Chapter 1:
Chloe Sienna's P.O.V
Naglalakad na kami ni Irish papunta sa gym. May p.e kasi kami ngayon. Nauna na yung iba naming classmate sa gym, antagal kasi magbihis ni Irish e.
Papasok na kami sa gym. At makita namin ang iba naming kaklase na naglalaro na. Paharap na sana ako kay Irish ng biglang,
*TOOOOKKKKK*
Napahimas ako sa noo ko. Amp*ta masaket!. Napalingon ako kung ano ang tumama sakin isa itong shuttlecock. Napalingon ako sa paligid. At nakita ko si Stephen.
"Hoy Kurimaw! Nanadya ka ba!?" Sigaw niya kay Stephen.
"Sorry" sarkastikong sagot ni Stephen.
"Whatever" sabay irap ko sakanya.
"Anong nangyari? ano okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong ng kaibigan niyang si Irish. Tumango naman ako.
"Sige, may kakausapin lang ako saglit" Sabi ng kaibigan niya habang nakangiti. Tumango nalang ulit siya.
Paglingon ko kay Stephen na kay Irish na ang tingin niya. Lumapit ako kay Stephen.
"Bat' tulala ka kay Irish?" Tanong ko sakanya.
"H-huh? H-hindi n-no" Utal na sagot niya.
"Sus! Bakit nauutal ka?" Nakangising sabi ko.
"Sabi ngang hindi e!" sabi niya at nag walk out.
"Sus! In denial stage lang yan" bulong-bulong ko.
"Sinong in denial?" Muntik na akong mapatalon sa gulat. Napatingin ako kay Irish. Narinig niya pala yun.
"Wala! Tara na nga!" Hinila ko siya para magsimula na kami sa paglaro.
Stephen Klyde's P.O.V
Damn! Nakakahiya ang nangyari kanina. Muntikan narin mapatingin saakin si Irish kaya nag walk out ako. At isa pa yung Kurimaw na babae. Nakakainis ang mukha!
Pero napatulala ako kay Irish. Ang ganda niya. Lalo na pag nakangiti. Ang kanyang kulay blonde at tuwid na buhok, matangos na ilong, mapulang labi, maputing kutis, at napakagandang mga mata. Nakangiti ako sa iniisip ko.
"Hoy ano nangyayari sayo? Kanina lang parang iritang irita yung mukha mo tapos ngayon ngi-ngiti ka dyan. Ano bang iniisip mo?" Sabi sakanya ng kaibigan.
"Wala!" Napailing siya at napangisi. Tumayo na siya at umalis.
"Anong nangyayari don?" rinig niyang tanong ni Blaze kay Drake.
"Baka inlab ang kaibigan natin!" rinig niyang sagot ni Drake kay Blaze.
"Yun mainlab? Parang hindi nga marunong manligaw yun e. Tsaka wala pa nga siguro yang nagugustuhan mula elementary e" rinig niya kay Drake. At sabay tumawa ang mga kaibigan.
Napailing nalang ako at naglakad ng tuluyan.
Totoo ang sinabi ng mga kaibigan ko kanina, matagal ko na silang kaibigan at alam ng mga kaibigan ko kung gaano karami ang nagkakagusto sakin pero kahit ni-isa wala akong matipuhan. Laging asar ng mga kaibigan ko na torpe ako pero hindi yun totoo. Hindi ko lang talaga alam kung bakit wala akong magustuhan sakanila.
Pumunta nalang ako sa motor ko at sumakay at pinaharurut ito.
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Author's note:
Mwuaaaaaps. Yan muna ang update ni otor niyo ah. Sorry sa mga typo e-edit ko pa yan. Haha. Thank you sa patuloy na pag suporta. At sana patuloy niyo paring suportahan. Mahal kayo ni otor.
YOU ARE READING
Untold Feelings
Teen FictionChloe Sienna Ferriera. All she wanted was to make people happy. Kaya niyang magparaya at masaktan para sa taong mahal niya at sa best friend niya. Paano naman kung dumating ang oras na mapasakanya ang taong hinahangad niya? Tatanggapin niya kaya it...