Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

Chapter 3- #BondingWithArchersAndAGIRL?!

2K 38 0
                                        

-ARA'S POV-

"Ara. Gising na, huy." Hmm. Teka lang. 5 minutes lang. Gusto ko yang sabihin kaso masyado pa akong inaantok para magsalita.

"Ara. Gising na kasi. Please?" Ang kulit naman nito. Grabe. Sino ba 'to? Tinary kong buksan ang mga mata ko pero parang may pumipigil eh. Ang tamad ng katawan ko ha.

"ARA! NASA BABA SI THOMAS!" may sumigaw. HA?! Nandyan sa baba si Thomas?!

Agad naman akong napabangon. Kaya pala, si Carol lang pala 'to. Kaya pala malakas ang sigaw.

Carol: Joke lang! Hahahahaha. Naniwala ka naman!

Ako: Oy hindi ah.

Ano ba yan. Dapat pala hindi na ako bumangon nung narinig ko yung pangalan niya. Ahh, panira. -______-

Carol: Huli ka na Victonara! Hahahaha. Si Thomas lang pala ang kailangan para magising ka! Yes! May panggising na kami sayo! *belat*

Ara: Tse! Tabi na! Maliligo na ako. May klase pa ako, tsupe! Layas!

Carol: Wow ha. Iyo yung banyo? Iyo? Atsaka hello! Saturday po ngayon, senyora! Wala tayong pasok!

Ay, Sabado pala. Ano bayan.

Ara: Tsk. Osige na. Bababa na ako.

Carol: Okay! See you downstairs! Oh, and remember. Bilisan mo, baka maubusan ka ni Kimmy! Hahahahaha.

May sumigaw naman sa baba. Halata namang si Kim! Hahahaha.

Kim: Hoy Cerveza! Narinig ko yun!

Napatawa nalang kami ni Carol. Hahahaha.

Nakaligo na ako at nagshorts at tshirt na simple. Hindi naman ako aalis eh. Unless, may magaya. Hahaha!

Ate Aby: Wow! Ang ganda ngayon ni DaughterF ha. Who's the lucky guy? *taas-baba ng kilay*

Ako: Lucky guy kayo diyan MotherF! Wala 'no. I'm just simply beautiful.

Nakarinig naman ako ng mga reklamo at kontra. Yung iba naman, kunwaring nabilaukan.

Camille: Ano bayan? Bakit ang lakas ng hangin? Ate Aby! Binuksan mo ba yung electric fan?

Carol: Oo nga ate Aby. Ang lamig, may bagyo ba? Tatangayin na ako eh.

Wushu! Tatangayin na daw, eh bakit hindi pa siya nakaalis sa upuan niya? Edi sana natangay na rin ako. Tsk, hina nila. Hahaha.

Kim: Ate Aby, pasarado nga ng pintuan! Ang hangin, shet!

Mika: Makakuha nga ng comforter. Ang lamig eh, sobra.

Ang wagas naman makareact, si Cienne. Hahaha.

Cienne: *fake cough* P-pengeng tubig! Nabibilaukan na ako dito! *cough cough*

Binigyan naman siya ng tubig ng kanyang kakambal, si Camille.

Ako: Sayang Cienne, hindi ka natuluyan. Hahahaha!

Cienne: Tse! I hate you Ara! Bully ka talaga!

Nagtawanan nalang kaming lahat. At naging busy naman kami pagkatapos nun. Nothing to do eh.

Minamalas nga lang ako. Naging tagahugas ng pinggan! Psh. Habang sila naman ang ingay ingay dahil sa mga text na narireceive. Tsk.

*oink oink*

Ay. Phone ko yun ah. Hayaan na nga lang. Naghuhugas pa ako. Dalawang pinggan nalang! Tapos na ako! Konting push nalang ito!

Nagtaka naman ako. Bakit, bakit parang tumahimik? Pero hinayaan ko nalang yun. Isang pinggan nalang ang babanlawan at tapos na ako!

Infinite Love (JeMik,ThomAra and CieVan fanfic)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon