Chapter 4
Stephen's POV
Naglalakad na ako papuntang classroom. Hindi ko alam kung bakit parang ang lutang ko ngayon. Hindi ko namalayan na may nabangga pala akong babae at tumulapon ang laman ng bag niya sa lupa.
Nakita kong pinulot niya ang mga gamut niyang nangalaglag sa lupa. Tinulungan ko siya sa pagkuha ng gamut niya. Kukuhanin ko na yung gamit niyang natitira pero halos mag kasabay naming kinuha ito kaya para kaming magka holding hands.
Napatingin ako sakanya at laking gulat ko ng makitang si Chloe ang kaharap ko ngayon. Napatitig siya sakin ng sandali. Sa pagtitig niyang yun nakita ko ang kulay itim niyang mata. Bagay na bagay sakanya.
Pero namalayan niya nalang na si Chloe ay nakatayo na. Lumingon muna ang dalaga sakanya at nagtuloy-tuloy ng paglakad
Bumuntong hininga muna siya at napailing. Magpapatuloy na sana siya paglalakad pero may natapakan siya. Tumungo siya para makita kung ano ang kanyang natapakan, nakita niya ang isang bracelet sinimot niya ito.
Silver ang bracelet at may pangalan iyong nakalagay mismo sa bracelet,
"Sienna" yan ang nakalagay sa bracelet. Sa tingin niya ay Chloe ito. Nilingon niya Chloe pero wala na ito. Napagdesisyon niya na mamaya nalang ibigay ito.
Pagpasok niya sa classroom ang unang natapunan ng kanyang tingin ay si Irish pero nakikipagdaldalan ito sa katabi. Napalingon din siya kay Chloe pero naka tungo ito. Dumiretso nalang siya sa upuan niya.
Matapos sabihin ng aming prof ang tungkol sa Singing Contest ay umalis na ito. Pero nagulat ako na marunong palang kumanta si Chloe.
Natapos na ang klase namin ng umaga kaya maglu-lunch na kami. Naglalakad ako kasama ang dalawang kaibigan papuntang canteen para kumain.
Naghanap kami ng table. Isa nalang ang nakita naming table. Lumapit kami dun pero may naka upon agad dun. Si Irish at Chloe. Napandin ata kami ni Irish na nakatayo sa tapat ng table kaya napalingon din si Chloe saamin.
"May kailangan kayo?" Sabi ni Chloe
"Makiki-share sana kami ng table, wala na kading ibang table e." Sabi ng kaibigan kong si Drake.
Nagkatinginan dilang dalawa. At napatingin saakin si Chloe pero inalis niya na rin agad ito.
"Pero naun---" kontra ni Chloe pero pinutol agad ni Irish.
"Sige. Okay lang, upo na kayo." Sabi ni Irish. Ngumiti siya saamin.
Nanlaki yung mata ko sa ngiti niya. Ang ganda niya.
"Chloe dito ka lang. Order lang ako." Sabi ni Irish kay Chloe. Tumango naman si Chloe.
"Hoy Blaze, samahan mo ko um-order!" Sabi ni Drake kay Blaze. Tumayo naman si Blaze. "Dyan ka lang ah!" Nagulat ako at sinamaan sila ng tingin pero tinawanan lang nila ako.
Chloe's POV
Bakit kasi nakasama sa lamesa? Awkward tuloy.
"Marunong ka palang kumanta" Muntik ba akong mapatalon sa gulat ng magsalita siya. Napalingon ako sakanya at napataas ang kilay.
"Eh ano namang imposible don?" Nakataas ang kilay kong tanong.
"Hindi ko kasi akalain na marunong kumanta ang kurimaw" Tawa lang siya ng tawa.
"Yun palang yon. Paano kung ginalingan ko pa? Hindi na ako magtataka kung pati sarili mong paa ay papalakpak." Nakangisi kong sagot sa kaniya.
"Asa. Yabang. At once na marinig mo ang boses ko sisiguraduhin kong matatameme ka " Ngisi niya.
"Whatever" sabay irap sakanya.
Dumating na si Irish dala ang order namin at kasama niya ang mga kaibigan ni Kurimaw. Habang kumakain ay nagpapatawa rin ang kaibigan ni Stephen kaya napuno ng tawanan namin ang buong lamesa.
Tapos na ako kumain kaya nagpaalam muna ako sakanila na maghuhugas lang ako ng kamay sa c.r.
Naglakad ako papuntang c.r. Habang naghuhugas ako ng kamay, napandin kong may kulang sa braso ko. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kong ang bracelet ko iyon.
Hindi yun pwedeng mawala. Bata palang ako nasa akin na iyon. Bigay yun saakin ng Lola ko bago siya mamatay. Sa Lola ko nakuha ang name kong 'Sienna'. Hindi yun pwedeng mawala.
Dali dali akong bumalik sa canteen.
"Ba't hingal na hingal ka? Okay ka lang?" Tanong saakin ni Irish.
Binulong ko sakanya kung ano ang nawawala saakin. Nag panic din siya. Alam ni Irish kung paano ka important yin saakin.
"Bakit nawala? San mo ba nilagay?" Nagpa panic din niya tanong saakin.
"Hindi ko rin a-alam" Mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Ito ba? Nasimot ko 'to ng nagkabangga tayo kanina" Nagulat ako sa sinabi ni Stephen at lumingon ako sakanya. Nagulat ako ng sakanya ang bracelet ko.
"Yan nga! Thank you!" Sabah yakap ko sakanya. Nagulat ako sa ginawa ko. Kaya tinanggal ko kaagad ang pagkakayakap sakanya. Naramamdaman ko kong umakyat lahat ng dugo ko papunta sa mukha.
Napalingon ako kay Irish at sa tatlong magka-kaibigan. Pero lahat sila gulat na gulat at nakanganga. Hindi na ako magtataka kung mala kamatis ang mukha ko sa pula nito. Hinablot ko kay Stephen ang bracelet ko sabay kuha ng bag ko. At tumayo na ako.
"U-una n-na a-ako" Utak kong sabi.
Habang naglalakad ako papuntang classroom, ramdam na ramdam ko parin yung tibok ng puso ko. Mabilis. Kakaiba. Tulad lang nung makabangga ko siya nung umaga. Hindi na ako tanga para hindi nalaman kong anong kahulugan ng pagtibok ng puso kay isipin. Hindi ako bobo.
Ba't sakanya? Alam ko namang hindi ako ang gusto niya e.
YOU ARE READING
Untold Feelings
Teen FictionChloe Sienna Ferriera. All she wanted was to make people happy. Kaya niyang magparaya at masaktan para sa taong mahal niya at sa best friend niya. Paano naman kung dumating ang oras na mapasakanya ang taong hinahangad niya? Tatanggapin niya kaya it...