"Anong plano mo sa debut mo Ella?" Tanong sakin ni papa kinaumagahan nang inihahatid niya na ako papuntang school.
"Ang tagal pa nun eh." Tanging sinabi ko.
"Dalawang buwan na lang November na ah. Hindi ka ba excited?" Malungkot nitong tanong. Nginitian ko lang siyang at pinisil ng konti ang braso niya bago sumandal sa balikat niya.
"Papa, ordinaryong birthday lang yun."
"Debut mo na kaya." Pagpapaalala niya.
"I know... pa, mangako ka na walang bonggang mangyayari ha!" Gulat kong sinabi sa kanya. Agad akong bumitaw at tumingin sa kanya. Umiling lang at ngumiti ito habang diretsong nakatingin sa dinaraanan niya.
"Papa! Wag nga! Mamaya niyan pati buong presinto dalhin mo pa." Malungkot kong sinabi bigla bago nag pang braso.
"Eh ano namang masama dun? Ikaw lang ang only bebe girl ko. Debut mo. Oh anong problema dun?" Tanong niya habang sandaling tumitingin sa akin. In-emphasize ang bagong word na siguro ay narinig niya lang kung kaninong bading.
"Eeeh papa naman eh. Nakakahiya!"
"Ayaw mo nun may party ka. Yaan mo pagpaplanuhan na namin yan ng mama mo." Masaya niyang sinabi. Gad. Party... "At isa pa, cool nga yun eh. Hindi mo ba alam? November thirteen may solar eclipse?" Nakangiti niyang pamamalita. Nanlamig ang buo kong katawan.
"Solar eclipse?"
"Oo, nabasa ko kanina sa dyaryo. Total solar eclipse, November 13. At debut mo pa ha. Magandang araw yun para mag celebrate ng birthday." Bigla kong naalala ang panaginip at mga nabasa ko.
Sasabihin ko ba to kay papa?
"Pa, anak ba ni Tito Steve si Annabelle?" Halatang nagulat ito sa sudden change of topic ko. Napakunot ang noo nito.
"Ayaw mo lang pag-usapan ang debut mo, change topic kaagad?"
"Seryoso nga kasi." Inip kong sinabi.
"Anak siya ni Tita Magdalene mo sa unang asawa." Seryosong sagot nito. "Bakit anak?"
"May napanaginipan kasi ako..." Isang parte sa panaginip ko na kanina ko lang naalala. "..sabi ako ang nag-iisang Gregor-- I mean Gregorio sa angkan nating mga Gregorio. Totoo ba yun o panaginip talaga?"
Natagalan ito bago nakasagot. Halatang malalim na nag-iisip.
"Oo. Ikaw nga." Lalo akong nakutuban. Hindi ako kaagad nakapag react.
"Papa.."
"Hmn?"
"Bakit namatay si lolo? Si lolo Uriel IV?" Muli siyang naguluhan sa mga tanong ko.
"Teka Ella bakit magkakasunod at magkaka iba ang mga tanong mo?" Nagtataka niyang tanong. Umiling ako, feigning indifference. "Sabi dahil ipapanganak ang bagong magmamana ng abilidad niya... yan ang sabi ng mga matatanda." Tumingin ito sakin. "Pero ang sabi ng doktor, dahil lang daw talaga sa katandaan."
"So totoong nag skip talaga ng generation ang ability ko?" Tanong ko habang nakatingin sa bintana, sa mga nalalampasan at nadadaanan naming mga bahay.
"Yun ang kwento."
"Eh ano yung origin?" Tanong ko.
"Nakalimutan ko na anak. Matagal na kasi yun. Mga bata pa kami nang huling naikwento yan."
"Eh pano ikinakasal ang mga lolo?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Anong klaseng tanong yan Ella? Edi syempre sa huwes.. alam mo namang.." Natigilan siya. Alam namin pareho kung ano ang nangyayari kapag involve ang simbahan.
BINABASA MO ANG
Guardian of the Light
RomanceElla is a 17 year old girl living a not-so average life. Growing up has not always been so easy for her. She can practically see and talk to dead people allowing her to lead them to their final end. Here she met Rey, a boy who fell in love with her...