Mika's POV
Hinila ako ni Ara papunta sa sasakyan. Hindi ako makapaniwala.
Si Kiefer ba talaga 'yun?
Si Jeron ba ang nagdala sakanya dito?
HAY ANO BA YAN. ANG GULO!!
"Oh, Ye. Tulala ka." - concerned na tanong ni Carol.
"A-ah, wala 'to. Kulang lang s-siguro sa tulog, hehe." -sabi ko.
Nahalata naman siguro ng buong team na masyado pa akong nashock sa nangyari.
"Hay. Akalain niyo yun? For the first time in forever, ang tahimik ng queen bully? Nakakapanibago, harhar." -maarteng sabi ni Kim.
Abaaaa, oo nga 'no?
"Oo nga!! What shall we do?" -pasimpleng tanong ni Camille.
Nagkatinginan kaming lahat, "IT'S FOOD TIME!!"
Nagtawanan kami after that. Napalingon ako kay Ara, nakakunot ang noo niya. Siguro iniisip si Thomas?
"Hoy loka, ba't nakatulala ka rin?" -sabi ko kay Ara sabay siko sa tagiliran niya.
"Ha? Masama na pala ngayon ang magisip? Try mo kaya, baka sakaling bumalik yung utak mo." -Ara
"Aba--" "Hooooy, tama na ang away. Saka ninyo ituloy yan kapag naubusan na kayo ng pagkain!" -sabi ni unggoy, este Cienne pala.
Inirapan ko nalang si Ara at nakipagsiksikan sa bilihan ng pagkain. Napapaisip parin ako, bakit bumalik si Kiefer matapos ng lahat?
Bigla ko nalang naramdaman ang barbecue sa bibig ko. "Ayan, dahil tulala ka na naman, sinuksok ko na yang barbecue mo at baka pasukan yan ng langaw." sabi ni Camille.
Tinaas ko ang middle finger ko. "Psst! Nasa harap ka ng pagkain Ye, di ka na nahiya. Haha." -sabi naman ni Kim.
"Nakakahiya rin kasi nagmumukha kang pagkain sa kulay mo." sabat ko. Aba, queen bully ata toh!
Nakarinig ako ng 'oooh' at 'burn!' sa team. Inirapan nalang ako ni Kim at ako ay bumelat sakanya.
May isa na naman akong iniisip, biglang nagalit si Jeron. Bakit?
-THOMAS' POV-
"Pre, ano ba! Umayos ka nga dyan. Nakakailang bote ka na!"sigaw ni Norbert kay Jeron. Paano ba namang hindi sisigawan, kanina pa nainom. And take note, seven bottles na ang nainom ni Jeron.
"Hahahahaha!," tinawanan niya kami, pero bitter laugh iyon. "Alam niyo ba kung bakit ako ganito? Alam niyo ba kung bakit? Ha?!" sumisigaw na si Jeron.
Walang umimik samin. "Ano? Imik!"dahil lasing si Jeron, hindi namin siya mapigilan. baka kung anong gawin niya samin, at nakakatakot yan magalit.
"Yan ang problema sainyo eh! Hindi kayo makaimik. Wag kayong umasta na magiging maayos ang lahat dahil hindi niyo alam ang nararamdaman ko!"
Nagulat kami sa ginawa ni Jeron. Tumakbo siya paalis ng dorm namin at tumaas sa rooftop. Sinundan namin siya.
"Hoy! Tangina mo Jeron! Bumaba ka dyan!" -sigaw ko. MAGPAPAKAMATAY ATA TONG GAGONG TO EH!
"Thomas..tawagan mo nalang si Ara. Wag ka na mangielam dito. GUSTO KO NANG MAMATAY."
At pagkatapos nyang sabihin yun...
Tumalon siya.
"Jeron!"
-END OF CHAPTER 13-
Magulo ba? Don't worry magegets niyo rin yan. ;) Sorry kung matagal pa bago ako magupdate! Sorry to dissapoint you. Nanunuod ako ng laro ng Lady Spikers ngayon vs. UP. 12-6-14, hehez.
Vote! Comment!
BINABASA MO ANG
Infinite Love (JeMik,ThomAra and CieVan fanfic)
FanficI love you to infinity and beyond. I love you to the sideways of 8. I will love you forever.