Chapter TEN | "We need to talk"

4 0 0
                                    

Jam's POV 

Nandito na nga pala kami sa Starbucks ngayon, onting tawanan, harutan, pero may kulang eh, wala pa kasi si Jai. Etong starbucks nga pala ang naging tambayan namin ngayong lima btw, nahanap na nga pala namin si Ikah hinanap kasi namin siya sa mga social networking sites at akalain mo yun? sikat na skater na pala siya, wow bigtime.

"Guys, buo na sana eh kaso nga lang wala pa si Jai.." sabi ni Ikah.

Eto ako ngayon at nagsusurf sa laptop ko hinahanap ko kasi si jai sa mga social networking sites dito actually nung isang araw pa eh, pero wala talaga eh, hay ang hirap maghanap ng isang tao lalo na kung hindi mo alam kung saan ka maguumpisa ng paghahanap sa kanya. 

"Teka, speaking of Jai..."sabay na sabi ni denise at ana.

"Wow, ah sabay talaga ah. o Ana ikaw na muna una, ano yon?" sabi naman ni Rayne.

"halos 1 and a half year ko naging ka-classmate si Jai this college simula 1st year hanggang second year. Nag-effort ako para masundan siya sa university na yun, nagmakaawa ako sa mama't papa ko para dun ako magaral, syempre nalugi nga diba yung babuyan namin? Pero isang araw.." Nagulat naman ako ng bigla niyang niyakap si Rayne na katabi niya, tapos bigla syang umarteng umiiyak.

"S-Sorry ah..." Sabi niya kay Rayne at eto namang si kumag hahahah natatawa ako sa reaksyon niya kasi halatang miski siya nagulat sa ginagawa ni Ana. "Thank you sa effort, dahil sinundan mo ko sa university, pero...." bigla siyang tumigil at tinignan kaming lahat at napa ituloy-mo-ang-sasabihin-mo-look kaming lahat sa kanya  "Lilipat na kami ng bahay at hindi na ako dito magaaral at etong paguusap natin ngayon, this will be the last im sorry pero kailangan eh.." At bigla siyang tumayo at umikot at bumalik ulit sa upuan niya.

"Ayun, ayun yung nangyari..." Sabi niya samin at umarteng malungkot.

"AH, ARAY!" Napasigaw tuloy si Ana dahil sa batok sa kanya ng pinsan kong kumag.

"AKALA KO KUNG ANO NG NANGYAYARI SAYO!" Sigaw ni Rayne kay Ana. At bigla naman kaming nagtawanan, infairness galing umarte ah...

"Pero guys, asan kaya si Jai noh?" Sabi ni Ikah.

"Ediba marami silang rest house? meron sa baguio, sa tagaytay, sa makati, sa Vigan at sa Bohol? At alam ko pa nga meron sa South Korea eh. " Sagot naman ni Rayne.

"So ano mga teh? I-isa-isahin natin ang mga Resthouse nila?" Sagot ko sa kanila, mahirap-hirap to. Napatingin naman ako kay Denise na hinahawakan yung baba niya na para bang may malalim na iniisip.

"Teka guys..." napatingin kami kay Denise sa sinabi nya.

"Sa tingin ko wala siya sa mga resthouse na yan.." Sabi ni Denise, ate ituloy nyo na po sasabihin nyo.  "Sa tingin ko nandito lang siya.."

"Oh pano mo naman nasabi?" Tanong ng bestfriend ni Jai na si Ana.

"Ayun nga yung gusto kong sabihin kanina eh.." sabi ni Denise. "Dinalaw ko kasi tita ko sa hospital dahil kakapanganak niya lang sa baby niya ang cute cute nga ng baby niya eh alam nyo bang ninang ako? at---"

"Ate, Si Jai po pinaguusapan.." Pagpuputol ni Ikah sa sasabihin ni Denise.

"Ay oo nga pala. Nung pauwi na ako at palabas na ako ng hospital bigla kong nakita si Jai, di ako sigurado kung siya ba talaga o sadyang kamukha niya lang pero nakita ko kasi yung kalookalike ni Jai na papasok sa kotse tapos inaalalayan pa nga siya ng dalawang parang maid ata tapos parang hinanghina siya o baka kakagaling lang sa sakit" Sabi ni Micah.

Days of March.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon