Photo Bomber

517 29 0
                                    

Chapter 2

Kinaumagahan, maagang gumising si Mark at kausap nya si Emily sa biranda ng resort.

Mark: Pag nalaman nilang nandito ka ako na naman ang pagagalitan nila.

Emily: Relax. Ang alam nila nasa Tagaytay ako.

Mark: Let's get married.

Emily: Hindi pwede. Hindi ka kasi gusto ng parents ko.

Mark: Ano pang pag papatunay ba ang gusto nilang gawin ko para malaman nilang karapat dapat ako sa iyo?

Emily: They think kasi na parang wala kang pangarap sa buhay.

Mark: Ano? I manage my own business.

Emily: Oo pero not enough yun para magustuhan ka nila.

Mark: Ang sabihin mo yung Harold ang gusto nila para sa iyo. Mayaman at anak ng may ari ng airlines.

Emily: Oo pero hindi ko sya gusto.

Mark: Mahal mo ako di ba?

Emily: Oo.

Mark: Tayo naman ang mag ka-kasama habang buhay at hindi sila kasama kaya huwag na natin intindihin ang mga gusto nila.

Emily: Hayaan mo maaayos din ang lahat ng ito.

Mark: Ok.

Emily: Huh?

Mark: Bakit?

Emily: Nakita mo ba yun?

Mark: Ang alin?

Emily: May babaeng naka tingin sa atin.

Mark: Wala naman ah.

Emily: Bigla sya nawala pag ka tingin ko uli sa may punong yun.

Mark: Hay naku wala naman saka bat ba tinatakot mo sarili mo. Umagang umaga eh. Tara na sa ibaba at mag breakfast na tayo. Gisingin mo ang girls at ako sa boys.

Emily: Sige.

Inisip na lang ni Emily na namalikmata lang sya sa nakita nyang babae na nakatingin sa kanila mula sa puno. Pagpasok nila sa mga rooms ay ginising na nila ang mga kaibigan nila at bumaba sila sa restaurant ng resort para mag breakfast.

Hindi sumabay si Daniel dahil masakit ang tyan nya kaya hinatidan ni Rhea ng breakfast sa kwarto.

Rhea: Heto ang pagkain at gamot.

Daniel: Salamat.

Rhea: Ano ba kasi ang nakain mo kahapon Hon?

Daniel: Kung ano din ang kinain nyo.

Rhea: Bawal ata sa iyo ang mais eh.

Daniel: Lagi ko naman kinakain yun.

Rhea: Ok. Mag pahinga ka na lang at babantayan kita.

Daniel: Sige.

Rhea: Pahiram muna ng laptop mo ng ma transfer ko ang mga nakunan ko na picture kahapon.

Daniel: Nandito lang.

Rhea: Sige.

Daniel: Hindi ka na ba sasama sa kanila?

Rhea: Babantayan na lang muna kita. Kung sasama ako iisipin lang kita na naiwan dito sa resort hindi rin ako mag eenjoy.

Daniel: Ang sweet naman ng Hon ko.

Rhea: Oo naman. Yung girls naman kasi mag banana boat sila samantalang yung guys parasailing.

Daniel: Ok.

Rhea: Iiwan ko munang nakabukas ito ha kasi nag lo-loading pa. Mag shower lang ako.

Daniel: Sige.

Nag shower si Rhea samantalang si Daniel ay nanonood ng TV. Iniwan nilang bukas ang laptop at nag lo-loading ang mga picture na kinunan ni Rhea sa camera.

Pagkatapos mag shower ni Rhea ay nag sisigaw sya dahil nahulog si Daniel sa biranda ng resort from 5th floor hanggang 1st floor.

Tinawagan na din nya ang mga kaibigan nya at agad nilang sinugod sa hospital si Daniel.

Iyak ng iyak si Rhea dahil hindi nya akalain na mag papakamatay si Daniel. Critical ang lagay ni Daniel kaya nasa ICU sya.

Pinatahan naman nila Emily si Rhea.

Emily: Tahana sis. I'm sure naman na magiging ok si Daniel.

Rhea: Hindi nya gagawin yun dahil wala naman kaming naging problema.

Eva: Alam naman namin yun.

Myra: Na report na nila Sherwin ang insidente sa mga pulis at maiimbistigahan ito kung may nakapasok sa room ninyo o wala.

Rhea: Naka lock ang pinto ng room at kami lang ang nasa room na iyon.

Emily: Sino naman ang gagawa ng ganito kay Daniel at kung sya man din ano naman ang pumasok sa isip nya.

Eva: Sya lang ang makakaalam nyan sis. Sabi nga ni Rhea nasa banyo sya at iniwan nya lang si Daniel na nanonood ng TV sa room.

Emily: Ang wierd lang kasi. 

Jane: Mga sis tawag na kayo ni Mark. Sila na daw ang bahala kay Daniel dito sa hospital. Bumalik na tayo ng resort.

Emily: Sige.

Umalis na sila at naiwan ang iba pang mga kaibigan nila na nag babantay kay Daniel sa labas ng ICU. Pala isipan sa mag ka-kaibigan kung bakit may ganitong pangyayari sa pamamalagi nila sa isla.


Photo BomberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon