XIII

2.4K 53 3
                                    

"Hey!" Napatingin ako sa kamay na umakbay sa akin.

Sino itong taong lapastangang na bumabasag ng moment ko?!

"Hey mo to!" At agad kong tinabig ang kamay niya na nakahawak sa kanang balikat ko. Hindi ko maiwasan hindi mapatayo dahil naistorbo ako sa pag-inom ko ng alak, minsan na nga lang ako uminom eh merong asungot na iistorbo sa akin. Tsk.

Tinignan ko lang muna siya simula ulo hanggang paa. Nang matapos ko siyang kilatisin ay tinignan ko siya ng seryoso. Aba! Sorry for the word pero nakakagago lang kasi nakikipagtitigan siya sa akin habang nakangisi.

Ano kayang iniisip nito?

I sigh

Tsk. Hindi niya ba nakikitang broken na yung tao? Yung feeling na broken ka na nga tapos lalapitan ka pa ng taong broken din yung mukha. Shete lang talaga. Ano ba talagang nangyayari sa mundo ngayon?

Hindi ko alam pero parang bigla tuloy akong naasar sa mukha niya, actually kanina pa ako naasar sakanya dahil sa ngisi na ginagawa niya.

Gwapo naman siya kung hindi lang talaga siya naging pangit. Hindi naman sa namimintas ako ng tao, pero ayun kasi yung nakikita ko sakanya eh. Ang pangit na nga ng ugali niya, kasumpa sumpa pa yung mukha niya. Paano ko nasabing pangit ugali niya? Duh, ikaw ba naman hawakan sa kanang balikat na walang pahintulot mo diba? Sino ba namang matinong tao na gagawin yun diba? Maliban lang kung may iba siyang intensyon sayo diba?

"Woah! Alam mo gusto ko talaga yung mga babaeng palaban eh.." Ngumisi ulit ito at ngumisi din ako. Kwinelyohan ko siya at nilapit ko ang mukha ko sa kaliwang tenga niya

Hindi ako nagtatanong, kaya wag siyang magsalita na kung anu-anong kabalbalan diyan. Tsaka sino ba kasing nagtatanong kung ano ba yung mga interest niya sa isang babae diba?! Paki labas naman yung taong nagtanong! Tatagain ko! Dali!

Ang pinaka ayoko talaga sa lahat eh yung nagmomoment ako tapos bigla akong iistorbohin.

"Edi maghanap ka ng babaeng bouncer. At doon ka makipagbugbugan, paniguradong hindi ka nun uurungan. At isa pa, wala ako sa mood makipag-asaran at makipagbasagan ng bungo. Kaya kung ako sayo umalis ka na habang hindi pa ako tuluyang sumasabog. Alam mo ikaw, mas mabuting bumalik ka nalang sa lupang pinanggalingan mo tutal mukha ka naman lamang lupa eh. Alis na.. Chupi na!" Tinalikuran ko siya at muli akong umupo.

Kaasar talaga! Sana tuluyan na siyang lamunin ng lupa..

"Masarap siguro kung sasabugan ka sa mukha.." naningkit ang mga mata ko ng sabihin niya iyon. 

Teka tama ba yung pagkakarinig ko? O baka mali lang yung pagkakarinig ko? Baka ang ibig niyang sabihin masyado ng sabog yung mukha niya. O dahil kaya siya nandito at ginugulo niya ako para sumabog pa ng husto yang mukha niya? Ganun ata yung gusto niyang mangyari eh..

"Hmm..." narinig kong ungol nito. Tsaka lang nag sink in sa utak ko yung sinabi niya ng marinig ko siyang umungol.

Tangina nito ah. Tama bang umugol siya dito. Tsk. May sira na ata to sa utak eh.

"Hindi ka ba nagagwapuhan sa akin?" Tanong nito. Napatigil ako sa pag-inom ko ng alak at nilingon siya.

Yung totoo lang? Sino ba talaga ang nakainom sa aming dalawa? Ako ba o siya? Mukhang siya na ata yung may tama sa aming dalawa eh..

"Saan banda?" Pabalang na sagot ko at muli akong uminom ng alak ko. Pakiramdam ko umiinit na yung magkabilang pisngi ko dahil sa alak.

Shete kapag ako nagkaroon na ng tama dahil sa alak, sisiguraduhin kong tatamaan din itong lalaking to sa akin!

My Pervert Husband [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon