XXIV

1.5K 31 3
                                    

❊❣❊❣❊

Vanessa's POV

"Tsk. Mas maganda pa nga ako doon sa Raine na yun eh. Aish" nilapag ko ang bucket sa table.

Hindi ko alam bakit bigla akong na bad trip eh. Siguro dahil sa pagmumukha nung ulan na yun? Lalo na yun binanggit niya yung pangalan ni Thunder! Wow! Special mention? Baka mamaya niyan may special treatment pa ah. Tsk. May nalalaman pa siyang 'I'm really glad you came' itapon ko siya sa ibang planeta eh!

Kumuha ako ng isang beer at ininom ito. "Aish. Easy ka nga muna Vanessa"
Huminga ako ng malalim at pinikit ko ang mga mata ko.

Keep calm and don't get mad.

Nang idilat ko ng mga mata ko ay saktong nakita ko si Thunder at si Raine naglalakad palayo.

Bago man lang ako umalis dito sa lugar nato, gusto ko munang makilala yung Raine na yun. Malay mo mabait siya tapos mag-iba tingin ko sakanya diba? Pakiramdam ko kasi nasa loob din ang kulo niyan. Tsaka titignan ko lang kung pwede ko na bang ipaubaya si Thunder sakanya.

Inubos ko ang alak ko at dali-dali ko silang sinundan.

Bored ka diba? Tama! Mag sspy muna ako sakanila, tutal wala naman akong ginagawa eh.

Napatigil ako sa paglalakad ko at bigla akong nagtago sa damuhan.

Bigla kasing lumingon si Thunder eh, baka lang makita niya ako. Tapos kung ano pa yung isipin nun.

"I just wanna say.. I'm so sorry.." Narinig kong sabi ni Raine.

Nagsosorry siya para saan? Tsk. HHWW? Ay hindi pala HHWS pala dapat. Holding Hands While Standing, o diba bagay?

"It's fine.. Don't worry-" nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siyang halikan ni Raine.

Wait lang ah.. Medyo nag bubuffer pa sa utak ko. Hi-hinalikan niya si Thunder at ito namang si Thunder sinuklian naman?

Pinangpaypay ko ang sarili kong kamay dahil sa nangyayari.

Inhale.. Exhale..

Medyo naiinitan na ako dito at tska dapat siguro tumigil nako dahil hindi na tama yung ginagawa ko. Kailangan nila ng privacy, at tsaka sino ba ako diba para mag spy sakanilang dalawa diba?

Huminga ako ng malalim at tsaka ako tumayo. Pinagpag ko ang damit ko kasi may mga dahon-dahon na nakadikit eh!

"Stop it Kurt-"

"YOU SHUT UP BITCH!"

"I'm not a bitch anymore. But if you want, I can go back.." bulong ko sa sarili ko. Sorry na nagulat lang din ako sa sigaw na narinig ko eh. Ang lakas kasi nangpagkakabanggit eh.

Napatingin ako muli kila Thunder. Wait lang, tatlo na sila.. Wow! Love Triangle ba to? Maybe yes? Kasi merong dugo si Thunder sa gilid ng labi niya eh.

Wait, what?! Dugo?! Nalingat lang ako sandali meron na agad suntukan na naganap? Pwede bang ireplay?! WAIT LANG! PA REPLAY NAMAN! huhuhu hindi ko tuloy nakita!

"She will use you again. And hurt you again just like before.."

Huh?

Buffer... Buffer... 50%.. FAIL!

I guess marami pa akong hindi alam sa past life ni Thunder..

Tinulak siya ng lalaki pero hindi siya pumapalag.

What the hell are you doing Thunder?! Why you're not fighting? If you love her, then fight for her! Teka, diba against ako sakanilang dalawa kanina ah? Eh ano itong iniisip ko ngayon? bakit parang gusto ko pa ata silang magkatuluyan?

My Pervert Husband [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon