XXXIX

1.2K 20 5
                                    

Ⓐ: Annyeong mga silent readers, voters, and commenters. Mag hi naman kayo sakin hahaha especially sa active voters ko na to
>>>  jhudhieyth zhicen_shige

Yes! Nakakapag tag na din ako woho! *sabog confetti* 😂 sorry nababaliw nanaman ako eh hahaha. I hope magustuhan niyo tong ud ko ♥

❊❣❊❣❊❣❊❣❊❣❊❣

Zander's POV

Nakatulala lang ako sa kawalan at iniisip ko parin yung babaeng nakasalubong ko kanina. Kamukhang kamukha niya talaga si Aze.

Siguro nga nahihibang lang talaga ako kaya siya ang nakikita ko sa babaeng yun. Dibale masasagot naman mamaya ang tanong ko.

FLASHBACK

[Mall]

Nag cr lang ako sandali nawala na sila agad. Nasa mall kami ngayon at kasama ko ang mga anak ko at si Klaine. Lumabas lang kami para magpahangin at makabili rin ng mga gamit ang bata.

Napalingon ako ng may marinig ako tila may nagtatalo. Paglingon ko isang matandang lalaki na may kasamang batang babae at isang babae.
Napansin ko din na may natapon ding kape sa sahig.

"Hindi ba kayo marunong tumingin sa daanan?!" Galit na sigaw ng babae sa matanda. Lumapit ako kaonti para makita ng malinaw ang mga nangyari.

Ngayon umiiyak na ang batang babae na kasama ng matanda.

Nang makalapit ako napansin kong natapunan ang babae ng kapeng iniinom niya.

"Pa-pasensya na po maam. Hindi po sinasadya ng apo ko iyon. Sorry po." sabi ng matanda.

Grabe naman itong babaeng to makapag scandalo dito pa talaga sa mall. Parang sa itsura ng babaeng to hindi niya sasantuhin yung matanda at yung bata.

"Anong pasensya?! Hindi niyo ba alam na mahal itong damit ko! May pambayad ba kayo sa damit ko?! Ha?! Kapag ba nag sorry ka mababalik niya sa ayos yung damit ko!?" pasigaw na sabi nito. Napailing nalang ako dahil sa nangyayari.

Hay, ganito na ba talaga ang tao ngayon? Wala ng natirang respeto sa katawan? Tsk. Humingi na nga ng tawad yung matanda sakanya e tapos ganyan pa siya.

Napakuyom nalang ako ng kamao dahil sa galit na nararamdaman ko. Dumadami naring nakikiisyosong tao sa paligid.

Magkano ba yang damit niya? Kung makapagsalita siya akala mo gawa sa ginto yung damit niya! Baka nga nabili niya lang yun kung saan eh. Baka gusto niya lang na bayaran siya ng matanda.

Napansin kong naglabas ng panyo ang matanda at pilit pinunasan ang damit ng babae na natapunan ng kape. Tinabig naman agad ng babae ang kamay ng matanda at parang diring diri ito sa ginawa niya.

"Manyak kang matanda ka!" At aaktong sasampalin na niya ng matanda ng biglang may pumigil sa kamay nito.

Tila nag slow motion ang paligid ko at natulala ako sa babaeng dumepensa sa matanda.

"Excuse me miss, hindi naman ata tama yang ginagawa mo. Mananampal ka ng walang ginagawang masama sayo?" Sabi niya.

Aze?

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko ng makita ang babaeng pinakamamahal ko.

Siya ba talaga tong nasa harapan ko ngayon?

Agad kong kinurot ang pisngi ko at baka nanaginip nanaman ako.

Napangiwi ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.

My Pervert Husband [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon