A/N: Sa mga nagrequest ng special chapters, heto na ang una. Karugtong to ng Chapter Twenty, pagkatapos ng aksidente at bago ang mga pangyayari sa Epilogue.
*****************************
Anim na linggo akong di nakapasok sa eskwelahan. Pinayagan naman ako ni Kochō-sensei dahil may sapat namang dahilan kung bakit. At dahil paika-ika pa rin ang lakad ko kahit wala nang crutches, hindi pa rin ako nakakapagbisekleta. Nung una, minungkahi ko kay Mama na mag-bus na lang ako papuntang school pero di pumayag si Ryu. Mahirap daw dahil malayo ang bus stop sa eskwelahan. Tiyak daw na mahihirapan ako masyado. Kaya humingi siya ng permiso sa prinsipal na pumasok kaming nakakotse. Pumayag naman ito.
Kahit ilang linggo nang kami na ni Ryu, naaasiwa pa rin ako minsan kapag kaming dalawa lang sa kotse. Hindi pa rin naaalis ang kaba ko at pagiging conscious sa presence niya. Ewan ko ba. Sadyang malakas lang siguro ang dating niya sa akin.
Tulad ngayon. Habang katabi ko siya. Nandun na naman ang di ko maipapaliwanag na excitement. Kahit alam kong mutual na ang feelings namin, hindi pa rin humupa ang kilig sa tuwing kasama ko siya.
Nang maging pula ang traffic lights, naramdaman kong pasimple niyang ginagap ang isa kong kamay. Napatingin tuloy ako sa kanya. Kunwari naman siyang nakatitig sa highway habang nakapatong ang isang braso sa manibela. Napangiti ako. Kunwari pa siya.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" narinig kong tanong niya. Nang tumingin ako sa kanya, di naman siya nakatingin sa akin. Nasa highway pa rin ang atensyon. Pero nakita niya akong ngumiti? Sigurado akong nakatitig siya sa akin kapag di ako nakatingin.
"May naalala lang ako," pagsisinungaling ko. At lalong lumapad ang ngiti ko.
"Care to share it with me?"
"Wala. Di naman importante," tanggi ko.
"Sinungaling," maikling sagot niya. Tumingin sa akin saglit. "Di ka naman ngingiti ng ganyan kung walang magandang dahilan."
"Mukhang alam mo naman pala e. Ba't ka pa nagtatanong?" pamimilosopa ko.
"Wala lang. Tinetest lang kita."
Mayamaya pa, naging berde na ang traffic lights at pinaandar na niya ang kotse. Pero nakahawak pa rin ang isa niyag kamay sa kamay ko.
"Ryou te de untenshite (Gamitin mong dalawang kamay sa pagmaneho). Abunai yo (Delikado)," utos ko sa kanya. Na sinunod naman niya nang walang reklamo. Hindi na nagsalita pa.
Nakaramdam ako ng pride na kayang-kaya ko nang utusan ang mokong. Pinapakiramdaman ko siya at tinititigan from my peripheral vision. Ang guwapo niya talaga. Minsan, ang hirap paniwalaan na gusto din niya ako.
Napahilig ako sa balikat niya. Tumingin siya sa akin sandali at hinagkan niya ang buhok ko. Naipatong ko tuloy ang isang kamay sa ibabaw ng kanyang hita.
"Alisin mo nga yan dyan," utos niya sa mahinang boses. Parang paanas. Napaupo tuloy ako ng deretso. Nabigla. At pinamulahan ako ng konti dahil sa pagkapahiya.
"Abunai kara (Delikado)," sabi niya na may ibig pakahulugan.
Nang ma-realized ko ang ibig niyang sabihin, lalo akong pinamulahan at nahampas ko siya sa balikat nang pabiro. Ang bastos talaga nito!
Napatawa ito nang mahina. Kinilig naman ako.
Iilang kotse pa lang ang nakaparada sa parking lot nang dumating kami. Kilala namin lahat liban sa isa. Nakita kong napakunot-noo si Ryu. Tingin ko, kilala niya ang may-ari ng kotseng yon.
BINABASA MO ANG
YUUKI NO HANA BOOK 1 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)
Teen FictionTransferee at nag-iisang Pinay na estudyante si Mara Santacruz sa Sakura High School na matatagpuan sa Osaka, Japan. Dahil magkakilala ang mga estudyante roon simula ng sila'y nasa elementarya pa lamang, outcast ang turing nila kay Mara. Lagi na lan...