Chapter 9

50 6 0
                                    

"Mabait ka naman pala eh. Bakit ba hirap na hirap kang tulungan kami?" tanong ko sa kaniya.

"Mamaya na tayo magusap. May klase pa ako, hintayin mo ako kung gusto mo" sabi niya sakin saka siya pumasok sa loob ng classroom.

So pumapayag na siya na sundan ko siya palagi? Naglibot ako sa buong university. Grabe super lawak nito, hindi mo siya malilibot ng isang araw sa sobrang laki.

Nakarating ako sa isang greenhouse, naalala ko na may mga anemone flowers dito. Pumasok ako sa loob para tignan yung mga flowers.

Pero pagpasok sa loob, nakita ko yung babaeng teacher na dinidiligan yung mga bulaklak.

"I'm sorry kung hindi ko na kayo nabibisita. I'm sorry I didn't keep our promises. Sorry for not being a good friend of you two. But I promise that I will always remember you." sabi niya habang dinidiligan niya yung mga bulaklak.

Tumayo siya ng ayus at may biglang malamig na hangin akong naramdaman sa loob ng greenhouse. Nakaramdam ako ng kakaibang energy bigla. Nagtago ako bigla, nakita kong nilapag niya yung pandilig at inayos ang sarili.

"Tss, past is past. Hindi na dapat balikan pa yung nangyari." narinig kong sabi niya. May iba akong nararamdaman, parang bigla siyang nagiba. Kanina isang mahinhin at mabait na babae yung nagsasalita pero ngayun parang bigla siyang nawalan ng pake.

Hindi maganda ang nararamdaman ko dito. Naglaho na ako at umalis sa greenhouse. Hindi ko man naiintindihan yung mga sinabi nung babae pero nakaramdam kasi ako ng takot kaya umalis ako agad.

Makalipas ang ilang oras na paghihintay kay prof. Nakita ko siyang naglalakad palabas ng building. Agad ko siyang nilapitan para kausapin. Bored na bored na kasi ako kanina pa kakahintay sa kaniya.

"Hi! Teka, aalis ka? Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya dahil napansin kong dala niya yung bag niya.

"Uuwi na." pabitin na sagot niya.

"Uuwi na agad? Tapos na klase mo? Bakit ang aga?" tanong ko sa kaniya.

"Ang daming tanong. Oo uuwi na ako, tapos na trabaho ko ngayun." sabi niya sakin. Ayoko pang umuwi eh, gusto ko pang maggala kasama siya.

"Nagugutom ka ba? Kain tayo sa labas." tanong ko sa kaniya.

"Hindi ako nagugutom. Tyaka madaming pagkain sa bahay." sabi niya.

"Nagugutom na ako eh. Tara na kain na tayo sa labas. Please, please, please." pagmamakaawa ko siya at sinamahan ko na rin ng pacute para mapilitan siya.

Makalipas ang ilang minuto, pumunta kami ni prof sa maliit na restaurant ni Kath. Miss na miss ko na rin siya, matagal na akong hindi nakakabisita kay Kath eh.

Pagpasok namin sa loob, umupo ako sa usual spot ko at hinintay si Kath na lumitaw.

"Dito talaga tayo kakain?" tanong ni prof.

"Oo." sabi ko sa kaniya. Umupo siya sa harapan ko at tumawag ng waiter para makapili na siya ng kakainin niya.

Maya-maya pa, habang namimili siya ng oorderin niya biglang lumitaw si Kath sa tabi ko.

"Bes!" bati ko sa kaniya. Natuwa kami dahil nagkita muli kami ng kaibigan kong multo. Today is the day na makilala na niya si prof.

"So, totoo nga na nakakakita ka ng multo." sabi ni Kath kay prof.

"Hindi lang nakakakita, nahahawakan ko din kayo." sabi niya habang nakain ng pagkain niya.

"Oo, siya nga yung pinakasikat sa mga multo. Lagi siyang pinupuntahan ng mga multo eh." biro ko.

Ghost In The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon