Chapter FOUR | My Wrong decision

3 1 0
                                    

Rayne's POV

After nung araw na yun, hindi ko na alam kung ano bang nangyari sa kanila. Yung 1 and a half month kasi bago mag graduation day parang napakabilis, nagkakasalubungan kami sa school pero parang hangin nalang ang isat isa sa amin, para bang nawala ang lahat, nasira yung samahan namin, ng dahil sa mali kong decision. PAti nga nung graduation day namin eh, wala man lang paalam. hayyy Kung hindi ko siguro plinano yang letseng distansya na yan edi sana magkakasama pa kami ngayon at kung hindi ko sana plinano yan edi sana masaya parin kami ngayon. Pero wala eh, nasa huli nga ang pagsisisi. Akala ko kasi panandalian lang yang distansyang yan, hindi ko inakalang magiging permanente na pala. Nakakaguilty talaga naman. 

Nandito nga pala ako sa kwarto ko, tapos narin ako magimpake. Pupunta narin ako sa states eh dun na kasi ako magaaral ng college, teka, maopen nga ang facebook ko. Karamihan sa mga kaibigan ko -- i mean dating kaibigan, naging inactive na sa mga social networking sites at yung iba nag deactivate na. Ini-scroll down ko yung mga names na nasa chatbox ko, tinitignan ko lang kung sino ang mga online,ay hindi, pakiramdam ko may hinahanap ako pero hindi ko alam kung sino.

Scroll.. Scroll.. Scroll..

Ikah Vetus is online

Hindi ko alam pero kinakabahan ako, ilang months na rin kasi kaming hindi nakakapagusap eh. Pero kelangan lakasan ko ang loob ko. Hindi ko kasi alam baka maseenzoned pa ako :'(

"Uyy, Ikah :)" message ko sa kanya with matching smiley face.

" ✓ seen 8:30" bwiset na yan yun lang ang nireply sakin !!!! bakit ba kasi nauso ang seen na yan!

"Typing....." Napahinga ako ng maluwag ng mabasa ko yan.

"Bkt?"  Nadismaya ako sa reply nya, eh kasi naman pwede namang buuin diba? B A K I T, pwede namang ganyan. Eh bakit three letters lang? Ganyan ba talaga siya katipid?

"Kamusta?" 

"Okay lang...."

"Aalis na nga pala ako. Pupunta na ako sa states.."    Ikah, pigilan mo ko please.

"Ahh nice..."  Matipid na reply nya sakin. 

*tok tok tok*

Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Rayne!! Are you ready? Tara na at baka malate tayo sa flight." Sigaw ng pinsan ko, bigla naman ako napatingin sa oras ko at magni-nine am na pala.

"Yes, Ate Ronnielle, lalabas na po ako." Hinarap ko na ulit ang mukha ko sa screen ng laptop ko.

"Sige Ikah ah, ingat kayo, aalis narin ako pupunta na ako sa Airport." Gusto ko sana sabihin sa kanya na "Ikah, kung nagbabalak kang sabhin sa tropa natin na habulin ako sa airport magandang plano yan dahil aasahan ko yan, habulin nyo ko ah."  Pero wag na mukha lang akong tanga.

-LOG OUT-

Days of March.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon