Chapter 3

23 2 0
                                    

Chapter 3:

Chloe's POV

Nakasakay na ako sa kotse namin papuntang school. Buti naman hindi trapik haha. Nababagot ako ayaw kasi ako regaluhan ng kotse wala pa naman daw kasi ako sa age para mag drive.

Maya-maya nakarating na ako sa school. Nasan kaya si Irish? Hinanap ko muna yung cellphone ko sa bag para matawagan ko si Irish. Hindi ko makapa yung cellphone ko. Patuloy parin ako sa pahanap habamg naglalakad.

"Nandito lang naman ka---" naputol yung sinabi ko ng tumilapon lahat ng gamit sa bag ko ng may mabangga ako.

Pinulot ko kaagad ang gamit ko at nakita kung tumulong yung lalake, dadamputin ko na yung isang bagay pero nahawakan niya ito kaya parang magkahawak ang kamay namin. Napatingala ako sa lalaki at napalitan ng gulat ang aking mga mata ng makitang si Stephen yun. Nakita ko rin sa mga mata niya ang gulat.

My heartbeat fluttered loud and quickly, I don't know why. But it's different.

Kakaibang tibok na hindi dahil sa nerbyos o gulat. Tibok na ngayon ko lang naramdaman. Hindi ko maipaliwanag pero masasabi kong kakaiba ito.

Dali dali kong iniwas ang paningin ko at hinugot ang kamay ko. Dali dali kong kinuha sa kamay niya ang gamit ko at sinimot ang iba.

At bago ako umalis, sinulyapan ko muna si Stephen at nakita ko rin siyang nakatingin sakin. Naglakaf nalang ako patungo sa classroom.

Habang iniintay namin ang prof namin, nakita kung pumasok si Stephen sa may pintuan pero iniwas ko na agad ang tingin ko ng makitang kay Irish siya nakatingin. May something na kumirot sa dibdib ko pero hindi ko na ito pinansin ng makitang pumasok na ang prof
namin.

"Good morning!" Bati ni ma'am saamin habang nakangiti.

"Good morning din ma'am" Bati namin sakanya. Nginitian niya lamang kami

"May sasabihin lang ako sainyo. Please listen. Dito sa school ay mag kakaroon ng mga contest. Singing, Dancing, Drama and Art. So, singing muna ang kailangan ko. Babae at lalake yun parang duet. At kung sino ang mananalo sa singing contest ay sila ang magli-leader sa Singing club at magbubuo ng sariling banda. Ganun din sa ibang contest. Kaya kailangan ko ng babae at lalake dito na magaling kumanta. Maybe it's going to be next month or next week. I'm not sure yet" Mahabang sabi ni ma'am.

Naging maingay ang buong classroom pero natahimik ng magsalita ulit si ma'am.

"Any suggestion or volunteer?" Sabi ni ma'am

"Ma'am!" Sigaw ni Irish habang nakataas ang kamay. Ang hyper ng best friend ko. Grabe!

"Yes Ms. Romualdez?" Sagot naman ni prof.

"Si Chloe po. Magaling po siya kumanta at marunong din siyang mag gitara" Mabilis na sabi ni Irish. Napalingon agad ako kay Irish at nakita ko siyang naka ngisi ng malaki sakin at nag thumbs up pa ang loka loka.  Napalingon ako kay ma'am

"Oh, really? Ngayon ko lang nalaman iyan. Can we get a sample?" Nanlaki ang mga mata ko. Lumingon ako sa mga classmate ko pero halos lahat sila ay sumisigaw ng 'sample' ng paulit ulit. Tumango nalang ako at pumunta sa unahan.

Naghanap muna ako kung sino ang may gitara sa kaklase ko pero si Stephen lang ang nakita kung meron. Kaya wala akong choice. Bakit kaya Hindi ko napansin na may dala siyang gitara kanina? Nevermind. Kaya hiniram ko nalang ito.

"Stephen, can I borrow your guitar?" Sabi ko sakanya

Nanlaki ang mata niya.

"S-sure" Agad din na sabi niya. At inabot saakin ang gitara niya.

Namangha ako sa gitara niya na wala man lang gasgas at malinis rin ito. Kulay itim na may puti ang gitara nito. Nice guitar.

Tiningnan ko muna ang mga kaklase ko. At nakita ko sakanila na naghihintay sila sa pagkanta ko.

Ang kakantahin ko ay Sad Song ng We the Kings.

Tumikhim muna ako at nagsimulang mag strum ng gitara.

🎶You and I we're like fireworks and symphonies exploding in the sky.

With you, I'm alive like all the missing pieces of my heart, they finally collide🎶

Habang kumakanta ako ay napatingin ako kay Stephen na seryoso din na nakatingin saaakin. Ang cute ng mukha niyang seryoso. Nagpatuloy ako sa pagkanta na hindi maalis sakanya ang mga paningin ko.

🎶Without you, I feel broke like I'm half of a whole.

Without you, I've got no hand to hold

Without you, I feel torn like a sail in a storm.

Without you, I'm just a sad song

I'm just a sad song🎶

Pagkatapos kong kumanta ay ibinigay ko na agad kay Stephen ang gitara habang nagpapalakpakan ang mga kaklase ko.

"Ang ganda ng boses mo Ms. Ferriera. Papapayag ka ba kung sinabi kong isasali kita sa Singing contest?" Sabi ng prof namin.

"Thank you po" Tumango ako. "Sasali po ako" Hindi na ako nagpakapilit na sumali, Tutal hilig ko rin naman ang pagkanta.

"Then good. Mr. Tuazon, Is it okay to you if you join the contest? And I know your voice is really good at singing. I already heard your voice. Alam kong ikaw ang kumakanta sa music room palagi pag may free time. And your voice are really good." Sabi ni ma'am.

Nanlaki ang mata ko. Hindi ko akalaing magaling kumanta ang kurimaw. Lalo na ng nalaman kong lagi siya sa music room. Fourth floor kasi yun Third floor lang ang room namin. Nakakatamad kaya at masakit din sa paa.

Ang tanga ko bakit hindi ko ba napansin yun? May dala pa siyang gitara kanina. Napalingon ako sakanya at nakikita ko siyang nabigla din.

"Y-yes M-ma'am" Utal niyang sagot.

"Hindi na kailangan ng sample. I already heard your voice." Sabi ni ma'am. Nagmaktol naman ang ibang babae kong kaklase na gusto daw nila marinig boses ni Stephen. Pero hindi ito pinansin ni Ma'am.

"Class Dismiss" Sabi ni ma'am at tumalikod at naglakad. Pero nong nasa pintuan na siya ay humarap uli siya.

"Stephen and Chloe, we will meet in the music room after your afternoon classes. And take your own guitar. We will have a practice." Pahabol na sabi niya at tumalikod na.

"Congrats" sabi ni Irish saakin.

Pero ngayon lang nag sink-in sa utak ko na magiging partner ko si Stephen sa Singing contest. Damn! Ang tanga ko talaga.

----------------------------
Author's note:

Thank you sa nagbabasa hehe. Lab ko kayoo! Wabyooo!

Ps. Maraming mali. Maraming mga typo's, wrong grammar, wrong spelling etc.
Pps. Pasensya na. Wag kayong mag alala mag eedit ako.
Ppps. Mahal ko kayo kahit silent reader yung iba.










Untold FeelingsWhere stories live. Discover now