pero wala naman eh, san kaya galing yun. hay bahala n----

"ANO BA DENISE?! NANANADYA KA ATA EH?!" Patay. napatingin ako sa baba ng balcony at oo tama nga, si Red este si Jam ang nabasa ko. Ang sama ng tingin nya sakin at basang basa ang ulo at tshirt nya.

Days of March.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon