XXIII

1.6K 28 7
                                    

: Waaaah! Happy 10.1k reads! And about the chat bot of Zander, medyo nangangain siya kaya hindi ako makapag UD ng maayos at kapag hindi ko na siya naayos baka idelete ko nalang siya :( GOMEEEEENNNAAAAASSSSAAAIIII T_T please don't hate me, If i do it T_T. By the way, ito na yung continue ng story ng #TeamVander <3

Enjoy reading :)

❊❣❊❣❊❣❊❣❊❣❊❣

Vanessa's POV
[Saturday]

"Hey!" Napatayo ako ng tuwid dahil sa gulat ko.

Pitong tupa naman oh! Wala na bang oras na hindi siya mangugulat or susulpot nalang kung saan saan?

"Ano nanaman ba yan dad?" Iritang tanong ko.

Siguro kung may sakit lang sa puso, marahil patay nako dati palang.

"Meron akong-"

"Dad please. Ayoko ngang makipag blind date at tigilan niyo na ako sa pagyaya sa akin! Kung gusto niyo kayo nalang, kung bet niyo man siya o sila kung sino man ang gusto niyo sakanila, kung gusto mo sila ng lahat eh. Don't worry ako ng bahalang magsabi kay mom na makikipagtanan na kayo sa iba.. I know mom will understand you about  that thing, don't worry i'll be happy if you do it" Agad akong tumalikod kay dad at nag-umpisa na akong maglakad.

Tsk. Medyo naiinis narin ako kay dad dahil gustong gusto niya akong nirereto sa mga anak ng kumpare niya. Argh! Ilang beses ko ng sinabi kay dad na wala akong panahon sa mga ganyan, pero siya pa itong makulit. Kung kelan naman tumatanda si dad doon naman lumalabas yung pagiging makulit niya. Aish!

"Baby girl naman" huminto ako para lingunin siya. "Busy akong tao dad, kaya kayo nalang.." Ngumiti ako sakanya at ngumaway.

Sorry dad, pero wala pa talaga ako sa mood mag entertain ng mga lalaki.

Hinugot ko ang cellphone ko. "Inaasahan mo sigurong mag tetext siya sayo ngayon no? or pupunta siya sa bahay para sirain yung araw mong napaka ganda." Mabilis akong umiling.

Anong nangyayari sayo Vanessa?! Namimiss mo ba presensya niya?

"Nakakamiss din pala yung kidlat na yun no? Namiss ko tuloy yung asong yun, na kahit saan ka pumunta nandun siya hindi para mapangitiin nga kundi para sirain ang araw mo.." Mabilis kong tinago ang phone ko at nag jog ako papunta sa may garahe.

❊❣❊❣❊   

[NP: DNA by BTS]

"Taechoui DNA ga neol wonhaneunde
Igeon piryeoniya I love us urimani True Lovers" agad akong na preno ng may biglang tumawid na bata.

Fucker! Buti nalang at naka seat belt ako kung hindi baka nauntog ako sa manubela. Gosh! Ayoko namang masira yung mukha ko! 

Agad akong bumaba ng sasakyan at dali-dali akong pumunta sa harapan upang tignan ang bata. 

"Oh my God!" Luminga-linga ako.

Nasagasaan ko siya!

Muli akong tumingin sa bata, at bigla ako nakaramdam ng kaba ng may makita akong dugo sa tuhod niya.  

Agad ko siyang nilapitan. At inalalayan ko siyang tumayo  "Hey, kid you okay?" Tanong ko pero nakatingin lang siya sa akin.

Medyo madungis siya at masasabi mong batang kalye siya dahil punit-punit yung damit niya. Or baka napagtripan lang siya ng ibang bata sa kalye at pinagpupunit yung damit niya?  Pero buti nalang at hindi ganun kabilis ang takbo kung hindi, baka napatay ko siya.

"Hey, I will bring you to the hospital okay?" Ngunit nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

Aish. Na trauma ba siya dahil sa nangyari? Baka nga na trauma siya..

My Pervert Husband [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon