XXVI

1.5K 34 15
                                    

Azelea's POV

"Asan pala si Zander hija?" Sabi ng mom ni Zander.

Napakagat ako ng ibabang labi ko dahil sa kaba.

Patay! Anong sasabihin ko?

A. Nasa kwarto po, may sariling mundo po siya this time kaya po hinayaan ko po muna.

B. Nasa kwarto po, pinagselos niya po kasi ako kanina kaya bilang parusa tinali ko po siya sa kama.

C. Nasa kwarto po, nagsasarili. Ahm. You know.. Yung kadalasan ginagawa ng mga lalaki kapag nag-iisa.

D. All of the above.

E. None of the above.

Mabilis akong umiling dahil sa iniisip ko. "Ahm. Nasa kwarto po... Nakatulog po ata siya. Hindi ko narin po ginising kasi mukhang napagod po siya.." Sabi ko nalang.

Hehehe nice Aze.. Very nice!

Tumingin ako kay Baby Ashley na patuloy sa paglalaro ng mini barbie niya.

Ang cute cute niya talaga, manang mana sa akin. Panigurado paglumaki si Ashley hindi na manika ang lalaruin niyan, kundi baril-barilan. Naalala ko ganyan na ganyan din daw ako sabi sakin  ni lolo hahaha. Halos wala daw kaming pinagkaiba sa akin si Ashley, ganyan na ganyan din daw ako noong bata. Barbie.. Baril-barilan... Hanggang sa maging boyish ako.. Well hindi ko naman iyon itatanggi dahil mas okay na magkaroon ako ng kaibigan na lalaki kaysa sa babae.

"Momshie!" "Papshie!" Sabay kaming napatingin sa dalawang anak ko na tumatakbo palapit sa amin.

Momshie at Papshie kasi ang tawag nila Zeal at Zeart sa mom and dad ni Zander.

Sinuggest din ng mom ni Zander na ganun yung itawag sakanila dahil mas mukhang bata daw pakinggan.

Well, totoo nga naman nakakabatang pakinggan yung tawag niya na yun.

Sinalubong ng mga magulang ni Zander sina Zeal at Zeart ng isang mahigpit na yakap. "Hi beautiful lady out there" masayang sabi ni Zeart at kumaway siya sa akin kaya nag flying kiss ako sakanya.

Hahaha! Kakaiba ka talagang bata ka, halatang may pinagmanahan.

"Words can't explain how beautiful she is" Sabi naman ni Zeal sabay kindat sa akin.

Itong mga batang to, niloloko pa nila ako.

"Hi mom dad!" Kaya napatingin kami sa nagsalita.

Sila Thunder at Vanessa.

Ayiie! Bati na silang dalawa! Magka holding hands na kasi sila eh.

Tumingin naman ng may halong pagtataka ang mom niya sakanilang dalawa ni Vanessa. Marahil hindi pa alam ni tita na may namamagitan na sakanilang dalawa ni Vanessa.

Bumeso si Vanessa sa parents ni Thunder at tsaka ngumiti.

Nang mapansin ni Thunder na parang iba ang tingin ng mom niya ay agad siyang nagsalita.  "Uhmm.. Mom... Dad..." Pabalik-balik ang tingin niya sa parents niya.  At tumingin siya kay Vanessa at ngumiti. Huminga siya ng malalim at muling tumingin sa parents niya bago tuluyang nagsalita.

This is it pancit! Road to forever na #TeamVander! Yahoo!!

"Girlfriend ko po... Si Vanessa.." Nahihiyang ngumiti si Vanessa at tsaka tumango sakanila.

Kyaaaaaa! Oh my gosh! Hihihihi Official na sila sa parents ni Thunder! Hmm. Kailan naman kaya sila magiging official sa parents ni Vanessa? Hmmm...

"Oh my God! Seryoso hijo?" Gulat na tanong ng mom niya at masaya namang tumango si Thunder sakanya.

Good job Pikachu! You did a great job!

My Pervert Husband [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon