PROLOGUE

80.2K 1K 160
                                    

Pagod na pagod na ako pero kailangan ko pa ring tumakbo dahil kung hindi maaabutan nila ako. At lintik lang ang walang ganti kapag naabutan ako ng mga yon. Nanginginig na ang tuhod ko. Anumang sandali, bibigay na ang mga ito. Tuyung-tuyo na rin ang aking lalamunan. Uhaw na uhaw na ako. Malayo pa ang amin.

Gusto ko mang tawagan si Mama at magpatulong, hindi puwede. Ayaw kong madamay siya. Ayaw kong pati ang nanay ko ay pag-initan nila. Natatakot ako sa maari nilang gawin sa kanya.

Lumingon ako saglit at nakita kong ang lapit-lapit na ni Hiroto at kabuntot niya si Keisuke. Kahit nagpaikot-ikot ako sa shotengai (market) at sadya kong tinulak ang isang karton ng kamatis at carrots sa daraanan ng bike nila para kahit papano'y maantala ang paghabol nila sa akin, wala pa rin iyong saysay. Hindi ko na alam kung saan ako magtatago. Nasa kalye na kami. Ang bilis-bilis nilang magbisikleta. Kahit ako pa ang pinakamabilis tumakbo sa track and field team namin, wala pa rin akong panama sa kanila.

Ilang dipa na lang ang layo ko sa mga naghahabol sa akin. Tiyak na maaabutan na nila ako. Napapikit ako saglit at napausal ng maikling dasal. Kaya napamulagat ako nang makarinig nang biglaang pagpreno ng sasakyan malapit sa akin. Isang kulay itim na Bugatti Veyron Super Sport Car. Bumukas ang pinto sa bandang passenger's seat nito sa harapan at nakita ko si Ryu. Sinenyasan niya akong sumakay. Hindi na ako nag-isip pa. Bago nito pinaandar ang kotse, dumungaw muna siya sa bintana at sinigawan ang humahabol sa akin bago binigyan ng dirty finger. Humalakhak pa ito bago kami lumayo.

Nun lang ako nakahinga nang maluwag. Hawak-hawak ko ang dibdib, sige pa rin ang tambol nito, nagpasalamat ako sa rescuer ko. Hindi siya kumibo, sa halip, inabot nito sa akin ang bote ng Suntory. Naubos ko ang laman ng 12-ounce na bote. Pakiramdam ko, iyon na ang pinakamasarap na mineral water na aking natikman.

"Ang yabang mo rin, ano? Akala mo dahil matulin kang tumakbo, kaya mo silang lusutan? Hindi ka nag-iisip. Palibhasa ang bobo mo," ang sabi nito nang humupa na ang kaba ko.

"Nagsalita ang matalino," asik ko sa kanya.

Hindi niya pinansin ang sarcasm ko. "Jitensha wa doko? (Asan ang bike mo?)"

"Wala na," malungkot kong sagot.

"Anong wala na?" at sumulyap siya sa akin bago binalik ang atensyon sa daan.

"Sira na. Wala na ang mga gulong nang puntahan ko kanina sa parking lot," malungkot kong sagot.

"Hindi ka kasi nag-iingat."

Nagpanting ang tenga ko. Ako pa ang sinisisi niya ngayon?

"Kahit mag-ingat man ako, sa dami nila, kaya ko ba sila?" galit kong sagot sa kanya. "Ikaw ang may kasalanan nito, e."

"Ooopps, baka nakakalimutan mo? Sino ba ang naunang manggulo ng buhay ng may buhay? Tahimik ang buhay ko bago kayo dumating ng mama mo. Kaya huwag na huwag mong ibalik sa akin yan. Why don't you just go back to where you belong nang matapos na ang lahat?" sigaw nito sa akin.

Inirapan ko siya. Wala akong panalo sa damuhong ito. Pero nagpapasalamat din ako dahil dumating siya at niligtas niya ako sa kapahamakan. Strange. Lagi na lang siyang nandyan pag kailangan ko. Parang ang hirap paniwalaan. Pero saka ko na iisipin yon. Ang mahalaga, ligtas ako pansamantala kina Keisuke at Hiroto.

THE CHARACTERS:

Ryu

Baseball star at lider ng Bandage, isang popular boy band sa school namin. Guwapo, mayaman at habulin ng mga babae. Maraming nagsasabi na kamukha niya si Jin Akanishi noong Kattun days nito. Pero sa tingin ko mas guwapo si Ryu.

Keisuke

Mortal na kaaway ni Ryu simula pa noong shogakkō (elementary) days nila. Pambato ng eskwelahan namin sa swimming competition. At hindi lang guwapo at mayaman, matalino rin. Kamukhang-kamukha niya si Haruma Miura kaya crush ko siya.

Minami

Siya ang cheerleader namin. Part-time model, part-time actress. Palaging class muse at pambato ng school sa mga beauty pageants. Matagal na siyang may crush kay Ryu. At alam ng lahat na walang pwedeng lumapit kay Ryu hangga't gusto niya ito.

Mara

Ako yan. Isang transferee from the Philippines. Nalipat sa Sakura High School dahil nakapag-asawa ng negosyanteng Hapon ang Mama ko. Isa rin akong atleta - miyembro ng track and field namin. Ako ang babaeng labis na kinasusuklaman ni Minami. Pati si Keisuke at Ryu galit sa akin. Wala naman akong ginagawang masama...

A/N: SI Jin Akanishi ang dating miyembro ng KATTUN na gumanap sa papel ni Hayato Yabuki sa Gokusen 2 (Japanese Drama).


YUUKI NO HANA BOOK 1 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon