Chapter Nine - Frigid

16.6K 547 62
                                    

      Nairaos namin ang partisipasyon ng class sa Parents-Teachers's Day program. Nakita ko sina Mama at Otōsan sa audience. Proud na proud sila sa aming dalawa ni Ryu. Nang matapos na ang number namin, pumunta na ako sa kanila at naging part na ng manonood. Nagpalinga-linga ako. Hindi ko makita si Ryu. Saan na naman kaya nagpunta ang lalaking yon? Ni hindi man lang nag-hi kina Otōsan. Kung sa bagay, ano pa nga ba ang dapat kong i-expect dun?

      Mayamaya ay napatingin ako sa stage dahil medyo nag-iingay ang mga katabi kong estudyante. Nang bumukas ang curtain, sigawan na halos lahat. Kinikilig ang mga girls. Yong ibang bata-batang parents ay nakisigaw na rin.

      Nakayuko ang limang miyembro ng banda. Lahat naka-baggy pants at naka-itim na sweater na may hood. May nakasulat na Bandage sa harap ng sweater ng bawat isa. At halos pare-parehas din ang istilo ng buhok. Medyo mahaba na tumitikwas sa gilid. Parang tulad ng kay Jin Akanishi noong Kattun days nito.

      Parang pamilyar sa akin ang nasa gitna na may hawak ng electric guitar. Ito ang pinakamatangkad sa lahat. Nang mailawan na ay saka ko lang nakilala. Si Ryu! Napakurap-kurap ako. Hindi makapaniwala. Pero siya talaga.

      “Ryu! Ryu!” Sigaw halos ng lahat ng mga babaeng nandoon. Kinikilig sila. Panay flash ng camera. Andaming kumukuha ng pictures at video. Wala naman akong nakikitang reaksyon kay Ryu. Maging sa ibang ka-banda. Seryoso ang mukha nilang lahat.

      Pumailanlang ang pamilyar na tono. Yuuki no Hana ng Kattun! Si Ryu ang kumanta ng part ni Kazuya Kamenashi. Grabe. Ganda pala ng boses ng kumag. Hindi ko ever naisip na may 'k' itong kumanta. Akala ko lang pandagdag lang sa image ang pagkanta-kanta niya tulad ng mga nakikita kong boy bands na kumakanta sa mga train stations. Na puro porma lang, boses-palaka naman.

      Gosh! Parang tatalon ang puso ko. Parang di ako mapalagay sa upuan sa nararamdamang kakaibang pride na kilala ko siya. Nahihiya lang akong makisigaw gaya ng ibang babae sa tabi ko dahil nahihiya ako kina Mama at Otōsan.

       Nang matapos ang performance, saka palang pinakilala isa-isa ang band members ng Bandage. Si Ryu pala ang lead vocalist nila. Kaya naman pala andami nitong admirers sa school.

       Nagrequest pa sana ng isa pang kanta ang mga manonood pero di sila pinaunlakan ng banda. Naku, si Ryu pa! Hindi yon madidiktahan. Wala yong pakialam sa paligid niya. Napangiti na lang ako ng lihim.

       Ramdam ko rin na proud sina Otōsan at Mama sa pinakita ni Ryu. Lalung-lalo na ang stepfather ko. Tumayo pa nga ito at kinuhanan ng video ang grupo habang kumakanta.

       Nang tapos na lahat hindi muna hinayaang lumabas ang mga manonood dahil may announcement pa ang Kōchō-sensei (principal) namin. Nagtaka kaming magkaklase dahil lumabas sa stage si Minami. Naka-strapless long gown ito.

       Nagpalakpakan ang lahat nang marinig na na-qualify si Minami sa Miss Osaka Pageant, kung saan ang mananalo ay lalahok sa taunang Miss Japan. Kapag tinanghal na Miss Japan, ito na ang magiging representante ng bansa sa Miss Universe.

        Aminado akong medyo nainggit ako dun. Kung bakit kasi five feet four inches lang ako. Disin sana'y sumali din ako sa mga beauty contest. Iba na talaga ang matangkad.

        Hinanap ko si Ryu nang makalabas na ng Theater. Ni anino nito'y di ko pa rin nakikita. Kakainis. Iko-congratulate ko lang naman sana sa maganda nitong performance at siyempre magpapasalamat din ako sa tulong niya na mairaos ang number ng klase namin. Kaso wala talaga.

        Lumapit ako sa pinagkakaguluhan ng mga girls. Akala ko si Ryu. Si Keisuke lang pala. As usual, nagpapakita na naman ng abs. Kung dati, impressed na impressed ako, nagbago na ang tingin ko sa kanya simula nang lokohin niya ako. Ang kapal ng mukha niya!

YUUKI NO HANA BOOK 1 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon