Chapter 1

208 12 0
                                    

"Welcome home!" sabi sakin ni mama. Nilapag ko ang bagahe ko sa sahig at pinagmasdan ko ang kabuoan ng bahay.

"Dito tayo magiistay for a while." hindi parin ako makaimik dahil pinagmamasdan ko lang ang buong bahay. "Yung kwarto mo, nasa second floor." biglang banggit sakin ni mama.

"Talaga? Yes!" agad akong umakyat sa second floor at pumasok sa kwarto ko.

"Wow! Just like my old room!" sabi ko sa sarili ko. Paglingon ko sa likod ko, nakita ko ang mga box ng sapatos, mga bagong damit, magagandang bags at mga make up.

"Wow!" kinuha ko ang isang dress at inimagine ko na nasuot ko na ito. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin habang suot ang cute na bag. I feel like a princess in this dresses. I can't wait to wear them all.

"Nagustohan mo ba?" tanong sakin ni mama.

"Yes ma, thank you." sabi ko at niyakap ko siya ng sobrang higpit.

"Sige na, ayusin mo na yung kwarto mo. Bumaba ka nalang pagtapos ka na magayos. Pinagluto kita ng paburito mong sinigang."

Inaayos ko na yung mga damit ko, isa-isa ko itong nilagay sa cabinet. Pero narinig kong nagvibrate ang phone ko. Agad ko itong binuksan para tignan kung sino ang nagtext sakin.

Nakarating ka na pala, hope to see you around. Anika

Nawala ang ngiti ko sa mukha nung nabasa ko ang text message. Paano niya nalaman na nakarating na ako sa Seoul? Tyaka bakit siya nagtetext sakin?

Hindi ko nalang ito pinansin, pinagpatuloy ko nalang ang pagaayus ng mga damit ko. Pero muli itong nagvibrate, naagaw ang pansin ko sa text niya.

Muli ko itong binuksan pero isang picture ang sinend niya sakin. Lalo akong nakaramdam ng takot dahil sa picture na pinadala niya sakin. Ang picture ko na nasa kwarto at nagaayus ng mga damit ko.

Lumingon ako sa bintana sa likod ko. Hinanap ko ang lugar kung saan niya kinuha ang picture ko pero ni-anino wala akong nakita.

Hindi niya talaga ako titigilan. Kinuha ko yung phone ko at in-off ito para hindi ko na mabasa ang mga text niya. Nakailang palit na rin ako ng number pero nalalaman niya parin ang number ko.

Bakit niya ba ito ginagawa sakin? Sino ba siya? Papaano niya nakukuha ang number ko?

Madami siyang alam tungkol sakin, paniguradong kilala niya ako na higit pa sa sarili ko.


***


"Buti naman at naisipan mo nang umuwi dito. Ang hirap kaya ng luluwas ka pa ng Seoul para umuwi kila nanay." sabi sakin ni papa habang nakain kami ng dinner namin.

"Gusto ko lang po umuwi kila lola." sabi ko sa kanila.

"Bakit ba gusto mo? Tuwing holidays naman nagkikita tayo nila nanay. Ang lapit ng school mo dito tapos luluwas ka pa."

"Hhmm wala lang gusto ko lang." kung may lakas ng loob lang akong sabihin kung bakit pa ako naluwas para umuwi lang kila lola. Pero hindi ko talaga kayang sabihin, natatakot ako baka kung anong masama ang mangyari.

Makalipas ang ilang oras, matutulog na dapat ako pero hindi talaga ako makatulog. Bumangon ako sa pagkakahiga ko at nagisip na kung anong pwedeng gawin para makatulog ako agad.

Napalingon ako sa mga purple anemone flowers na nasa vase. Those flowers reminds mo of a story about a goddess and a young man. Hinanap ko yung libro na iyon sa maliit kong bookshelf.

Nung nakita ko na ito, humiga ako sa kama at binasa ko ito.

This story is about the love of a goddess dess to a young man. The goddess begged the young man to give up hunting and stay by her side but he ignored her. The young man was killed by a wild boar. When the young man died, the goddess heard what happened. The goddess' tears turned into a windflower or Anemone flower.

Ghost In The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon