Chapter 4: The ghost of Rose

36 2 0
                                    

"Goodbye Rey." Tanging naisagot ko sa kanya. His smile vanishes, but I ignored it. Nilampasan ko lang siya at naglakad palayo.

"Bukas, papansinin mo ba ulit ako o balik na naman tayo sa habulan?" Sigaw niya sa likod ko. Humarap ako sa kanya saglit.

"Edi wag mo kong habulin." Nakangiti kong sinabi, butterflies floating in my stomach.

"Bye Ella." 

-

"Binasa ko lahat ng mga recent blotter files sa presinto. Tinignan lahat ng mga missing files nung nakaraang buwan at ngayon, pero wala akong nakitang bago. Wala ring pamilyar dun sa drawing mo." Pamamalita sa akin ni papa habang tinitignan niya ang bago kong drawing. 

"Pero may kutob po ako na hindi siya taga rito." Dagdag ko. "Hindi ko pa siya nakikita kahit kelan. At may mga marking sa leeg, paa at braso niya. Iniisip ko na baka biktima siya ng salvage papa." 

"Salvage? Titignan ko ulit kong may bagong file para diyan. Nabalitaan ko na may na-salvage sa San Juaquin. Titingnan ko kung may kinalaman yun sa multong ito." Muli niyang ibinalik sa unang drawing ng babae ang sketchpad. "Pero lalaki yung pinatay sa San Juaquin at hindi babae." 

"Wala pa siyang naaalala eh." Malungkot kong sinabi. 

"Okay lang anak. Titingnan natin kung ano ang mahahanap natin tungkol dito." Isinara ni papa ang sketchpad at ibinalik ito sa study table ko malapit sa pinto ng kwarto ko. Muli itong lumapit at humalik sa akin. "Matulog ka na Ella."

"Goodnight papa." 

-

"Kain na anak." Bati ni mama nang makababa ako ng kusina. 

"Si papa?" Ngumiti lang ito. Isang malungkot na ngiti na sagot sa tanong ko. 

"Si Angelo na lang maghahatid sayo." Paliwanag ni mama. At on cue bigla kong napansin si Angelo na may kinakalkal sa refrigerator namin. 

"Oh Ella! Goodmorning!" Nakangiti niyang bati sa akin. 

Nandito na naman tong mokong na to.

Agad itong lumapit sa akin at saka ako binuhat, mula sa step ng hagdan papunta sa mesa namin sa kusina. Sinubukan kong magpumiglas pero hindi ko kaya sa lakas at bigat ng mga braso niya. Natawa na lang ako.

"Nandito ka na naman!" Inis kong sinabi sa kanya sa kabila ng mga tawa ko.

"Eh, syempre hindi naman marunong magluto si Annabelle. At isa pa, hahayaan ko bang mag commute ang peyborit cousin ko?" Nakangiti niyang sinabi saka naupo at kumain. I just rolled my eyes and took the seat beside him.

"Asan ang girl friend mo?" Inis kong sinabi. Hindi ko talaga gusto Pawee. Kahit matagal na silang dalawa hindi ko padin maintindihan kung bakit nagustuhan ito ng pinsan ko. Oo, maganda si Pawee. Matalino pero nakapa arte at madaldal. Well, madaldal si Annabelle pero hindi kasing chuchu ni Pawee. At isa pa, isa yun sa mga kontrabida ng buhay ko. 

Matangkad si Angelo. Big built. Mas matanda rin sakin ng apat na taon. Hindi kami mukhang related. Buhok na nga lang ang pareho kami, pinakulayan niya pa ng mahogany at binago pa ng style. Isa na siyang Accountant sa isang bangko sa San Nicholas. Pero nakatira malapit lang samin kasama ni Annabelle na kapatid niya. Nasa ibang bansa si Tita Magdalene, yung tiyahin kong katulad ni Pawee na sumpa sa buhay ko. At si Tito Steve na kapatid ni papa. Yung favorite uncle ko.

"Nasa Manila, may inaayos lang sa family ng papa niya." Sagot nito matapos malunok ang kinakaing itlog. Ugh. Ang kalat niyang kumain, parang baboy.

"Oh bakit, may problema ba sa annullment nila ng asawa niya?" Curious na tanong ni mama. Umiling lang si Angelo, disinterested sa buhay ng five years niya nang girl friend. Ewan ko ba dito, at bakit napaka insensitive.

Guardian of the LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon