Chapter 31

27 2 0
                                    

Anika Rosales

Ano kaya ang nasa loob ng tree house? Paano niya ako naramdaman? May kakayahan din siya tungkol sa mga ghost gaya ni Dylan? Bakit hindi niya kami hinayaan na pumasok sa tree house?

"Alam mo bes nahihilo ako sayo."

Konti nalang malalaman ko na pero bakit niya kami pinipigilan? Kung magpakita kaya ako sa kaniya at iexplain lahat. Aish! Nakakasakit na ng ulo ha!

"Bes!" napatigil ako bigla at napatingin kay Kath.

"Chill okay? Chill." sabi niya. Umupo ako sa harapan niya ng tahimik.

"Alam mo pumupunta ka lanh dito kapag gulong gulo na yang isip mo. Ano nanaman ba ang gumugulo diyan?" tanong niua sakin.

"Bes, diba nakwento ko na sayo sa galing ako sa isang orphanage at may umampon sakin." kwento ko sa kaniya.

"Kahapon kasi pinuntahan namin yung orphanage. Doon ko naalala ang mga memories ko nung nasa orphanage ako. Pero ang hindi maalis sa isip ko ay ang tree house, yun lang ang mystery sakin." kwento ko at napansin ko na tahimik lang siya.

"Alam mo bes, hindi naman ako nagugulohan sa kwento ng buhay mo. Ikaw lang talaga ang nagiisip ng magulo." sabi niya sakin.

"Look, ikaw si Anika Joy Rosales. Isang orphan, mabait at minamahal ng karamihan. May umampon sayo at doon ka rin nagkaroon ng magagandang ala-ala. Diba kilala mo na sarili mo, you don't have to waste your time to think about that tree house. Siguro walang laman yung tree house na yun kundi mga memories niyo." sabi sakin ni Kath.

Kung walang laman yung tree house, bakit pinipigilan kami nung teenage na babae pumasok sa loob. Halata din sa kaniya na may takot sa mukha niya. Parang nakakita siya na hindi niha dapat makita.

"Hindi, may nagsasabi sakin na tignan ko yung tree house. I'll just ho there by my self para walang makaalam."

I need to know kung ano ang nasa loob ng tree house na iyon. Siguro doon ko maaalala ang lahat kapag pumasok ako sa loob ng tree house.

***

Nasa kusina ako, tahimik nakaupo habang nagbabasa ng isang libro na binili ni Dylan sakin. Bago palang ito kaya kakasimula ko palang magbasa.

Biglang lumabas si Dylan sa kwarto niya. Nakabihis at freshly showered ang buhok niya. Mukhang may lakad siya at sasama nanaman ako, of course.

Lalabas na sana siya ng apartment nang pigilan ko siya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kaniya. Bago pa niya mabuksan ang pinto he turn to me with a serious face. The face that I saw when we first meet.

"My friend was in the hospital, uminom siya ng madaming gamot. I need to go there." I was shocked nung narinig ko yung sinabi niya. Which friend? Is it Faye?

"Sasama ako." Agad kaming umalis ng apartment at pumuntang ospital.

After a few minutes, dumating na kami at agad pumunta sa emergency room kung saan nandoon pa ang friend niya.

"Bro! Nasaan siya?" tanong ni Dylan sa isang friend niya.

"Nandito siya, pero bro hinay hinay lang. Wag mo munang pagalitan. Depressed siya kaya niya nagawang magoverdose." sabi niya habang tinuturo yung kurtinang nakasarado.

Tumango lang si Dylan at agad pumasok sa loob. Nakita ko kung sino yung nasa loob pero hindi ko inaasahan na iba pala ang kaibigan na sinasabi niya.

It was Cj ang isang malapit na kaibigan ni Dylan. Umupo si Dylan sa tabi nito at kinamusta.

I was just standing next to Dylan pero sa haba ng pinaguusapan nila, I got bored. Naisipan kong umalis muna, binulong ko kay Dylan na aalis ako para alam niya.

Ghost In The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon