XXXIV

934 19 6
                                    

Dalla's POV

Pinagmasdan ko mula sa malayo ang sinasakyan ni Klaine hanggang sa makalabas ito ng gate ko. Mula kasi sa kinakatayuan ko kitang kita ko parin siya.

I signed.

Napamulsa nalang ako at tumalikod na.

Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim.

Ngayon, medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil hindi niya na ako pinilit sa gusto niyang mangyari. Ganoon kasi ang pagkakakilala ko kay Klaine, kahit sandaling panahon lang kami nagkasama masasabi kong nakilala ko na ang pagkatao niya. At masasabi kong ipipilit niya talaga ang gusto niya, hindi siya titigil hanggat hindi niya napapasunod o nakukuha ang gusto niya. Sa nakikita ko sakanya mukhang hindi na siya katulad ng dati. Sana kung ano man ang mga pinaplano niya ngayon ay magtagumpay siya at hindi siya mapahamak sa mga gagawin niya.

I sighed heavily.

Napahugot ako sa bulsa ko ng maramdaman kong mag vibrate ang phone ko. Agad nagflash sa screen ko ang pangalan ni Dzaner.

Dzaner calling...

Agad ko itong sinagot, hindi pa ako nagsasalita ngunit ramdam na ramdam ko na agad ang mabilis niyang paghinga na para bang kakatapos lang niya tumakbo ng mabilis.

Tumakbo ba siya?

"What's wrong?" Takang tanong ko sakanya.

Ano nanaman kayang ginagawa nitong batang ito? Tsk. Marahil nakikipagtagu-taguan nanaman to kay Azelea. Tsss.. Grabe talaga makapag take advantage tong batang to, alam niya namang bulag yung tao tapos makikipaglaro pa siya sa bulag! Pambihira talaga oh! Aish. Makakatikim talaga tong batang to sakin mamaya e.

["Paps si ate Azelea!"] Sabi nito habang hinihingal siya.

I sighed. 

Wag niyang sabihin na nakakakita na si Azelea, dahil malabo pang mangyari iyon unless kung may donor na para kay Azelea. As of now, wala pa kasing donor kaya hanggang ngayon hindi ko pa mapaayos yung mga mata niya. Medyo kinakain kasi ako ng konsensya ko dahil kami ang naging dahilan ng pagkabulag niya. I mean dahil sa kakagawan ni Klaine nabulag si Azelea. Siya kasi ang may kagagawan sa pagkasunog ng building na yun!

["Ma-may du-dugo!"] Dugtong nito.

Huh? Anong dugo? Wait baka mali lang ako ng pagkakarinig. Yeah, paano magkakaroon ng dugo doon sa garden diba?

"Calm down first Dza. You don't need to rush.. Just catch your breath first. Kay?" Kalmadong sabi ko sakanya.

Madalas kasi siyang utalin si Dzanner kapag may nangyayaring hindi maganda.

Agad akong napakunot ng noo dahil sa nangyayari.

May hindi magandang nangyayari..

["Paps! Paano ako kakalma, kung si ate Azelea bigla nalang nahimatay! A-at may du-dugo!"] Sigaw niya sa kabilang linya.

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig sinabi niya.

Fuck!

"What?! Anong nangyari sakanya?!"

Oh God! Hindi ito ang tamang oras para magtanong Dallas!

["Hi-hindi ko a-alam! Ba-basta nagkwe-kwento lang ako sa-sakanya ta-tapos hindi ko na alam! A-at pwede bang wag ka munang magtanong paps ngayon! Kailangan ka namin dito! For shit sake! We need you here, right now!"] I-end call ko na agad at nagmadali akong nagtungo sakanila.

❊❣❊❣❊❣❊  

"Drew, how is she?" Nag-aalalang tanong ko kay Drew na kakatapos lang obserbahan si Azelea. Agad ko siyang tinawagan ng makarating ako kila Azelea kasi sobrang daming nagkalat na dugo sa sahig.

My Pervert Husband [BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon