XII

2.4K 57 10
                                    

Azelea's POV

Nasa bar ako ngayon. Bago ako pumunta dito pinatulog ko muna yung mga anak ko.

Napatingin ako sa suot ko. Naka v-neck akong white t-shirt naka suot din ako ng leather jacket na black, skinny jeans at maroon na timberland boots. Namiss ko din magsuot ng ganitong klaseng damit.

Muli kong binaling ang tingin ko sa bote ng alak na hawak ko at nilaro ito.

Magpapalamig muna ako ng ulo sandali dito at uuwi narin ako pagkatapos, siguro uuwi ako kapag nakaramdam na ako ng hilo yung feeling na hindi ko na kaya. Kailangan kong uminom para malabas lahat lahat ng nararamdaman kong sakit. Siguro kailangan kong magwala dito sa loob ng bar para mawala ang inis at galit ko?

Ininom ko ang natitirang alak ko na parang tubig, actually kakaorder ko lang yun.

Huminga ka nga muna Aze..

Hay pakiramdam ko hopeless na hopeless na ako.. Sa totoo lang namiss ko narin uminom ng alak, yung tipong walang kasama kundi ikaw lang mag-isa. Kung sa bagay mas gusto kong mapag-isa sa ngayon para naman makapag-isip isip. Naalala ko tuloy noon, lagi nalang akong pumupunta ng bar para magsaya at ienjoy ang mga oras na nabubuhay ako sa mundo. Pero ngayon parang kabaliktaran na ang nangyayari. Hindi ako pwedeng magsaya tulad noon dahil busy at may pamilya na ako.

Pamilya...

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko.

Uminom ulit ako ng alak. At nang maubos ko ito ay umorder pa ulit ako ng isa. Minsan nalang naman ako uminom kaya lulubusin ko na, wala rin naman sasaway sa akin dahil wala naman siya dito.

Inis kong pinunasan ang luha ko. Ano ba yan luha! Kahit sandali naman tumigil ka sa pagtulo oh! Pagod na pagod na ako sa pag-iyak ko. Nahihirapan narin akong huminga, kaya please lang. Kahit ilang minuto lang tumigil ka naman oh.

I smile bitterly.

As if naman maiintindihan ako ng luha ko diba?

Napatingin ako sa cellphone na nasa harapan ko. Panay kasi ang pagtunog nito. Tumatawag na naman siya.. Hindi ba siya napapagod sa pagtawag sa akin? Parang ako kasi ang napapagod sa ginagawa niyang pagtawag ng paulit-ulit. "A-anong aasahan mo? Na-na sasagutin ko tawag mo? Tsk.. Ang sakit sakit kaya dito" tinuro ko ang kaliwang dibdib ko.

Kahit na mag mukha na akong tanga sa pagsasalita dito, okay lang basta malabas ko lang ito.  Sa totoo lang ang bigat bigat sa dibdib ng mga nangayayari.

"Ang sakit Zander. Ang sakit-sakit ng ginagawa mo sa akin."

Dalawang araw ko narin iniignore ang mga text at tawag niya sa akin.

Kinuha ko yung phone ko at nagbasa ng ilang message niya.

[From: Bunny ko 😍]
Nag-aalala na ako sayo. Please sagutin mo naman yung tawag ko or kahit yung text ko.

Bakit ko naman gagawin yun?! Unang una sa lahat hindi ganun kadaling kalimutan ang mga ginawa niya.

Hindi ko man siya nahuli sa aktong nakikipaglandian sa iba. Pero malakas ang pakiramdam kong may nangyayari pang iba sakanya, hindi ko lang masabi kung ano yun dahil hindi pa ito nakikita ng mga sarili kong mata. Ang masakit pa nito yung nahuli ko na nga siya pero patuloy parin siya sa pagsisinungaling. Bakit patuloy parin siyang nagsisinungaling at naglilihim sa akin? Bakit?! Nangako kami sa isa't isa na walang magsesekreto, at walang magloloko sa aming dalawa.

Jusko..

Hinayaan ko lang tumulo ang luha ko.

Paano niya ipapaliwanag yung bracelet niya na binigay ko, eh hindi niya naman yun tinatanggal. Imposibleng napigtas lang yun at accidentally na may nakapulot at take note may sticker note pang kasama! 'Tinggal niya' Damn! Wag na wag niya akong gagaguhin dahil hindi ako nakikipaglokohan sakanya.

My Pervert Husband [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon