Chapter 32

31 2 0
                                    

I decided to go to the hospital were Dylan was staying. Madaling araw na ako nakarating doon at sila Dylan at Cj ay mahimbing natutulog.

Pero hindi ko maalis sa isip ko ang nangyari kahpon nung pumunta ako ng orphanage para tignan ang tree house.

Alam kong nakita ko na ang loob ng tree house, naalala ko kasi nung naglaho ako tapos nakarating ako sa isang tree house na punong puno ng mga papel na nakasabit sa puno. Pati na rin ang mga freshly picked anemone flowers na nakalagay sa isang vase.

Pero sa sinasabi nung babae, kahit anong gawin mo hindi niya hahayaan na may makakita ng loob ng tree house.

Buong gabi ako hindi nakatulog dahil hindi ko maalis sa isip ko ang mga nangyari. Lalong lalo na ang tree house, kung ano-ano ang naiisip ko.

Siguro kaya hindi niya ako hinahayaan na makapasok sa tree house kasi may sekreto sa loob na hindi pwedeng malaman ng kung sino, kahit multo. Pero sinabi nila na pumupunta parin hanggang ngayon si Faye sa orphanage. Baka naman may mga bagay sa loob ng tree house na tungkol sa aming magkakaibigan.

Aish! Hindi ko alam, naguguluhan na ako. Inumaga na ako kakaisip, tahimik lang ako nakaupo sa isang sulok ng room nang napansin ko na nagising na si Dylan.

Nagkatinginan kami saglit pero agad akong umiwas.

"Akala ko sa apartment ka matutulog. Why are you here so early?" tanong niya sakin.

"Bored ako sa apartment, kaya maaga akong pumunta dito." sabi ko. He suddenly walk closer to me and looked straigh to my eyes.

"Pero bakit ka ganiyan?" tanong niya sakin. Paano niya nalalaman emotions ko, may magic ata ito eh. Pero hindi ko sasabihin kasi alam ko na magagalit lang siya.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Ganito ako kasi... ganito ako. Lagi naman ako ganito." sabi ko, come on Anika hanap ka ng palusot.

"You did something." sabi niya.

"Huh! Wala... wala akong ginawa. Wala talaga..." ang galing mo talaga magpalusot Anika, wala kang masabi. I can't even look at him straight to his eyes. Aish!

"You're a bad liar." mahinang sabi niya. Then he went to his bad at kinuha yung wallet.

"Lalabas lang ako, bibili ako ng pagkain natin." sabi niya at agad lumabas ng room. Naiwan ako sa loob kasama si Cj na mahimbing na natutulog.

Umupo ako sa upuan malapit sa kaniya. Dahil wala akong magawa, I just stared at him while he was sleeping.

Pero nabigla ako nang nagbukas ang mga mata ni Cj. I suddenly became a stone and kept on looking at him, kasi parang nakatingin siya sakin.

I'm still looking at him for a few second then he suddenly smiled.

"Hi miss." sabi niya habang nakatingin sakin.

"Nakikita mo ko?" tanong ko. Ano 'to? May isang tao nanaman ang nakakakita sakin? Aba magaling!

"Oo, pero tao ka ba talaga?" napatigil ako bigla. So he think that I'm a human not a ghost, parang nung nangyari din samin ni Dylan nung una kaming nagkita.

"You don't look like a person but your beauty is like an angel." nababaliw na ata itong lalaking ito. Baka namamalit-mata lang siya nanakikita ako.

"Baka ikaw ang guardian angel ko."

Napatigil siya bigla ng pumasok ang nurse sa room upang icheck siya.

"Teka lang, nurse nakita mo ba yung kasama kong babar dito?" tanong niya.

"Hindi po sir, wala po akong nakitang pumasok dito." sabi naman ng nurse.

"Wow! Nagpakita sakin yung guardian angel ko." sabi niya habang nakatapat ang kamay niya sa kaniyang bibig. Mahinang napatawa ang nurse pero hindi nalang niya ito pinansin.

Paano kaya niya ako nakita? Siguro epekto ng gamot na nilagay sa katawan niya kaya nakikita niya ako. Ay ewan, hindi ko na kailangan isipin pa yun.

Makalipas ang ilang minuto, hindi parin dumadating si Dylan. Kanina pa humihiyaw ang alaga ko, pero wala parin ang pagkain ko.

"Angel, nandyan ka ba?" biglang nagsalita si Cj.

"Pwede bang magpakita ka ulit sakin? Gusto kita makita." hay nababaliw na nga talaga ito. Kung kaya ko lang magpakita edi sana nagawa ko na pero hindi yun kadali. Tanging si Dylan lang ang nakakakita sakin.

"Alam mo, ikaw ang pinakamagandang angel na nakita ko. Kaya please magpakita ka na sakin." duktong niya.

"Talaga maganda ako?" sabi ko. I smiled and flipped my hair, maganda daw ako. Lagi naman ako maganda.

"Pwede ba kitang tawaging Angel? Hindi ko kasi alam pangalan mo, hindi kita makita at marinig kaya hindi ko alam pangalan mo. Angel nalang ipapangalan ko sayo." sabi niya.

Biglang nagbukas ang pinto at nakita kong pumasok si Dylan dala ang isang plastic ng pagkain.

"Sino kausap mo?" tanong niya habang inaalis ang pagkakatali ng plastic sa lamesa.

"Alam mo nakita ko yung guardian angel ko." masayang sabi ni Cj. Napatingin bigla sakin si Dylan at pinagpatuloy ang pakikinig sa kwento ni Cj.

"Ang ganda niya. siya lang yung nakita kong magandang angel."

"Sigurado ka bang angel nakita mo? Baka naman guni-guni mo lang yun." sabi ni Dylan.

"Dylan, sinabihan niya ako ng maganda." bulong ko kay Dylan pero hindi niya ako pinansin.

"Teka bakit dalawa yang lugaw? Para sakin ba yung isa?" tanong ni Cj.

"Hindi." napatahimik silang dalawa.

"Sakin parehas ito." palusot ni Dylan. Alam ko naman kasi na yung isa para sakin, kaya ako naiin-love sa kaniya kasi hindi niya ako pinapabayaan.

***

Lumabas kamo saglit ni Dylan para makasagap ng sariwang hangin. Nasosuffocate na ako sa maliit na hospital room, hindi rin ako mapakali kaya sinamahan ako ni Dylan na lumabas saglit.

"Alam mo ba sinabihan ako ni Cj ng maganda." sabi ko habang naglalakad kami pero tahimik lang siyang naglalakad.

"Aish, hindi mo nanaman ako pinapansin." duksong ko.

"Nakikinig ako." pabitin na sabi niya.

"Bakit ka ba ganiyan? Napakabitin mo magsalita." sabi ko.

"Alam mo, namimiss ko yung babaeng makulit, sinusundan ako kahit saan, laging nakasmile, at magandang tumawa." sabi niya, napakunot ang ulo ko dahil sa sinabi niya.

"Namiss ko yung dating ikaw." napatigil kami na paglalakad. I was speechless dahil sa sinabi niya. I also miss my old self yung laging nakangiti at tumatawa pero I suffered a lot this past few days. My heart keeps aching and it already forgot the old me. Pero tuwing nakikita ko si Dylan, he is the one ko heals my aching heart.

"I miss you more." bulong ko pero alam ko na narinig niya ang sinabi ko. Unti-unti siyang lumapit sakin pero nalatigil siya nung biglang nagring ang phone niya.

"Hello?" sagot niya sa phone.

"Paano mo nalaman number ko?" tanong niya.

"Sige sige, bye." binaba na niya yung phone niya at tumingin sakin with a poker face.

"Sino yon?" tanong ko.

"It was my mom, and she's going home later this afternoon." napahawak ako sa bibig ko dahil sa mga sinabi niya.

OMG! Makikilala ko na ang mama ni Dylan? Sino kaya ang mama niya? Mabait kaya siya? Masungit? Nakakakita rin ba siya ng mga kagaya kong multo? Hala anong gagawin ko?

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND SHARE THIS STORY.

Ghost In The WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon