Chapter 2:
Chloe's POV
Pqgdating sa bahay agad kong kinuha ang laptop ko at nag open sa Facebook. Balak ko kasing stalk-in si Kurimaw este si Stephen.
Naalala ko nanaman kung paano siya tumitig kay Irish kanina, malagkit e para bang may balak. Napangisi nalang ako.
Nahanap ko na ang account niya. Aba at may account pala ang Kurimaw. Bumungad agad saakin ang profile niya. Hindi ko maitatanggi na gwapo siya.
Nag scroll down pa ako at may nakita akong status na ka-kapost palang niya.
"Your smile can make my heartbeat fast. But I don't know why." Yan ang nilalaman ng post niya.
Tiningnan ko ang like at muntik na itong umabot ng 100 likes tiningnan ko rin ang comment, may nakita akong comment ng kaibigan niya.
Binasa ko ito.
Drake Ventura: In love ka ata 'tol. Celebrate tayo bukas hahaha lol.
Blaze Navarro: Sino ba yan ah? Naks! In love ka? P*ta nainlove yung torpe kong kaibigan. Haha.
Nag comment din ako.
Chloe Sienna Ferriera: I know who is that! Kurimaw!
Nag scroll pa ako, nang may nag pop-up sa screen ng laptop ko. At nakita kong nag reply siya sa comment ko.
Stephen Klyde Tuazon: Tss. Ang daldal mo! Do not call me "Kurimaw" because you look like a "Kurimaw" than me.
Haha! Pikon. May kumatok sa pintuan ko.
"Pasok po!" Tugon ko sa kumatok. Bumukas naman ang pinto at nakita ko si Yaya
"Iba, pinapababa ka na ng Daddy mo kakain na daw po kayo." Sabi ng Yaya niya.
"Pakisabi po na pababa narin ako. Saglit lang po." Sabi ko at tumango naman ang Yaya niya. "Sige po."
Nag log-out na siya at bumaba na.
Stephen's P.O.V
Nag post ako ng status sa Facebook. Hindi ko akalaing dadami ang likes nito. Nakita niya ring nag comment ang kaibigan niya pero hindi niya na ito pinansin.
May nag pop up sa screen ko pinindot niya ito at nakita niya na may babaeng nag comment sa post niya.
Chloe Sienna Ferriera. Ang Kurimaw. Nireplyan ko ito at ini-stalk. Hindi ko akalaing maganda ito tulad ng best friend niya.
Nag scroll down pa ito at may nakita siyang picture ng dalawang babae. Napagtanto kong silang dalawa ng bestfriend niya ito. Tinitigan ko ang picture ng dalawang nakangiti. Napangiti nalang din ako.
Pagka scroll down ko ang picture nang isang pamilya. Nakita ko si Chloe sa picture at sa tingin ko ay mama at papa ni Chloe.
Habang tinititigan ko iyon napagtanto kong si Chloe ay kamukha ng kanyang ama. Ngunit ang kanyang buhok na kulay itim ay sa tingin ko ay sa kanyang ina nakuha. Ang maputing kutis, mapulang labi at matangos na ilong naman ay hindi ko mawari sapagkat pareho namang maputi, mapupulang labi at matangos ang ilong ng magulang ni Chloe. Ang mga mata naman nito ay sa ama niya nakuha.
Habang tumitingin siya sa ibang picture ay biglang bumukas ang pinto. Sinarhan ko agad ang laptop ko ng makitang si Mommy ito.
"Sino yon anak? May nakita ako, sino iyon?" Sabi ng aking Mommy.
"Wala yum mom. Bakit po kayo nandito?" Sabi ko sa aking ina.
"Ikaw ah! Pumunta ako dito kasi kakain na tayo sa baba. Dumating narin ang Daddy mo galing sa kanyang trabaho. Pagod nga yun kasi marami siyang inaayos sa kompanya natin." Mommy.
"Ganun po ba. Sige Mommy. Susunod na ako." Sabi ko kay Mommy
"Bumaba ka kaagad ah!" Mommy
"Yes mom"
---------------------------
Author's note:
Madaming typo's at wrong grammar. Wag kayong mag alala ee- edit ko pa yan. Hehe. Sorry sa mabagal na update. Sorry na busy si otor e. Hi sa mga silent reader. Thank you sa mga nagbabasa. Wabyoo! Love ko kayo! Thank you sa suporta. At sana ipagpatuloy niyo ang pagsuporta.
YOU ARE READING
Untold Feelings
Teen FictionChloe Sienna Ferriera. All she wanted was to make people happy. Kaya niyang magparaya at masaktan para sa taong mahal niya at sa best friend niya. Paano naman kung dumating ang oras na mapasakanya ang taong hinahangad niya? Tatanggapin niya kaya it...