MADILIM na ang paligid, na tila anumang sandali ay papatak na ang ulan. Ang ulan na tila luha na kusang bumabagsak sa langit. Binuka ni Abella Santos ang dalang payong at naglakad patungo sa mall. Naisip kasi niyang dumaan doon para bumili ng mga librong maglilibang sa kaniya.
Narating niya ang nasabing gusali at pumunta sa bookstore para bumili ng mga librong mababasa. Tahimik niyang sinusuri ang bawat isa niyon sa fiction area ng bookstore. Hinahanap kasi niya ang genre-ng tragic romance na nakahiligan na niya.
Napakaraming libro sa lugar at kung pwede nga lang niyang basahin lahat iyo, gagawin niya.
Naagaw ang atensyon niya nang dumako ang kaniyang mga mata sa isang libro. May pamagat iyong 'Broken Vow'.
Sinuri muna ni Abella ang nakitang libro, na sa pamagat pa lang naagaw na ang atensyon niya ngunit nang akmang kukunin na niya ang libro, isang kamay ang sumulpot at naunahan siyang kunin 'yon. Kinabahan siya dahil isang alaala ang nagbalik sa kaniyang isipan. Alaalang pilit niyang kinalilimutan.
Parang biglang binuhusan ng mainit na tubig ang tiyan niya dahil sa 'di mawaring pakiramdam. Naistatwa siya ng bahagya at tila ano mang sandali ay lalabas na ang puso niya sa kaniyang dibdib.
Dahan-dahang nilingon niya ang may-ari ng kamay na 'yon.
"Miss, kukunin mo rin ba ang librong 'to?"
Nakahinga siya ng maluwag at marahang napapikit nang mapagtantong hindi ito ang taong inaasahan niya. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib. Sa maraming pagkakataon, natatakot pa rin siyang harapin ang taong pilit niyang kinalilimutan.
"A-a! Hindi na, ikaw na lang ang kumuha," aniya at ngumiti sa binatilyong kaharap. Nagtaka naman ang binatilyo sa naging reaksiyon niya. Napailing pa ito.
Dahil sa nangyari, nagpasiya si Abella na lumabas na ng Bookstore. Pasalamat naman siya at hindi tumuloy ang ulang nagbabadya pero nandoon pa rin ang kulimlim ng kalangitan. Pakiramdam niya hindi siya makahinga, dahil pilit na namang bumabalik ang alaalang ayaw na niyang maalala kahit kailan. Pero sadyang makulit ang isip niya at patuloy bumabalik roon ang alaalang itinutulak niya palayo.
TAHIMIK lang si Abella habang nakangiting pinagmamasdan ang maraming librong nasa harap niya. Noon pa man kasi ay hilig na ng dalaga ang magbasa ng mga fiction books. Dahil sahod niya, kaya mabibili niya ang mga libro kaniyang nais.
Biglang napatingin siya sa isang libro na iisa na lang na naka-display sa fiction area. Isa 'yong romance novel na paborito niyang basahin. Nilapitan niya ito at sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.
Ngunit hindi pa nakakalapit ang kamay niya sa libro nang biglang may kamay na kumuha doon. Nawala ang ngiti niya at napalitan ng inis.
Humarap siya sa kung sino man ang kumuha ng libro. "Hoy! Hilig mo bang mang-agaw ng mga bagay na hindi ka naman ang nauna?" bulyaw niya sa binatang nasa kaniyang harapan, na ngayo'y hawak ang librong ibig niya.
Ngumiti lang sa kaniya ang lalaki na tila ba walang pakialam sa mga sinasabi niya.
"Miss, hilig mo ba ang mang-angkin ng mga bagay na 'di pa naman sa 'yo?" balik ng lalaki na hindi nagpatinag sa kaniya.
Lalong nainis si Abella sa lalaki.
"Hoy, lalaki! Ako ang nauna sa librong 'yan, kaya ibigay mo 'yan sa akin," sabi niya at sinubukang agawin ang libro, ngunit naiiwas agad ng binata.
Medyo napapansin na sila ng ibang mga tao roon na abala rin sa pagtingin ng mga libro.
"Bakit ko ibibigay sa 'yo ang bagay na nasa akin na?" malumanay na tanong ng lalaki sa kaniya.
BINABASA MO ANG
A Man in Her Past [Published Under IMMAC]
RomantikPilit kinalimutan ni Abella ang masaklap na kinahantungan ng nakaraan niyang pag-ibig na akala niya'y road to forever na, ngunit nagkamali siya dahil siya mismo ang pumutol sa inakala niyang forever na iyon. Hindi niya 'yon gusto pero iyon ang hinih...