Ikah's POV
Nagui-guilty ako sa mga reply ko sa message ni Rayne. Pinilit kong magpaka-cold. Dahil hanggang ngayon hindi ako makalimot at hanggang ngayon naiinis ako sa kanila. After nung araw na yun nakipag-kaibigan ako sa ibang tao, naging mas socialite ako, pero hindi ko alam kung bakit kahit ganun, hindi ko parin sila makalimutan, sa totoo lang naiinis ako sa kanila, hindi ko maalis yung bitterness.
Jai's POV
Nandito na ako sa kotse namin at on the way na ako sa university na pagaaralan ko. Sobrang kabado ako, pano ba naman, new school, new people, new professor, new lifestyle at new ambience, parang di ko ata kakayanin. Sabi ng mama ko ihahatid-sundo nalang daw ako ng driver namin, mahina kasi ang katawan ko, di ko nga rin alam kung bakit eh, minsan bigla nalang sasakit ang ulo, minsan naman para bang nagiging dalawa ang paningin ko at nung isang araw nahimatay ako. At sabi ni mama pag hindi daw to tumigil magpapacheck up na daw ako, sus pero ayoko nun, ayoko kasi ng nalalaman yung mga dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng ganito, ganyan. Natatakot akong malaman yung katotohanan.
Pagtapak na pagtapak ko sa hagdan ng entrance ng university namin parang gusto ko ng mag-backout, ibang iba kasi talaga sa highschool eh.
"JAI!!!!!!! JAI!!!!!" Nagulat ako ng biglang may sumigaw ng pangalan ko at yung boses niya sobrang pamilyar pagharap ko sa kanan ko, bigla akong sinalubong ng yakap ni Ana. Omaygad andito si Ana!
"Uy Ana?! Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya dahil sobra akong nagtataka.
"EH BES DI KO KAYA MAGISA SA COLLEGE NOH? KAYA AYUN INALAM KO KUNG SAN KA NAGAARAL!" Sigaw niya sakin na para bang ang layo layo namin sa isat isa.
Jam's POV
Two years na ang nakakalipas. And Yes, Second year college na kami actually patapos narin ang school year nato. Iba nga talaga ang college, mas focus ka kasi sa pagaaral mo haha wala nga akong kaibigan eh lagi lang ako nasa isang upuan para akong may sariling mundo lagi lang ako nagsusulat ng story sa netbook ko pero di ako gaya ng ibang author na puro Romance or fanfics ang ginagawa, yung sa akin kasi about friendship nakakaumay kasi kung puro romance eh -.- At yung story ko based on true story sa wattpad lang ako naggagawa eh namimiss ko tuloy sila tuwing sinusulat ko mga kabaliwan namin, minsan naiiyak ako haha natatawa nga sa akin ang mama ko eh pano ba naman minsan tumatawa ako kasabay ng pagbagsak ng luha ko nababaliw na daw ako.
Hindi ko inakalang mababago ako ng isang taong nagcomment sa update ko sa wattpad.
"Ate, Happy ending po ba to? Happy ending po ba ang Days in June? Sana ate happy ending natutuwa po kasi ako sa samahan nila Aira, Jers, Micah, Janina, Yahm at Rachel eh." Sa lahat ng comment ko yung comment nya ang naakit ng mata ko Aira, Jers, Micah, Janina, Yahm at Rachel kasi ang pinangalan ko sa sarili namin, syempre ang gara naman kung totoong pangalan namin ang isusulat ko diba?
Habang nag iiscroll ako ng comments may isa pang comment na napansin ko.
"Ate @StrawberryJAM hanapin nyo sila plsssss... ^^"
Author: Ayan na nga pala sa Media yung itsura nila ngayong college na sila :D
BINABASA MO ANG
Days of March.
Teen FictionMasaya magkaroon ng kaibigan, alam ko yan at alam kong alam niyo rin yan. What if dahil sa isang pagkakamali masira ang lahat at yung akala mong happy ending ay hindi pala happy ending. Dahil baliktarin man ang mundo meron at merong mawawala. THIS...