For the first time, pinagbawalan ni Otōsan si Ryu na lumabas nung Sabadong yon. Kami rin ni Mama ay pinagsabihan na huwag na huwag daw umalis ng bahay. Nagtaka tuloy kami. Anong nakain ni Otōsan at parang bigla-bigla ay sobra itong naging istrikto? Buwisit na buwisit tuloy si Ryu dahil may usapan sila ng ka-banda na magpa-praktis sa bahay nila Hayato. Gusto nga sanang tumakas. Kaso nga lang may tinalagang security ang stepfather ko na magbabantay sa aming tatlo. Kaya hindi natuloy ang pag-eskapo niya. Ang weird ni Otōsan.
"Ano po bang nangyayari, Mama?" takang tanong ko. Napailing-iling lang si Mama. Mukhang nag-aalala. Tumingin na naman ito sa malayo. At parang iiyak na. Nabahala ako.
"Bakit po?" kinakabahan kong tanong.
Napahikbi na siya. Nataranta ako. Ano bang nangyayari? May di kaya sila pagkakaunawaan? Tungkol kaya yon sa nakita ko nung isang linggo sa Umeda?
Niyakap ko siya. Hindi na ako nagsalita.
"Nagbago siya," sabi ni Mama na parang nagsusumbong. Bumilis na ang tibok ng puso ko. Ito na nga ang ikinatatakot ko. "Ang weird niya lately. Lagi na lang siyang ginagabi na hindi nagpapaalam sa akin. Tapos may nakakita pa sa kanya na kasama ang babaeng yon," at humagulgol na ito.
Dios ko! Napaluhod ako sa harap niya. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. At sinusubukan ko siyang aluin. Pero lalo lamang lumalakas ang hagulgol niya. Natatakot na ako.
"Ma," garalgal na rin ang boses ko.
Minsan ko lang nakitang nagkaganito ang nanay ko. Yon ay nung nabalitaan naming namatay sa ambush sa Patikul, Sulu si Papa. Kaya alam kong kapag nagkakaganito siya ay talagang seryosong bagay ang dahilan.
"Hindi ko alam ang gagawin ko, anak. Pasensya na kung nagkakaganito si Mama. Mabigat lang talaga ang loob ko," sabi uli nito habang sumisinghot.
Binigyan ko siya ng tissue. Tsaka tumayo ako at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng isang basong tubig. Dinala ko yon sa living room.
"Uminom muna kayo ng tubig, Ma."
Kinuha niya ang baso ng tubig. "Salamat, anak."
Medyo kumalma na siya kahit papano. Tumayo siya at nagsabing pupunta lang ng kuwarto. Magpapahinga.
Sinundan ko siya. Nang makahiga na ng kama, tinabihan ko. Niyakap. Hindi ako nagsalita. Gusto ko lang ipaalam sa kanya na kahit anong mangyari kasama niya ako. Karamay niya ako. Nang maramdaman kong tulog na siya, saka ako dahan-dahang lumabas ng kuwarto.
Nakasalubong ko si Ryu sa hagdanan. Pababa siya samantalang paakyat naman ako. Parang nagmamadali ito.
"San ka ba galing?" asik nito agad sa akin.
Nabigla naman ako. Ano naman ang drama nito.
"Sinamahan ko muna si Mama sa kuwarto nila e. Bakit ba? Saan ka pupunta?" takang tanong ko. Nakabihis kasi.
"Tumawag si Ojisan sa akin kanina. Magbihis daw tayong tatlo. May susundo sa atin. May pupuntahan ata tayong function o whatever. They will be here any moment from now."
"Ha? Papano yan? Kakatulog lang ni Mama. At hindi pa ako nakaligo. Ba't di mo ko sinabihan agad?" inis kong asik sa kanya.
"Kanina pa kaya kita hinahanap. Tinawagan pa nga kita sa cell phone mo di ka naman nagre-respond. Tapos ako pa itong sisisihin mo."
BINABASA MO ANG
YUUKI NO HANA BOOK 1 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)
Ficção AdolescenteTransferee at nag-iisang Pinay na estudyante si Mara Santacruz sa Sakura High School na matatagpuan sa Osaka, Japan. Dahil magkakilala ang mga estudyante roon simula ng sila'y nasa elementarya pa lamang, outcast ang turing nila kay Mara. Lagi na lan...