Chapter Four - Charade

17.8K 620 136
                                    

Author's Note:  This chapter is dedicated to Ryu amd Mara's number one fan, @mikumi_chiiee. I'm very thankful for your never-ending support. :) Nakakataba ng puso ang mga magaganda mong comments. Kapag naumpisahan ko na ang Book 2, ikaw ang unang makakaalam. :)

***************************

        Naiiyak na ako. Walang nakikinig sa akin. Kahit ang mga girls. Hindi kami magkasundo sa song na kakantahin namin para sa Parents-Teachers' Day. Three weeks to go na lang. Pine-pressure pa ako ng class adviser namin na dapat by the end of the week ay nakapag-umpisa nang magpraktis. Ganito kasi dito. Kahit malayo pa ay kelangan handa na. Ayaw nila ng ora-orada gaya sa Pilipinas. Kung sa atin sana, three weeks is a long time. Pero dito, hindi. At lahat halos na teachers in panic-mode na.

      Problema ko pa ang mga boys. Walang gustong sumali. Ang mga girls naman, nag-iinarte. Ayaw nila ng mga sinagest ko. At hindi rin sila nagko-cooperate. Kailangan naming magmiting after class. Kailangan ko silang mapa-attend. Pero papano?

      “Sorry, I'm busy. May taping kami mamaya,” maarteng sabi ni Minami. At kinuwento ang bago nitong TV drama. Part-time actress kasi siya.

      “Ang yabang. Pero extra lang siya dun,” bulong sa akin ni Haruka.

      Napangiti ako. Extra lang pala. Kung maka-announce akala mo siya na ang bida.

      “Hindi rin ako puwede,” sabi ng kaibigan ni Minami. “May baito (part-time job) pa ako mamaya e. Sorry.”

      “Ako rin. Nagpapasama kasi si Okaasan (mother) na magshopping. Pasensya na, ha?” exaggeratedly sweet na sabi naman ng isa pa.

      Napabuntong-hininga na naman ako. Papano na to? Alangan namang kami lang ni Haruka ang magme-meeting nito. Lahat sila tumanggi. Wala ding boys na pumayag. Napaupo ako. Napagod sa kakapilit sa kanila. Obviously, ni-nominate nila ako maging representative para pahirapan. Ganito pala dito kapag naiiba ka. Naisip ko na naman ang dati kong eskwelahan. Sana nagpaiwan na lang ako sa Pilipinas.

      Nagkakagulo ang room at kanya-kanyang alibi kung bakit di sila puwedeng mag-attend ng afterclass meeting nang biglang sumulpot si Ryu. May dala-dalang backpack. Nakalitaw pa ang dulo ng baseball bat. At mukhang kagagaling lang sa praktis.

      “Anong oras ba ang meeting mamaya?” Kaagad na tanong nito sa akin.

      Shocked ako. Ano naman ang pakialam nito? Malinaw na tumanggi din itong makisali sa activity ng klase. At he flatly refused nang i-offer ko sa kanyang maging co-rep ko. Kaya bakit pa ito nagtatanong tungkol sa meeting? Di naman dadalo.

      “Sabi ko, anong oras ang meeting para masabihan ko si coach kung anong oras ako darating,” ulit nito. Aatend si Ryu?! Napatayo ako sa aking upuan.

      “Five thirty,” tipid kong sagot. Di makapaniwala. Lahat ng kaklase namin ay nakatingin kay Ryu. Pare-pareho ang nasa isip.

      “Ryu, aatend ka?” tanong ng isa kong kaklaseng lalaki.

      “Oo naman. Bakit naman hindi? E ako nga ang representative nyo?”

      “What?!” Hindi makapaniwal si Minami. Tumayo ito at namewang. Sinumbatan si Ryu. “Akala ko ayaw mo?”

      “Simple lang. Dahil ayaw kita,” pasuplado nitong sagot. Na ikinagulo ng lahat. Andami nang nagtanong kay Ryu. So ibig sabihin ba'y....

      Lumapit si Ryu sa akin at inakbayan ako. “Papano ko naman tatanggihan ang girlfriend ko? Siyempre, suportado ko siya,” proud nitong sabi. Hinagkan pa ako sa buhok.

YUUKI NO HANA BOOK 1 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon