Ang aga kong nagising nang Linggong yon. Maaga daw ang umpisa ng baseball game sa Koshien stadium. Bawal ang late. Sabay-sabay daw kasi kaming papasok patungo sa aming designated cheering area. Dun na raw ipamimigay ang pahabang pinkish baloon na iwawagayway namin para suporta sa Sakura Senior High School team. Mapusyaw na pink ang kulay nun kasi yon ang kulay ng sakura o cherry blossom kung saan hinango ang pangalan ng aming eskwelahan.
Excited ako. Yon ang kauna-unahan kong pagkakataon na makapanood ng Japanese baseball game. Basi sa usap-usapan ng mga tao sa paligid, big deal talaga sa kanila ang yakyu (baseball). Kaya kahit friendly game lang andaming tao. Tila lahat ng tao sa Osaka nagtipon sa stadium.
Nang lumabas na ang Sakura Senior High School team nag-ingay ang area namin. Winagayway ng lahat ang pinkish balloon. Nalungkot ang lahat nang ipakilala na ang mga manlalaro. Wala ang star pitcher namin. Wala si Ryu.
Hinanap-hanap ko siya sa crowd. Kanina kasi nang umalis ako ng bahay, wala na siya. Kaya inisip ko na sa stadium din ang punta niya. Pero ni anino niya di ko nakita. Medyo nag-aalala na ako kasi alam ko kung gaano ito kaimportante sa kanya. Tempted na nga akong mag-text. Kaso, ano naman ang sasabihin ko? Baka magmumukha lang akong naghahabol.
Dismayado kaming lahat. First inning pa lang, nagkakalat na pitcher namin. Hay, buhay! Ang sabi nga nila Haruka parang hindi ito ang team na tumalo sa Meiji High noong Marso. Apektado talaga lahat dahil wala si Ryu.
Sinilip ko ulit keitai (cellphone) ko. Wala pa ring text o call mula kay Ryu. Ba't ka naman ite-text o iko-call? Malamang busy yon sa kaka-emote. Parang wala na akong ganang patapusin pa ang laro.
Nang last inning na, parang nahagip ng tingin ko si Ryu sa may entrance ng stadium. For a few seconds, parang nakita ko siya. Kaya nga napatayo pa ako. Pero bigla din itong naglaho sa paningi ko. Siya kaya yon? Kating-kati na talaga ang kamay kong i-text siya.
Wala nga kaming nagawa sa team ng Meiji Senior High. Nilampaso ang aming koponan. Nalungkot hindi lang taga-Sakura Senior High School kundi buong Osaka-jin (Osaka people) na nanood ng laro. Naiiyak ang ibang diehard fans. Pati kami ni Haruka. Nagyakapan na lang kaming dalawa.
Habang lahat ay nagluluksa, nahagip ng tingin ko ang nakangising si Keisuke. Parang gusto ko siyang lapitan at sipain. Demonyo na talaga ang tingin ko dito. And to think na dati ko siyang crush. Naaalibadbaran na ako ngayon kung maalala ko ang kabaliwan kong yon.
Nauna na ako kay Haruka. Hindi ko na kayang tumagal pa sa stadium. Gusto ko nang umuwi. Hindi naman ako pinigilan. Hindi kasi siya makakaalis agad dahil part siya ng committee na magko-collect ng basura sa area namin. Palabas na ako ng stadium nang bigla akong hinarangan ni Keisuke.
“How does it feel? Natalo ang team ng boyfriend mo?” nakangisi ito. Kahit guwapo pa rin, nag-iba na ang tingin ko dito. Para na siyang si Lucifer. Nakakabwisit siya!
Hindi ko siya sinagot. Grabe ang pagpipigil kong hwag siyang patulan. He went out of his way pa para asarin ako. At parang di siya taga-Sakura Senior High. Nakakagigil siya.
“Wala naman pala silang binatbat e. Puro dada lang pala,” at tumawa pa ito ng nakakaloko. Tinapunan ko siya ng masamang tingin.
“Alam mo, for a gaijin (foreigner), ang tapang-tapang mo. Hindi ka pa kasi naturuan ng leksyon,” may himig-pagbabantang sagot nito sa pag-irap ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
YUUKI NO HANA BOOK 1 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)
Genç KurguTransferee at nag-iisang Pinay na estudyante si Mara Santacruz sa Sakura High School na matatagpuan sa Osaka, Japan. Dahil magkakilala ang mga estudyante roon simula ng sila'y nasa elementarya pa lamang, outcast ang turing nila kay Mara. Lagi na lan...