Chapter 8:
Stephen's P.O.V
Tapos na ang lahat ng klase namin kaya naman hinanap ko yung dalawang mag kaibigan pero ang naabutan ng mga tingin ko ay si Irish na nagliligpit na ng mga gamit niya.
"Irish asan na si Chloe?" Tanong ko sakanya. Kami nalang ang nasa loob ng classroom.
"Diba may practice kayo ngayon? Andon na sa taas nauna na sa music room. Manonood nga sana ako sainyo ngayon kaso may pupuntahan kami ni Mommy e" Nanghihinayang na sabi niya. "Una na ako ah" Paalam niya sakin. Tumango nalang ako.
May galit ba sakin yon si Chloe? Kahapon pa ako nagtataka dun e. Bigla nalang akong iniwan kahapon. Pero napaisip ako dun sa huling sinabi niya kahapon. Ano aatras na ba ako? Wth!? Ako aatras? Damn! That wouldn't happen.
"Ano tutunganga ka nalang diyan? Sabihin mo lang okay lang sakin." Ang boses na yun ang nagpabalik sakin sa ulirat. Tiningnan ko lang siya. "Kanina pa kita iniintay dun sa may hagdan pataas sa music room pero wala ka parin kaya bumalik ako dito, at ayon nakatunganga ka. Ano napagisipan mo na bang aatras ka na? Ge" Tumalikod siya sakin kaya hinawakan ko agad yung braso.
"Walang pa kong sinasabi tumatalikod ka na agad." Depensa ko.
"K." Tipid na sabi niya. Kaya tumalikod ulit siya nagsimulang maglakad. Tingnan mo 'tong babaeng 'to! Mangiiwan nanaman. Kinuha ko na agad yung bag ko at sumunod sakanya.
Umakyat na kami papuntang music room.
Pag akyat namin nandon na si Ma'am Ellaine.
"Oh, andyan na pala kayo. Upo muna kayo" Ma'am. "Tungkol nga pala sa contest next week ng sabado ng umaga. Then since sabado naman bukas magpa-practice kayo pero hindi dito, kayo na bahala kung saan kayo. May tiwala naman ako sainyo na kaya niyo kahit wala ako aalis kasi lahat ng teachers bukas because of seminar. Kayo na bahala kung sino ang mag-gigitara at kakanta. Kayo na rin bahala sa kakantahin niyo pero ang suggest ko sainyo yung pwedeng makatawag pansin ng mga audience" Nakangiting paliwanag ni Ma'am. "Iwanan ko muna kayo. Magpractice na lang kayo dyan" Dagdag ni Ma'am at umalis na.
"Happier by Ed Sheeran" Chloe
"Ha?" Nagtatakang tanong ko.
"Yun nalang kantahin natin" Sabi niya.
"Sige. Sino mag-gigitara?" Tanong ko.
"Malamang pareho tayo para magandang tingnan tapos paghahatian natin yung lyrics yung iba akin yung iba sayo tapos meron ding linya sa kanta na sabay tayo." Pagpapaliwanag niya.
"Sige. Simulan na natin?" Tumango nalang siya at kinuha niya yung gitara niya na iniwan niya dito nung huling practice nila. Kinuha narin ni Chloe yung gitara niya at inabot sakanya ito.
Umayos na sila ng upo."Alam mo ba kung paano tugtugin ang Happier sa gitara?" Tanong ni Chloe
"Of course" Sabi ko. Minsan niya na ring itinugtog ito sa bahay nila.
"Sige. Paghahatiin muna natin yung mga lyrics pero sa chorus sabay tayo" Sabi ulit nito. At tumango nalang siya.
"Akin yung kauna-unahang pangalawang stanza tapos sabay na tayo sa pangalwang stanza sa susunod tapos sayo yung dalawang stanza na susunod and then sabay na tayo hanggang huli. Gets?" Nakuha ko naman agad yung sinabi niya kaya tumango nalang ako.
"Game" Sabi ko. Tumango nalang ulit ako.
"1...2...3 Go!" Pagbilang ko para makapag simula na kami.
Nagmasimula na kaming mag strum ng gitara at nakakatawa lang na sabay na sabay yung pag-strum niya sa pag strum ko kaya hindi masamang pakinggan.
Walking down 29th and park
I saw you in another's arm
Only a month we've been a part
You look happier
Tinitingnan ko si Chloe at nakita ko siyang nakapikit habang kumakanta
na damang-dama niya ang lirikong sinasambit niya. Pinapatuloy niya lang ang pagkanta ganun din ako sa pagi-strum.Saw you walk inside a bar
He said something to make you laugh
I saw the both your smile we're twice as wide as yours
Yeah you look happier, you do
Nag ayaos na ako at sinabayan siya sa chorus.
Ain't nobody hurt you like I hurt you
But ain't nobody love you like I do
Promise that I will not take it personal baby
If you're moving on with someone new
Nagpatuloy lang ako sa pagsabay sakanya at dinama ang bawat liriko ng kanta.
'Cause baby you look happier you do
My friends told me one day I'll feel it too
Until then I'll smile to hide the truth
But I know I was happier with you
Pinagpatuloy lang namin ang pag kanta. Maganda ang napili ni Chloe na kanta at mas gumanda iyon ng pagsamahin ang mga boses namin.
Bata palang ako mahilig na ako sa music. My dad is also love to play a guitar and my mom love to sing. Sa isang banda nagkakilala ang mga magulang ko so ayon sakanila ko ata namana 'to.
~~~~~~
Ayan na muna maikli lang muna😂 Otor loves you even if you're a silent reader😉💓 Always remember that😘
YOU ARE READING
Untold Feelings
Teen FictionChloe Sienna Ferriera. All she wanted was to make people happy. Kaya niyang magparaya at masaktan para sa taong mahal niya at sa best friend niya. Paano naman kung dumating ang oras na mapasakanya ang taong hinahangad niya? Tatanggapin niya kaya it...