Chapter 6: Rey of light

45 2 0
                                    

Tulala ako habang nagsasalita ang professor ko sa Humanities. May sinasabi siya tungkol sa faith at fate. I tuned out. Hindi dahil sa hindi ako interesado kundi dahil inaalala ko lang ang bangungot na nagpapuyat sakin kagabi.

Madalim lang, blurry halos. Iniisip ko kung naaalala ko ba talaga siya, o ineembento na lamang ito ng imagination ko. Usually, agad na nakakalimutan ang mga panaginip, good or bad man ito. Kung maalala mo man ito, ibig sabihin... subconciously alam mong may something ito sayo. 

Kanina ko pa dine-decode ang panaginip na yun. Inalala ko na lahat ng kailangan kong maalala. Pero hindi ko padin makuha ang ibig sabihin nito.

Nakatayo ako sa isang circle, drawn sa buhangin. First, I thought nasa beach ako. But the sand is darker, heavier and puffier than the sedimentary particles ng beach sand na para bang volcanic ashes sila. And the light was above me. I can't see anything but myself.

It's not a dream where I see through my eyes. It's a dream where as if I'm just a mere observer.

May isang matandang lalaki na lumapit sakin. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha. But I can see where he stands.

"Ang huling Gabay." Kanyang bati. Ngumiti ito, isang nakakadiring ngiti. Halos wala siyang maayos na ngipin.  And I get to look at his face, eyes bloodied. Hindi katulad ng mga multong nakikita ko na walang pupils...  "Ang mantsa  sa angkan ng mga Gabay."

"Ngunit nararapat lamang na matuldukan na ang tulong na ibinibigay sa mga mortal." Biglang sabat ng isang babae. Na nakatayo sa likuran ko. Alam kong pamilyar ang boses na ito... I just can't place it. "Sa oras na mawala na siya sa mundo, wala nang kaluluwa ang makakatawid. Wala nang sinuman ang makakarating sa Kaharian." Malakas nitong sinabi, na parang nagbabasa lamang ng isang line para sa isang goth at macabre na play. 

Sabay sabay na tumawa ang iba pang hindi ko makita-kita. Naririnig ko din ang clacking ng mga kadena, ng mga bakal... at ngisngisan ng apoy. 

"At muling magdiriwang ang Impyerno!!!!!" Muling sigaw ng lalaki. Itinaas nito ang kanang kamay at muling isinigaw ang kanilang battle cry. Hindi ako makagalaw, o makapagsalita man lang. 

"Ikaw Gregor!" 

"Aah!" Biglang may humatak sa buhok ko. Agad akong napatingala at napatingin sa nakakabulag na liwanag sa ibabaw ko. Lumapit sa akin ang babae. Hawak niya nang mahigpit ang mga kamay sa likuran ko.

At isang malamig, at matalim na bagay ang dumaan sa leeg ko. Kutsilyo? Sundang? Espada? Naamoy ko rin ang medyo faint na amoy ng dugo at kalawang.

"Sulitin mo na ang natitirang oras mo.." Bulong nito sa akin. I swear kilala ko ito! "..pag sapit ng eklipse, mapuputol na ang bigkis ng mga mundo. Wala nang gabay. Wala nang sasalin, wala nang bantay ang liwanag ng Langit.." hinalikan niya ko sa pisngi. "..at darami ng darami ang mga Ligaw. Mga kaluluwang walang lugar sa mundo. Nang langit, ng Lupa.."

"Impyerno!!" Muling sigawan ng mga espirito sa paligid ko.

"Bilangin mo na ang natitirang oras mo Gregor.." At sabay-sabay silang naghagalpakan sa kakatawa.

"Gregorio! Ms. Gregorio!" Tinapik akong muli ni Nathalie. Tinatawag ako ni Mrs. Montero.

"Uh, ma'am?" Gulat kong tanong. Napa iling ito. 

"I was asking the class if you have any suggestion for your exhibit this coming foundation week." Sabi niya. Nagpamewang ito. "Are you with us Ms. Gregorio?" At lahat ng mga mata sa classroom ay dumiretso sa akin.

"Yes.. yes ma'am."

-

I spent the rest of the day fighting back the urge to sleep. Puyat na puyat ako. 

Guardian of the LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon