Chapter 9

11 0 0
                                    

Chapter 9

Chloe's POV

Kakakatapos lang namin ni Stephen sa pagpapraktis. Naging maayos naman ang naging praktis namin. Nagkasundo naman kami kahit awkward talaga sakin.

"Oh? Ano? Tara!" Stephen

"Ha?" lutang na sagot ko sakanya.

"Limot mo agad? Starbucks diba? Tutulungan mo ko diba? Diba?" pangungulit sakin ni Stephen. Problema nito? Kulit ah, daig pa babae. Sa sobrang gulo ng utak ko di ko na matandaan. Mababaliw na ko tss.

"May sinabi ba ko kanina? Di ko tanda e." Biro ko sakanya. At agad namang nalukot ang mukha niya.

"Psh. Joke lang. Biliis bagal mo kumilos" dagdag ko at umuna ng lumabas. Pero nahagip ko pa rin ang mukha niyang sobrang laki ng ngiti. Para tuloy siyang asong ewan.

Bakit kaya siya? Marami namang iba diyan. Mahirap din kasi na baka mas lumalim ang nararamdaman ko sakanya tapos kahit alam kong una pa lang hindi ako yung gusto niya.

Sa aking pagiisip ng ganoong bagay ay kumikirot ang aking dibdib.

"Ba't ba ang sungit mo, Kurimaw?" banat niya sakin.

"Ako? Masungit? Kurimaw? E kung hindi kaya tulungan diyan? Tsaka mas kurimaw ka sakin." sabay irap.

"Sabi ko nga, mabait ka" bawi niya sa sinabi niya kanina. Takot.

Naglalakad lang kami papuntang starbucks kasi malapit lang naman siya sa school namin. Ilang kilometro lang ang layo.

Ngunit sa paglalakad ay sinabayan niya ako at pinatong ang siko niya sa ulo ko. Sa sobrang inis ko ay nasigawan ko siya.

"Tuazoooooooon!" sigaw ko sakanya

Halos mapatakbo siya sa sigaw ko. Ipatong ba naman siko niya sa ulo ko psh. Hindi naman ako pandak, kaso sobrang taas niya talaga. Kapre ata 'to.

"Anak ng! Nakakagulat ka. Ansungit mo talaga. Meron ka ba?" ngisi niya.

"What the... ano pinagsasabi mo? Napakatsismoso mo. Pati ba naman yun? Kurimaw ka talaga!" kunti nalang talaga masasapak ko na 'to.

Nakarating na kami sa starbucks. Umorder muna kami at umupo sa may pinakasulok para hindi masyadong maingay.

Pano ko to kakausapin? Ang awkward neto. Dumaan muna ang ilang minutong katahimikan bago ko siya sinimulang kausapin.

"Bakit ako yung tutulong sayo? Diba may mga kaibigan ka naman diba?" paninimula ko.

"Bakit kaibigan din naman kita ah?" Stephen.

"Hindi naman ako nainform hahaha. Pero seryoso? Ba't nga?" Ah so ayon kaibigan naman pala ako.

"Ang totoo talaga niyan. Tutulong din sila. Pero syempre kailangan din kita kasi kilala mo na si Irish, ng sobra. Kailangan ko magtanong sayo ng mga ibang bagay tungkol sakanya. Parang getting to know her." sagot niya.

"Getting to know, mukha mo. Kailan pa ba yan nagsimula?"

"Ang alin?"

"Yang nararamdaman mo. Engot mo naman. Alangan namang yung nararamdaman ko." Tss antanga mo naman self , kelan nga rin ba? Ang rupok ko naman hays.

"Ang harsh mo sakin. Kanina ka pa ah?"

"Psh. Ano nga?"

"Matagal na 'to kaso antagal ko bago marealize. Nung first year highschool tayo, una ko siyang nakita non nung naglalaro kayo sa court, ng badminton. Tapos simula non lagi nalang akong nakatingin sakanya mula sa malayo, pag minsan nga ay nasusundan ko pa kung saan saan lalo na pag gumagala kayo dun sa may malapit na park at kakain ng mga street foods don sa may simbahan. Alam ko din bahay niyaAt hindi yon alam ng mga kaibigan ko. Stalker na ba ko non?"

"Pwede na. Pero alam mo? Ang torpe mo. Andami mong nasayang na panahon e." Go lang self, trying to support even if it's hurting huh?

"E kasi hindi ko kasi talaga alam kung paano ako magtatapat sakanya noon."

"Natatakot ka bang ma reject?"

"Kahit sino naman siguro." napatungo niyang sagot.

"Sabagay. Pero nagmamahal ka e. Normal na mag take ka ng risk kahit alam mong masasaktan ka. Parang sugal lang yan. Pano ka mananalo kung di ka sususgal diba?"

Pumalakpak siya na parang ewan.

"Wow. Just wow." nakanganga niyang sabi. "Love expert? May experience ka ba? Or jowa? May pinaghuhugutan e." pangaasar niya sakin

"Wala akong jowa! O kahit experience 'no. Atsaka naisip ko lang yon. Ba't ba ang chismoso mo lagi? Kalalaking tao e. O tao ka ba talaga? Kurimaw ka yata e."

"Itong gwapong 'to? Kurimaw? HAHAHA baka ikaw?" wala sigurong araw na hindi niya ako aasarin.

"Bwiset kaaa!"

"Gwapo naman"

"Wow lakas ng apog mo. Di ka ba nahihiya? Sabagay wala ka naman non e."

"Kanina ka pa ah! Tomboy ka ba?"

"Haneeep. Suntukin kaya kita? Tsh. Ano ba kasing plano mo?" tanong ko sakanya.

"Ako na bahala don. Tutulongan naman ako ng mga unggoy kong kaibigan. May practice tayo bukas diba? Yung oras ng practice ilalaan natin don. Sabado yun. Ikaw nalang bahala mag dala kay Irish sa lugar. Sasabihin ko nalang kung ano ang oras" Anito.

Sinabi niya pa ang ibang plano saakin.

Pagtapos namin ay nagpaalam na siya.

"Mauuna na ako. Tara na, hatid na kita. Medyo gabi na." sabi niya

"Umuna ka na. May dadaanan pa ako. Kaya ko naman, tsaka medyo malapit na din to sa bahay namin."

"Sige. Maraming salamat. Ingat."
Nginitian niya ako.

Tumango nalang ako sakanya at ngumiti rin.

Tiningnan ko siya hanggang siya ay makalabas sa pintuan.

Nagisip-isip muna ako.

Tama ba yung ginagawa ko? Mali too. At alam kung masasaktan ako ng sobra. Bat kasi ang rupok ko?

Maya-maya ay umuwi na rin ako.

-----------------------------

Hiiiii!

Chapter 9 is uup! Enjoy reading😘

Untold FeelingsWhere stories live. Discover now