Chapter 5: Cursed blood

43 1 0
                                    

Itinigil niya ang sasakyan, right outside the presinct. Inalis ko na ang seat belt ko at muling tinignan ang natutulog na si Rhian. Tumingin ako kay Rey.

"Goodnight Rey." Tinitigan niya lang ako sa mga mata. And I am so aware of the tugging in my heart. Hinawakan niya ang kamay ko. Binuksan ko lang ang pinto at bumaba. "Salamat." At bago ko pa man isara ang pinto,

"Goodnight Ella."

And I watched him go.

-

Pumasok na ko sa loob. Bumati kina Tsong Narding, Tsong Gary at iba pang kasama ni papa sa trabaho. Dumiretso ako kaagad sa opisina niya. May kausap si papa nang makapasok ako.

"Oh anak, nandito ka na pala." Tumayo ito maging ang babaeng kausap. Nagmano ako kay papa at nakipag kamay kay Ms. Garchitorena. 

"Good evening po." Bati ko sa kanya. Tumango lang ito, unable to fabricate a smile. And suddenly, alam ko na kung sino siya. Their resemblance is striking.

"Ella si Ms. Garchitorena ay pumunta dito kanina lang para humingi ng tulong tungkol sa nawawala niyang kapatid. Uh si Rose Garchitorena. Bente anyos, dalaga. Taga San Roque, isang call center agent." Pamamalita sa akin ni papa. Tumango lang ako at naupo sa silya katapat ni Ms. Garchitorena. Naka green polo shirt siya at maong. Nakalugay ang mahaba din niyang buhok at may suot siyang salamin. Mas matanda lang siya siguro kay Rose ng mga ilang taon.

"Halos lahat ho ng presinto eh nadalaw ko na. Mahanap ko lang si Rose. Dalawang linggo na siyang hindi bumabalik eh. Bali-balita pa man din na uso na naman ngayon ang rape-slay." Sabi niya gamit ang naginginig at pagod na pagod niyang boses. 

"Uh eh, anim na yata ang rape-slay victim. Kababalita lang dito samin kaninang umaga. Puro sa San Juaquin, San Sebastian at San Roque ang mga biktima. Hindi pa namin matugis ang suspek. At magda-dalawang linggo narin pala ito." Tugon naman ni papa. 

"Wala pa po bang lead kung saan man itinago yung mga katawan ng biktima?" Tanong ko. Pareho silang napatingin sa akin. Umiling si papa.

Bigla na lamang umiyak ang ate ni Rose. Tahimik na yumuko si papa.

Hinawakan ko lang siya sa kamay at sinubukan siyang ngitian. Patuloy padin siya sa pagluha, dahan-dahan siyang humarap at ngumiti sakin. At sa pagkakataong nagtugma ang aming mga paningin bigla na lamang akong nawala..

Animo'y nakapasok sa isang napakadilim na usok at nabulag.

Tubig. May dumadaloy na tubig sa paanan ko. Wala padin akong makita. Sinubukan kong makakita pero wala akong maaninag kundi ang tubig na dumadaloy sa paanan ko. Mga bato.. itinaas kong bahagya ang dalawa kong mga kamay at inilagay sa harapan ko, para hindi ako bumangga sa kung ano.

Unti-unti nakaka aninag na ako. 

Damo. Talahib. Abot dibdib sa taas. At mangilan-ngilang basura sa paligid. At malalayong gusali.

Nahinto ako bigla sa paglalakad. Nakita ko si Rose na nakatayo, hindi ganun kalayo sa akin. May tinuturo.

"Rose?" Tanong ko. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya. Puro gasgas na ang mga braso, pisngi at binti ko sa paghalik sa balat ko ng mga talahib. Muli niya lang itinuro ang isang lugar sa gitna ng madamong lote.

At sa kawalan ay ang isang katawan. Isang kaawa-awang babae..

Naka duct tape ang bibig niya. May chicken wire na napakahigpit na nakapulupot sa kanyang leeg at paa. Samantalang naka ipit sa kanyang likod ang kanyang mga braso na mahigpit ring nakagapos gamit ng parehong chicken wire. Halos bumaon na sa kanyang leeg ang wire. Duguan ang kanyang leeg. Ang kanyang bibig..

Guardian of the LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon