Special Chapter Two - Jealous

14.4K 388 17
                                    

      Kahit alam kong magkaibigan lang sina Yukiko at Ryu, di pa rin maalis sa isipan ko ang mag-alala sa tuwing magkasama sila. Iba kasi ang rapport nilang dalawa. Nakakainggit. Di ko pa rin talaga maiwasang magselos. Tulad ngayon. Dahil dumating ang babaeng yon mula sa Amerika, mag-aalas dose na wala pa rin ang mokong. Nakakaimbyerna. Ni hindi rin siya nakaalalang magtext. Palagay ko nawili na naman yon sa kaibigan.

      Paika-ika akong lumabas ng kuwarto ko. Binuksan ko ang sliding door na nagkokonekta sa balkonahe. Kailangan ko ng preskong hangin. Nababaliw na ako sa kakaisip kung nasaan na ang damuhong yon at kung anu-ano na ang pinaggagawa. Hay sana, sa labas sila nag-good time at hindi sa mansion (condo) ni Yukiko. Natatakot kasi ako e. Baka sa kalasingan, makalimot sila pareho. Pilit kong winawaksi yon sa isipan. Ano ba naman ang mga pinag-iisip ko.

      May narinig akong tunog ng kotse sa di kalayuan. May dumating. Si Ryu na siguro yon. Pero bakit nakakotse? Ang alam ko big bike ang gamit nun kanina.

      Kailangan ko nang bumalik sa kuwarto ko. Ayaw kong maabutan niya ako sa balkonahe. Baka isipin nun na inaabangan ko talaga ang pagdating niya. At mag-conclude na patay na patay ako sa kanya kaya ako nag-aalala ng sobra.

      Kahahawak ko pa lang sa sliding door nang marinig kong may tumatakbo paakyat. Shit! Andyan na nga siya. Pag pumasok ako, maaabutan niya ako sa may puno ng hagdan. Dito na lang muna ako. Isinara ko ang pinto at pumuwesto sa pinakasulok ng balkonahe. Tingin ko di na niya ako makikita sa kinaroroonan ko ngayon.

      Napapikit ako nang maramdamang may nagbukas ng sliding door.

      "Hey. Ano'ng ginagawa mo dito?" narinig kong tanong ng pamilyar na boses. Bwisit! Nakita pa rin ako ng damuho.

       Nagkunwari akong nabigla. "Oy, ikaw pala."

       Lumabas na rin siya at lumapit sa akin.

      "Inaabangan mo ba ako?" tanong nito. Parang tinatantya ako.

      "Hindi no!" tanggi ko agad. "Nagpapahangin lang ako. Mainit kasi sa loob," pagsisinungaling ko.

      "Ba't di mo buksan ang aircon?" sagot naman niya.

      "Mas gusto ko ang fresh air," pangangatwiran ko naman.

     "Pasado alas dose na. Nasa labas ka pa. Hindi maganda sa yo ang nagpupuyat. Dapat nagpapahinga ka na," sabi uli nito.

      Nagpanting ang tenga ko. Hinarap ko siya. At naamoy ko ang amoy-alak niyang hininga. Lalo akong nainis.

      "Alam mo naman palang pasado alas dose na e! Ba't ngayon ka lang?" inis kong tanong. "Amoy alak ka pa!"

      "Inaabangan mo nga ako," sabi nito sa tonong siguradung-sigurado.

      Natigilan ako. Ipinagkanulo ako ng aking reaksyon. Nakakainis naman. Gusto kong kutusan ang sarili. Pero huli na para bawiin ito.

      Tinitigan niya ako. "Kaya ka ba nagpuyat dahil inabangan mo pa talaga ang pagdating ko?" tanong uli nito nang hindi ako nakasagot.

      "Amoy alak ka. Uminom ka na naman," sabi ko na lang. Pero mahina na ang boses ko. Shit! I sounded like a nagging wife. Sana hindi na lang ako sumagot.

      "Ngayon naman naninita ka dahil nakainom ako ng konti. Hindi pa nga tayo mag-asawa nina-nag mo na ako," sagot naman niya..

      Namula ako. Lalo pa't hindi ngumingiti o ano pa man si Ryu. Pero pinangatawanan ko na ang mga sinabi. Pinatatag ko ang kalooban. Bahala na siyang magalit. Kailangang may umawat sa mga pinaggagawa niya. Di naman puwede na kada dating dito ni Yukiko ay magpapakalunod siya sa kalasingan.

YUUKI NO HANA BOOK 1 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon