Chapter 7:
Chloe's P.O.V
Ihahatid ako ni Daddy ngayon kasi napagdesisyunan ko na rin na wag muna akong mag drive ngayong araw na ito kasi feeling ko wala ako sa katinuan ngayon. Masyado akong lutang ngayon.
"Baby, we're here." Daddy
Kasi naman bakit siya pa? E si Irish yung gusto niya e.
"Chloe?" Sabi ni Daddy para bumalik ako sa ulirat.
"Yes daddy?" Sagot ko sakanya
"We're here at your school. Are you okay? Kanina ka pa tulala. Tapos namumutla ka pa. Okay ka lang ba o umamatake nanaman yung sak--" Pinutol ko ang sasabihin ni Daddy. Masyado talagang maaalahanin si Daddy pero natatakot lang siguro siya na nawala ako sa piling nila ni Mommy. Kahit alam namin na may nakalaan na oras para saakin.
"I'm okay dad. Don't worry. Bye Dad" Binuksan ko na ang pintuan para makalabas.
Tiningnan ko ang relo ko. Ang aga pa pala. Okay lang yun para makapa muni-muni muna ako. Dumiretso na ako sa classroom.
Parang may humaplos na nanaman sa puso ko ng makita ko si Stephen sa may pinto ng classroom namin. Nakasandal siya at naka headset at nakapamulsa siya na parang may iniintay. Baka iniintay niya si Irish. Hindi ko nalang siya pinansin.
Papasok na sana ako sa pinto ng classroom namin ng higitin niya ang braso ko.
Tiningnan ko siya at tinanong "Anong nanaman ang kailangan mo?"
"Ikaw." Nagulat ako sa sinagot niya.
Wag kang maging assuming masasaktan ka nanaman.
"Bakit? Ano? Diretsuhin mo na kasi." Baka mag-assume nanaman ako.
Pero alam ko na kung bakit niya ako kailangan. Alam na alam ko.
"Papatulong ako sayo. Para kay Irish. Seryoso ako." Anito.
"Bakit ako? May dalawa ka namang kaibigan diba?"
"Per---" Pinutol ko ang sasabihin niya.
"Okay. Pagkatapos ng paractice natin sa music room sabay na tayo ng pumunta sa starbucks dun natin pag usapan kung anong gusto mong gawin ko." Walang emosyong sabi ko at nilagpasan siya. Dumiretso nalang ako sa upuan ko.
Tutulungan ko siya. Ayokong imaging madamot. Marami na rin ang nagawang mabuti sakin si Irish kaya siguro panahon na para suklian yon. Deserve naman nila ang isa't isa kaya ayokong hadlangan yon kahit alam kong masasaktan ako dito. Pipigilan ko nalang tong nararamdaman ko, madali lang siguro 'to.
"Hoy. Okay ka lang?" Nabalik ako sa ulirat ng tawagin ako ni Irish.
Tumango naman ako.
"Ba't ang tamlay mo?" Tanong niya habang hinihipo ang leeg at noo ko. "Hindi ka naman mainit"
"Okay lang ako. May iniisip lang" sabi ko.
"Ah okay. Akala ko kung ano na e." Sabi niya. Nginitian ko nalang siya
Dumating na ang teacher namin.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
Class Dismiss.
Lunch na pero wala ako sa mood kumain. Ewan ko kung ano nangyayari sakin. Tss.
"Chloe, tara na. Kain na tayo. Sabay nalang ulit tayo kina Stephen" Nakangiting sabi ni Irish.
"Ikaw nalang. Gusto ko muna pumuntang garden" Sabi ko sakanya.
"What? Is there something wrong? Are you mad at me? Are you avoiding me?" Malungkot at malumanay na sabi niya.
"No. It's not that. I just want to be alone" Sabi ko sakanya at ngumiti na nagbibigay sa kanya ng kasiguraduhang hindi ako nag sisinungaling. Yung ngiting totoo.
"Okay." Sabi niya. "Una na ako" Sabi niya at umalis na.
Nagsimula narin akong maglakad papuntang garden.
Nang makarating ako dun ay umupo ako sa tambayan ko don
"Dito ka talaga tumatambay pag marami kang isipin 'no?" Halos mapatalon ako sa nagsalita sa likudan ko.
"WAAAAAAA---" Pinutol niya ang pag sigaw ko.
"Shhh! Ang ingay mo akala mo naman wala nang bukas kung makasigaw ka." Sabi niya.
"Ang ayaw ko sa lahat ginugulat ako dahil pwedeng maapektuhan ang..." Di ko na tinuloy ang sasabihin ko. "Sino ka ba kasing lalake ka?" Sigaw ko sakanya. Nginisihan niya lang ako.
"Classmate mo ko" sabi niya. "Knight Clifford" pakilala niya pa.
"Hindi naman kita napapansin sa classroom ah?" Takang tanong ko.
"May iba ka lang kasing pinagtutuunan ng pansin mo kaya hindi mo ko napapansin" Anito.
"Whatever" sabay irap sakanya.
"Ba't dito mo naiisipan tumambay pag may iniisip ka?" Tanong niya.
"Kasi nakakapag-isip ako ng maayos pag nakakakita ako ng mga puno at mga bulaklak at nakakaamoy ng sariwang hangin. Nature lover kasi ako. Bakit mo alam na nandito ako pumupunta pag marami akong isipin?" Sabi ko.
"Kasi nakikita kita dito palagi. May tambayan di ako dito." Sabay turo niya sa may kaduluhan ng garden sa may bench.
Magaling ka pumili ng tambayan ah?" Sabi ko. Ngumisi lang siya.
Biglang kumulo ang tyan ko. Gutom na ako. Di pa pala ako kumakain.
Gumawa si Knight. Pag tingin ko sakanya may kinuha siya sa bulsa niya at binigay sakin. Isang kahon ng Pepero.
"Kainin mo yan. Payat ka nga, nagpapagutom ka pa." Sabi niya at tumayo na at umalis na humahalakhak.
Kinain ko nalang ang Pepero. Nang maubos ko ito ay lumakad na ako papuntang canteen baka nadoon na sina Irish.
Malapit na ako sa canteen ng makita ko si Irish at Stephen palabas ng canteen na nagtatawanan.
May kumirot sa dibdib ko. Umiling nalang ako at dumiretso sa classroom.
~~~~~~~
Kyut ng otor niyo sexy pa haha ang umangal sasapakin ko juk lang😂
Ayan na Chapter 7 is up!
Enjoy Reading😘❤
YOU ARE READING
Untold Feelings
Teen FictionChloe Sienna Ferriera. All she wanted was to make people happy. Kaya niyang magparaya at masaktan para sa taong mahal niya at sa best friend niya. Paano naman kung dumating ang oras na mapasakanya ang taong hinahangad niya? Tatanggapin niya kaya it...