XLI

995 25 2
                                    

Ⓐ: Sorry ngayon lang ako nakapag ud, ang hirap kasi gumawa ng story ng wala kang inspiration. Charot charot lang 😂 By the way salamat sa pag support sa story na to, at gusto ko lang ipaalam sainyo na malapit na tong matapos sana suportahan niyo parin hanggang sa huli ♥ Kung may mga typos kayong nakita pagpasensyahan niyo na 😂 Credits kay Jeonkookie_IU for the photo ♥ Woho #TeamKookU

Thank you ng maraming marami, mahal na mahal ko kayong lahat ayieee♥

Ps: ito na ata yung pinaka mahabang chapter na nagawa ko 😂 Kaya enjoy!

❊❣❊❣❊❣❊❣❊❣❊❣
Zander's POV

Kailangan kong magmadali dahil nasa panganib ang mag-iina ko. Kailangan ko silang makita agad. Sa totoo lang simula ng makita ko tong gusaling ito para bang iba ang kutob ko sa lugar na ito. At kanina pa ako kinakabahan dahil sa mga nangyayari.

Nasan ba sila? Kailangan ko na silang makita agad!

"Aze!" tawag ko ngunit walang sumasagot.

"Zeal, Zeart!" tawag ko ulit

Nasan ba sila?

Humugot ako sa bulsa ko ng maramdaman ko itong nag vibrate.

Malakas ang kabog ng dibdib ko ng
makatanggap ako ng text galing sa unknown number.

+639636204700
[Rooftop]

Sabi nito at nagmamadali naman akong umakyat papuntang rooftop.

Posible kayang nasa rooftop sila?

Ano pa bang hinihintay ko ngayon?!

Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa rooftop. Hingal na hingal ako ng marating ko ang pinaka tuktok ng gusali. Sa tansya ko matagal ng abandunado itong gusali na ito.

Habang nililibot ko ang paningin ko sa paligid tila may sumagi sa isip ko.

Kaya pala nangyayari ang lahat ng ito dahil sa kagagawan ko. Dahil sa akin may namatay. Dahil sa akin hindi nakapiling ni Dallas ang pinakamamahal niya. Pero hindi ko naman kasalanan na magkagusto siya sa akin ng ganoon.

Alam naman ni Cline na simula palang hindi ko siya mahal at never  ko siya minahal pero pinagpatuloy parin niya yung pagsunod sa akin. Kilala niyo naman ako sikat akong womanizer noon, pero hindi na ngayon dahil kay Aze.

At dumating yung araw na nakilala ko si Aze, sinubukan ko siyang itakwil kasi gusto kong makapag focus kay Aze that time pero kahit anong gawin kong pagtatakwil sakanya nakabuntot parin siya sa akin. Anong magagawa ko? Marahil nabulag na siya sa pagmamahal niya sa akin.

Hanggang sa hinayaan ko nalang siya sa pagsunod sa akin, kasi alam ko na isang araw titigilan niya na ang pagkahibang sa akin dahil tao rin siya napapagod. Hanggang sa dumating nga araw na wala ng Cline na sumusunod  sa akin, dati kasi lagi siyang bumubuntot sa akin everytime na aalis ako o kaya nasa bahay ako, basta kung nasan ako nandun rin siya. Moving on, ang akala ko kaya hindi na siya nagparamdam sa akin dahil napagod na siya sa pagsuyo sa akin, ngunit mali yung akala ko.

Ginulo ko ang buhok ko.

❊❣FLASHBACK❣❊

"Sir-" "Zander"

Napakunot ako ng noo dahil sa nakikita ko. Akala ko tinigilan na ako nito? Bakit nandito nanaman siya sa opisina ko?! Ilang araw na siyang hindi nagparamdam sa akin bakit hindi niya nalang pinagpatuloy habang buhay!

Tinignan ko ng masama ang secretary ko.

Ang sabi ko sakanya wag niyang papasukin si Cline! Ilan beses ko ba kailangan ipapaalala sakanya!

My Pervert Husband [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon