Chapter One - Rotten

32.1K 778 133
  • Dedicated kay Juvy Artes
                                    

        Bastos. Walang modo. Rotten bastard. Ganun ang impresyon ko kay Ryu. Naisip ko, hinding-hindi ko ito magiging kaibigan o makakasundo man lamang.

         He never pretended that he liked us. Ramdam ko kaagad ang resentment niya unang gabi pa lang namin sa Japan. Hindi siya sumama kay Otōsan (Tatay) na sumundo sa amin. Hindi rin siya umuwi nang gabing iyon kaya sa school kami unang nagkita, halos isang linggo mula nang dumating kami.

         Stepfather ko si Otōsan,  pangalawang asawa ni Mama. Tiyuhin naman ito ni Ryu, nakakatandang kapatid ng ina. Kaya buong-buo kong natanggap si Otōsan ay dahil siya ang kaunaunahang lalaking nagpasaya muli kay Mama pagkatapos mamatay ng tunay kong ama sa isang ambush sa Mindanao. Sundalo kasi si Papa. Ten years ding pinagluksa ng mama ko ang pangyayaring yon na nagpabago sa buhay naming mag-ina.

         Hinatid ako ni Mama at ni Otōsan sa bago kong school, ang Sakura Senior High School. Pinuntahan namin si Ryu sa field kung saan nagpa-practice ang team niya ng baseball. Tinawag siya ng uncle niya.

          "Ryu-kun! Chotto oide. (Ryu, 'lika ka nga sandali.)." Kumaway pa si Otōsan sa kanya. Hindi niya ito pinansin. Sige siya sa pagpapraktis ng kanyang pitch. Nang kausapin ng coach, tumigil nga sa ginagawa pero sa halip na pumunta sa amin ay lumabas ito ng field at nilampasan lang kami.

           "Ryu!" habol pa sana ng stepfather ko pero di man lang ito lumingon. Hiyang-hiya sa amin si Otōsan. Humingi siya sa amin ng paumanhin.

           Kung saan pumunta si Ryu, di namin alam. Dapat daw ay may praktis pa ito ayon sa coach. Pero mukhang wala na itong balak bumalik.

          "Hayaan na lang muna natin ang bata," sabi ni Mama kay Otōsan habang ngumingiti. Alam ko na pinipilit lang niya na magmukhang okay lang ang lahat para di masyadong mag-alala ang asawa. Pero kilala ko siya. Alam kong nasaktan ito. Naasar tuloy ako kay Ryu.

         Nang pabalik na ako sa classroom namin, nakita ko siya uli. Paakyat ng second floor. Nag-atubili akong tawagin siya. Buti nga hindi ko tinawag dahil mayamaya pa ay nakita ko itong bigla na lang nanipa ng estudyanteng nakaupo sa hagdanan habang nagbabasa ng manga. Tumalsik ang makapal na eyeglasses nung bata. Hindi pa nakuntento dun. Tinulak pa ang nakasalubong na binatilyo. Hindi man lang nag-react ang dalawa. Umiwas lang. Parang takot.

         Siga. Yon kaagad ang naisip ko. Sayang dahil kung di sana barumbado, may hitsura. Kahawig niya ang paborito kong Kattun member na si Jin Akanishi. Mas guwapo pa nga siya nang kaunti at mas matangkad. Kaso, sa pinakita nitong kagaspangan ng ugali, never ko itong magugustuhan. As in never ever!

        Medyo nahihiya pa ako nang pumasok ng room. Pinagtitinginan kasi nila ako. Hindi pa ako nakauniporme. Naiiba ang hitsura ko sa lahat. Ako lang ang may maitim na mahabang buhok. Lahat sila may kulay, kundi brownish, blonde.  Ang haba pa ng skirt ko. Kahit a little above the knee, parang sobra pa rin ang haba kung ikompara sa mga skirts nila na halos panties lang ang kayang itago. Nagmukha tuloy akong manang. Ganun din ba ang isusuot ko? Parang hindi ko kaya. Mahilig pa naman akong tumuwad.  

       "Minna-san, shizuka ni kudasai. Kyou wa atarashii gakusei ga imasu. (Class, please be quiet. Meron tayong bagong estudyante ngayon)," anunsyo ng homeroom teacher namin. Siya si Tanaka-sensei. Mukha siyang mabait kaya nakagaanan ko agad ng loob.

       Tinawag niya ako na pumunta sa harap para magpakilala. Medyo atubili akong lumapit sa kanya kasi nakatingin na sa akin ang mga kaklase ko. Parang sinusukat nila ang pagkatao ko.

       "Minna-san, ohayoo gozaimasu. Watashi wa Mara desu. Firipin kara kimashita. (Magandang umaga sa lahat. Ako si Mara. Galing akong Pilipinas.)," pagpapakilala ko. Ang kasunod nun ay English na. Wala akong confidence na magpatuloy in Japanese kahit na kayang-kaya ko naman. Nag-aral ako ng halos dalawang taon sa Manila bilang preparasyon sa paglipat namin sa Japan. Kaso, nahihiya lang talaga ako. Baka mali-mali ang pagbigkas ko ng mga salita nila at pagtawanan nila akong lahat. First impression lasts daw e. Nang matapos ako sa pagpapakilala ay yumuko ako nang bahagya sabay sabi ng "Yoroshiku onegai-shimasu. (Please be good to me.)"

YUUKI NO HANA BOOK 1 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon