"Ba't ngayon ka lang?" Paunang bati sa akin ni mama bago ko pa man maisara ang pinto. "May nangyari ba?" Pagod kong ibinaba ang bag sa sofa bago naupo. Hinawakan ni mama ang ulo ko bago hinalikan sa noo at naupo sa tabi ko. May hawak siyang sandok.
"Hello ma, sorry kung ginabi ako." Nakangiti kong sinabi sa kanya. "Uh ma, si papa?" Tanong ko.
"Pauwi na siguro. Mamaya-maya lang nandito na yun. Nag text ba sayo?" Umiling ako.
"Ma, baka ma-late si papa." Sabi ko.
"Ha? Bakit naman?"
"May aksidente kasi sa intersection eh, bago mag San Nicholas?" Pamamalita ko. Nanlaki lang ang mga mata niya bago huminga ng malalim. "Kaninang ala sais." Dagdag ko.
"Buti at nasa presinto pa tatay mo nang mga oras na yun. Baka nga ma-late yun." Bigla niyang binuksan ang tv at tumambad nga ang balita.
Kung ano man yung sinabi sakin ni Rey, yung ang nakita ko sa tv. Ang laki ng pinsala, sabi narin ng babae sa tv. Kahit ang tindahang hindi ganun ang layo sa mismong pagsabog eh inabot ng sunog. Patay yung parehong pasahero ng cargo truck at ng apat na kotse, ang dami ring sugatan. Pumikit na lang ako.
"Ella, anak?" Her concern and curiousity is obvious in her voice. "May nangyari ba?" Double meaning ang tanong na ito ni mama. At alam namin pareho yun.
"May bagong multo sa school." Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Babae. Siya ang nagsabi sakin tungkol sa mangyayari." Pagkukwento ko.
"Ang ibig mong sabihin, alam mo na na mangyayari ang aksidente bago pa man ito mangyari?" Nagtataka at gulat niyang tanong. Tumango lang ako.
"Parang nung grade six ma. Nung binalaan ako ni Miguel, yung batang multo, na mahuhulog yung malaking sanga ng puno sa play ground? Buti nga at nakinig sakin yung guard at agad niyang isinara yung play ground bago pa may maaksidente sa mga kaklase ko." Pagpapaalala ko sa kanya.
"Eh nakakausap mo ba itong babaeng to anak?" Tanong niya. Umiling lang ako.
"Gusto ko siyang makausap sana, pero hindi ko magawa. Parati kasi akong may kasama." Bigla siyang sumimangot. Wala na atang ibang emosyong alam na maipakita sa akin sa ngayon. "May kumukulit kasi sakin eh."
"Oh?"
"Yung kambal nung kaklase ko. Gusto raw makipag kaibigan. Magkasama kami nang nakita ko yung babae. Actually, kilala ako nung babae. Hindi ko nga alam kung bakit eh."
"Eh anong sinabi mo?" Tanong ng mama ko. Napataas tuloy nang hindi sadya yung kilay ko. "Nung sa kambal nung kaklase mo." Dagdag pa niya. Hindi ko alam kung bakit interesado siya dun.
"Ha? Eh, ayun.. sabi ko na tantanan niya ko." Lalo siyang sumimangot.
"Ella, okay lang naman na makipag kaibigan ka."
"Mama that's not the case! Mas concern ako dun sa babaeng nagpapakita kesa kay Rey!" I snap at her. Nanlaki lang ang mata ni mama at bago pa man umabot ng limang segundo, a smile cracked her face into two.
"Rey?" Nakangiti at mapang-asar niyang tanong.
Parehong supportive ang mga magulang ko sa curse- o gift ko. Bawat multo kinikilala namin, at tinutulungan sa abot sa ng aming makakaya, na makatawid. Bawat multo, client ko. Importante, rush order.. pero bakit ngayon parang mas pressing news pa si Rey kay mama?
"Mama..." Nginitian niya lang ako. "Mama, kambal lang siya ng classmate ko. Nangungulit lang na maging ka-close ko. Yun lang yun!" Naiinis kong sinabi sa kanya. Lalo siyang naging interesado.
"Eh cute ba?" Bigla niyang naisip itanong. Hindi ko inaasahang mamumula ako. Bigla siyang ngumiti na parang nahanginang aso. Tuwang tuwa ang nanay ko!
BINABASA MO ANG
Guardian of the Light
RomanceElla is a 17 year old girl living a not-so average life. Growing up has not always been so easy for her. She can practically see and talk to dead people allowing her to lead them to their final end. Here she met Rey, a boy who fell in love with her...