XVIII

2.3K 48 10
                                    

: Waaah! HAPPY 4.5K reads <3 Thank you mga Pervs! Pasensya na kung delay ang UD ko ngayon. Medyo busy kasi ako sa mga major subjects ko. Sorry na, mahal niyo naman ako eh hihihihi <3 Mahaba itong UD ko ngayon, para lang makabawi sainyo :) Sana magustuhan niyo at pahinge ng feedbacks kung nagustuhan nito ba or hindi AHAHAHA! Kung hindi niyo nagustuhan wag niyo ng basahin yung next chapter hahaha! Char lang :* Comment lang yung mga gustong magpa dedicate :)

[Nasa baba yung picture ni Vanessa <3]

Ito na yung continue ng story nila Vanessa at Thunder <3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito na yung continue ng story nila Vanessa at Thunder <3

Enjoy reading and be fan of #TeamVander <3

❊❣❊❣❊❣❊❣❊❣❊❣

Thunder's POV

Putek! Paano ba to?! Paano ba yung pagpapakalma sa taong parang wala ng bukas kung umiyak?!

"Ah- Eh ano..." Nauutal na sabi ko.

Shit! Paano ba to?! Mag-isip ka Thunder! Mag-isip ka! Meron ka namang utak eh, kaya paganahin mo yung utak mo at mag-isip umpisahan mo ng mag-isip!

"Vags..." Bulong ko.

Ngunit nanatili lang itong umiiyak.

Gwapo ka Thunder at may utak! Kaya mag-isip ka! Teka nga?! Kailan nga ba ako huling nag-isip? Hmmm... Shit! Hindi ko na maalala!

Huminga ako ng malalim at tsaka muling nagsalita.

Bahala ka na poging Thunder!

"Tama na yan. Kahit anong iiyak mo diyan, tapos na ang lahat sainyo. Siguro nasasaktan ka parin hanggang ngayon dahil mahal mo pa siya. Sabihin na natin na nasa stage ka palang ng pagmomove on, in other words mahal mo pa siya at kahit anong gawin mo ay hindi mo siya kayang kalimutan. Sino nga bang makakalimot sa taong minahal mo ng buo diba?" Tumawa ako ng sarcastic.

Sino nga ba makakalimot? Kung minahal mo ng sobra yung tao, yung feeling na binigay mo lahat-lahat yung tipong wala ka ng tinira sa sarili mo kahit katiting lang. Parang yung nangyari lang sa akin.. Fuck! Matagal ng tapos yung sa amin! Bakit ko pa ba yun sinasama dito?!

"Hindi naman sa pinapakialaman kita ah.. Para sa akin kasi dapat yung mga ganung gago dapat pinapatay.. What I mean is, pinapatay mo na siya sa puso at buhay mo. Isipin mo nalang ah, sa ganda mong yan. O siya sige na maganda ka na, pero mas maganda parin si Azleng sayo kaya wag kang mag maganda diyan. So, ayun na nga.. Sa ganda mong yan, naloloko ka pa? Hay. Tsaka akala ko ba strong ka? Tsk. Parang hindi ikaw yung kilala kong Vags na saksakan ng tigas ng mukha.." napabuntong hininga ako dahil sa nangyayari.

Sige Thunder, mag advise ka pa sa taong walang kasiguraduhan kung nakikinig ba talaga sayo... Sige lang mag advise ka pa. Hanggang sa magsawa ka hanggang sa ikaw nalang ang sumuko sa kakadada.

My Pervert Husband [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon