Chapter 8: Labyrinth of Two Hearts

34 2 0
                                    

Maghapong wala sa sarili ang binata. Parating tulala at bigla bigla na lamang mapapangiti. Ngunit sa kabila ng gaan ng kanyang pakiramdam ay ang pag-aalala.

Hinintay niya ang dalaga. Na dumaan sa locker nito, sa pasilyo, sa canteen at maging sa hardin. Kinulit niya na maging ang kapatid kung alam nito kung nasaan ang dalaga, ngunit maging ito ay hindi na nakita si Ella mula nang huli silang magkita.

Malamang nagmamadali lang umuwi, katwiran nito at umuwi na ng mag-isa kasabay ang kaibigan nito. 

Naghintay siya, pero walang nadatnan. Naisip niya na baka nga tuluyan na itong umalis.

Gustuhin niya mang ii-sangtabi ang kutob na umiiwas ito, hindi mawala sa kanya ang malungkot at mag-alala.

Hindi na ulit sila nagkita mula nang kahapon. At muli itong nangamba nang maisip na baka ayaw na siyang makita ng dalaga.

Nagulat ang binata sa tawag na natanggap. 

"Hello?"

"Rey Alexander Alcaraz?!" Galit na tanong ng boses sa kabilang linya.

"Ako nga... sino to?"

"Si Chief inspector Jose Gregorio." Sagot nito. Binaha ng pagtataka ang isipan ng binata. Bakit siya kilala ng pulis na ito? Bakit naman may tatawag na pulis sa kanya? May nangyari ba? May nagawa ba siya?

At kanya nang naalala kung sino ang kausap.

"Sir? Sir! Bakit po kayo napatawag?" Nag-aalala nitong tanong. Mag-a-alas dose na at abala pa ang binata sa pagtapos ng kanyang takdang aralin. Ano naman kaya ang problema?

Si Ella ba?

"Kasama mo ba si Ella?" Ang mariin nitong tanong. Bakas sa boses nito ang kasanayan sa ilang taon nang pangungwestiyon. Pero imbes na pangunahan ng pagtataka, inunahan siya ng takot para sa dalaga.

"Hi-hindi ho. Hindi po kami nagkita buong araw... Sir, ano pong nangyari kay Ella?" Narinig niya ang pag-aalala sa pagbuntong hininga ng pulis sa kabilang linya.

"Sigurado ka? Tumawag sakin ang mama niya. Hindi pa raw ito umuuwi. Gabing-gabi na. Hindi naman yun umuuwi ng ganito... Tinatawagan ko, patay naman ang telepono." Bigla itong tumigil. "Sigurado ka bang hindi mo siya kasama?" 

Dali-daling umalis ang binata at pumunta sa kanilang paaralan. Dun niya na unang nakilala ang ama ng dalaga. Matangkad ito, malaki ang katawan at sa kanyang isip... isang perpektong pulis. Tindig at porma pa lamang.

Hindi niya napigilang magalak at matakot. Respeto at paggalang ang kanyang nararamdaman sa lalaking ito. Bukod sa ito ang ama ni Ella, at isa pang pulis, may kung ano ang lalaking ito na hindi niya maipaliwanag.

Gulat na gulat at nagtataka ang mga gwardiya ng kanilang pagtatanungin. Hindi alam kung ano ang nangayayari't sinusugod sila ng mga ito sa ganitong oras.

Naghiwalay ang dalawa, at ang limang gwardya sa paghahanap sa dalaga.

Sinuyod ng binata ang kanilang silid-aklatan kung saan madalas niyang makita ang dalaga. Ang computer lab, kung saan sila unang nagkausap... at ang simbahan na hindi malayong kanyang pagtaguan. Ngunit hindi niya ito nahanap.

Naalala niya ng unang beses niyang maihatid ang dalaga sa presinto ng ama. Parehong araw lang yun at nagmula sila ng kanyang kapatid sa Science building... kanya itong pinuntahan. Inisa-isa ang bawat kwarto at isinigaw ang pangalan nito.

Wala. 

Muli niyang naramdaman ang pagod. Naupo ito sa sahig at saka pumikit. Hindi niya alam kung saan pa hahanapin ang dalaga. 

Guardian of the LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon